Bogart says "20"

31.3K 1K 79
                                    

Buknoy’s POV

Alas otso ng umaga, Linggo. Pumunta kami ni Mark sa Baranggay Hall. Namove yung mission from Saturday naging Sunday dahil sa di pinagbigay alam na kadahilanan. Nakaset up na yung mga kagamitan pagpasok namin, nandun na rin ang mga doctors at mga nurse na mag-aassist. Mahaba-haba na rin ang pila nung dumating kami. Samu’t saring klase ng bata ang dumating; may special, may normal, may mabaho, may hmm…okay lang. XD Buti na lang kamo maaga kami umalis ng bahay. Mga isang oras din kami sa pila kaya nga para di mainip, nilabas ko ang ipod at nagsound trip. Di katagalan,

“Lacsamana, Mark?” tanong nung nurse habang itinataas baba yung papel nyang hawak. Tumayo ako mula dun sa monoblock at nilapitan yung nurse para ibigay sa kanya yung papel na finill-up-an ko para kay Mark. Hindi ko alam na iba magiging reaksyon nya sa paglapit ko sa kanya.

“Ikaw si Mark? Aba’y ang laki muna di ka pa nagpapatuli!?” Tawanan yung mga supot na bata na nakapila dun sa hilera ng marinig yung nurse. Anghel na anghel na yung anghelito ko grade 3 pa lang, mga supot! Eto kayo: t(>.<t)

“Ah eh! Hindi po ako si Mark.” Pagpapaliwanag ko habang pinapalapit si Mark sa amin. “Ito po si Mark. Ako po yung kuya.” Ngayong naliwanagan na yung nurse, pinapirmahan nya sa akin yung hawak nya at sinabing maghintay na lang daw sa waiting area. Pero bago pa ako umalis, binigay ko muna kay Mark yung ipod na ikinataka nung nurse.

“Para san to kuya?” tanong nya habang inaayos sa pagkakabuhol yung earphone.

“Mababagot ka kakatingin sa kisami. Mas maganda ng nagso-soundtrip habang tinutuli.” katwiran ko sabay lakad papuntang waiting area. Naupo ako dun sa pinakalikurang bahagi nung area. Ayoko sa harapan; maingay at magulo (parang di na nasanay). Naglalaro ako ng basketball sa cellphone ko para malibang nang napukaw ang tingin ko dun sa kaliwang gilid ng waiting area. Isang lalaki at beki, sweet na sweet, naghaharutan. Walang pakialam sa mga tao sa paligid. Narinig kong nagsuggest yung lalaki na magpabili ng softdrinks dun sa labas kasi uhaw na uhaw na raw sya. Tapos yung beki kinuha yung pitaka dun sa shoulder bag nyang dala at kumuha ng bente. Nagpaka “gentleman” yung lalaki sa beki sabi nya sya na raw ang magbabantay ng bag nya. At dahil tiwalang tiwala, lumabas ang beki ng walang dalang gamit. Dumungaw muna sya huling beses bago inusisa yung laman ng bag. Nakatapat kasi ang cellphone ko sa mukha ko kaya binalewala lang ako nung lalaki nung napatingin sya sakin kanina. Kahit na yung mga taong malapit dun sa pwesto nya’y nagmaan-maangan lang na parang walang nakita. Na parang walang pakialam dun sa gamit nung beki. Bakit nga naman sila mangingialam? Hindi naman kanilang gamit yun. Pero kahit na, diba? Kokomprontahin ko tong lalaking to.

Pinause ko yung game sa cellphone ko, binalik sa bulsa at sumimple ng upo dun sa harap nya, nakatalikod sa kasama naming nasa waiting area.

“Tol may problema ba?” tanong nya habang binubulsa na yung nasamsam nyang pera.

“Wala naman tol pero alam nya ba yang ginagawa mo? Iniwan sayo gamit nya, nakita ko e.”

“Tol noob yung baklang yun. Ang daling perahan. Syempre kailangan lambing-lambingin para maakit ang loob at pasunurin sa gusto mo.” Ewan ko ba pero parang nasaktan ako para sa kasama nyang bakla kanina.

“Tol sauli mo na yan. Hindi yan tama.”

“Bakit tol? Bading ka rin ba? Malaki ba ibibigay mo sakin pagsayo ako nagpatikim?” Tangina nademonyo ako sa sinabi nya ha!? Biglang nandilim paningin ko. Agad ko syang sinunggaban at napahiga sya dun sa sahig. Sinapaksapak ko mukha nya hanggang sa nabasa ng dugo ang kamao ko. Nasapak nya rin ako sa mukha bandang mata (tanginang yan minus pogi points ♠_♦) hanggang sa dumating yung mga tanod. Naalala kong Barangay Hall nga pala ito kaya hayan, binarangay kami. Sakto nandun yung kapitan. Tag-isang tanod ang bantay namin baka daw kasi maggirian pa kami. Binuksan ng isang tanod yung pinto sa office nung kapitan at sabay namin syang nasaksihan sa kanyang upuan na abalang-abala sa pagpipirma ng mga papeles. Nagpalit ang kaninang mahinahon nyang mukha sa pagkabahala nang nakita nya kaming pareho, bugbog sarado. Pinaupo kami dun sa yaring kawayang upuan; magkatapat; hindi naman nag-uusap ngunit nagpapalitan na ng masasamang tingin.

Ang Multo sa Manhole - Under revisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon