Bogart says "14"

38.1K 1.1K 71
                                    

Buknoy’s Point of view

Inaapoy ng lagnat itong kapatid ko simula pa kahapon. Naku kung di ba naman kasi makulit naglaro laro pa sa ulan! Naghahalong awa at pagka-iresponsable ang aking nadarama sa pagkakalagnat nya e pano kasi, ako pinangaralan ni Eiji na wag magpaulan pero ako mismo di ko napangaralan ang aking kapatid. Wala akong ibang maisip gawin para kay Mark kasi halos lahat si mama na gumagawa. Ah! Alam ko na! Bibili na lang ako ng paborito naming Hany.

Walang suklay-suklay lumabas ako ng bahay sa aking usual na sando’t boxer. Halatang kakagising lang e. Puno na naman ng mga batang paslit na kalaro ni Mark ang kalsada, masayang nagpi-piko, nagpapatintero at nag-aagawan base. Hanggang sa may isang batang babaeng humila sa boxer shorts ko at nagtanong,

“Kuya, kuya si Mark po?”

“Ah e nasa bahay nagpapahinga. May lagnat si Mark e!?”

“Ah ganun po ba!? Yayain ko pa naman sana sya maglaro pero sige next time na lang.” sabi nya.

“Oo next time na lang. Nagpapagaling pa kasi sya para sayo e.” sabi ko sabay lakad na paalis. At nambola pa talaga ng bata. Hmm…kundi ako nagkakamali crush sya ni Mark. Si Mark na lang ang pag-asa at magpapatuloy ng lahi ng mga Lacsamana kaya dapat habang bata pa itinutuwid na ng landas. Haha! Si Eiji kasi e! Haha! Nanisi!? Naku kung marinig nya lang sinabi ko baka sabihin nya pang, ‘I didn’t mean to turn you on’.

Nandito na ako sa tapat ng tindahan nila Aleng Gorya. Wag naman sana si Betty ang bantay, ang anak ni Aleng Gorya.

“Aleng Gorya pabili nga po!” sigaw ko habang pinangkakatok yung hawak kong sampung piso. Sa totoo lang, namimiss ko na yung perang papel na sampung piso. Hay! Kinalimutan na ng panahon.

“Betty may bibili!” sigaw nya. Naku shit sya pa talaga tinawag. Napayuko ako dun sa ilalim nung tindahan nila ng di oras. Bakit ko ba to iniiwasan si Betty? Aside sa obsessed sya sa akin? E di ba may bibilhin lang naman ako?

“Hello? Hello? Ma wala namang bumibili e!”

“Uhmm…pabili Hany.” Sinabi ko rin at tumayo dun sa pinagtataguan ko. Bigla syang lumingon ng may slow motion effect paharap sa akin.

“Oh my gosh! Tinawag mo akong honey! Kyaaah!!!” tumili-tili sya sa harapan ko. Nang mahimasmasan bumalik dun sa bungad ng tindahan nila at ako’y tinanong.

“Ano bibilhin mo, honey?” tanong nya nang pagkaseductive na may kasama pang pakurap-kurap ng mata. Err…

“Uhmm…sampung Hany.” Sabi ko.

“Sampung ano, honey?” Ugh!? O come on!? Di nya ma-gets?

“Pabili ako ng sampung piraso ng tsokolateng tinatawag na Hany! Ayan o yung nasa garapon.” Tinuro ko na ng daliri ko para di na lumala at baka magka migraine pa ako ng di oras. Labas na ako kung nasaktan ko man damdamin nya sa sinabi kong iyon.Pagbalik ng bahay, pumunta ako sa kwarto ni Mark at naglagay ng limang Hany dun sa gilid nya nang patago.

“Kuya pagnakita to ni mama. Patay ka sa kanya.” Sabi nya pero tatlo na kagad nakakain nya.

“Okay lang yan. Basta wag ka lang maingay. Gusto mo pakinggan yung prinapraktis kong tugtugin?” Tinanong ko sya at sya’y tumango.

“Sige kuya. Padalhan na rin ako ng tubig pagbalik mo dito.” Utos nya sa akin nang nahawakan ko na ang door knob ng pinto. Bumalik ako ng kwarto nya dala ang gitara at isang basong tubig. Tinugtugan ko sya ng pinapraktis ko tuwing uwian. Habang tumutugtog,

“Kuya ano yan?”

“God Gave me you ni Bryan White.”

“Para kay Kuya Eiji ba yan?”

Ang Multo sa Manhole - Under revisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon