Bogart says "35"

18.8K 889 52
                                    

Hello everyone! :) So here's the new upload! I hope you enjoy! Pro-promote ko lang yung new single ni Mariah Carey "Triumphant" Sorry, can't help it. XD


Malamyang pumasok si Eiji mula sa gate, makikita mo sa mukha nya ang kalungkutan ng isang nobyong pinaglaruan.

"Sir! Hinanap po kayo ng pirents nyo. San po kayo pumonta?" pambungad ni Manang Inday habang isinasara ang gate ngunit hindi ito sinagot ni Eiji, waring walang narinig. I'm sorry Manang Inday. I don't want to tell. Ang nasabi nito sa kanyang sarili habang umaakyat papunta sa kanyang kwarto.

"Anak san ka nagpunta? Magbihis ka ng maganda, pupunta tayong Ortigas." sabi ni Mrs. Lastimosa habang naglalagay ng hikaw. Tinignan nya ito - naka-red gown, red lipstick at red high heels. Ang ganda ni mama.

"Ma, you look beautiful." sabi nya, managing a smile he inherited from her. "You don't need me there na. You and Papa will do just fine. Kailangan ko pa kasing mag-aral e." Kailangan kong pag-aralan kung pa'no wag maging tanga sa pag-ibig. 

"A ganun ba? O sige." may kaunting panghihinayang sa boses ng ina. " Anak baka late na kami makauwi. Papuntahin mo na lang si Buk-"

"I'm fine!" hindi nya ini-expect na ganun kalakas ang lumabas na tunog sa kanyang bibig. Nanlaki ang mata ng kanyang ina mula sa pagkagulat. "I'm fine Ma. Sorry. Stressed out lang ako. I hope you have a fun night there. Bye." he quickly went to his room after that impromptu.

Sa kwarto nya ipinagpatuloy ang pag-iyak. Lahat ng mga bagay na magpapaalala kay Buknoy ay kanyang inaalis, sinisira,itinatapon, hanggang sa magmistulang nadaanan ng bagyong Gener ang loob ng kwarto. Nakaramdam sya ng konting kasiyahan sa pag-ganti sa kanya ngunit matapos naman nito'y nagmukmok uli sa kama, yakap-yakap ang mga tuhod hanggang sa muli na namang umagos ang luha sa kanyang mga mata.

Then he noticed the ring. Initially, he wanted to get rid of it. Nagpunta sya ng banyo, marahas na sinabon ang kamay at ilang beses na sinubukang tanggalin ito. Bakit ba ang hirap? Bakit ba hindi pwedeng tanggalin ang isang bagay nang hindi nasasaktan? Bakit Buknoy?

Pakiramdam ni Eiji nang makalabas ng banyo'y napakalinis ng kanyang kamay. Ngunit ramdam pa rin nya ang singsing sa isang daliri na ngayo'y namamaga sa sakit. Dahil hindi nga sya nagtagumpay na maalis ang singsing sa daliri o ang daliri sa kamay, pinuntirya nya ngayon ang jersey nyang binigay.

Nang makita ni Manang Inday si Eiji na bumaba, may hawak na mga damit, akala nito'y maglalaba ang kanyang amo.

"Ay sir ako na lang po maglalaba nyan."

"No." mabilis syang sinalungat ng kanyang amo na hindi nya maintindihan simula nang bumalik ng bahay. "I have better idea in mind than washing them." sabi nya at nagpatuloy sa paglalakad particularly sa pool area.

"Bogart," tawag nito sa alaga habang papalapit sa kanyang hawla. "May bago akong laruan para sayo. Sana ma-enjoy mo. Here!" inihagis nya ito sa loob ngunit hindi man lang ito ginalaw. Lingid sa kanyang kaalaman na nakasilip si Manang Inday na saksi ang kawirduhan ng kanyang amo. Ano kayang problema ng alaga ko? Nasambit nya sa sarili nang makita nyang tsinelas naman na malaki ang kanyang inihagis sa loob.

Kwarter to one na nang nagising si Buknoy. Hindi kasi nakatanggi kahapon nang yayain sya ni Robert ng inuman. Birthday nya naman e. Sabi pa nito sa sarili bago magtext na pupunta sya. Nag-unat sya ng katawan at nagmulat ng mata. Bumangon sya mula sa pagkakahiga, naupo, at nagtaka nang makita si Ellis na may dalang pagkain.

"Breakfast in bed!" sigaw nito, habang papalapit. Dali-daling nagbihis ng damit si Buknoy at nagsuot ng short sa hiya.

"Anong ginagawa mo dito?"

Ang Multo sa Manhole - Under revisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon