Bogart says "23"

29K 1K 46
                                    

Eiji’s Point of View

Sinunod namin ang suhestyon ni Father Rick na uminom ng kape para sa susunod na gabi. Ang problema naparami yata inom ko kaya ayun nung gabi, hyper - sumasagot kahit di naman tinatanong, nang-i-spoil sa pinapanuod na documentary, parang kiti-kiti sa ginagawang activity, kulang na lang pangahan ako para mahimasmasan. Kaya nga kinabukasan, heto bangag. Lakas ng tama ko sa kape na yun. Parang Pulang Kabayo makasipa. I mean, hindi pa naman ako nakakatikim ng hard drinks (champagne ako teh!) pero just by listening to Patti’s story I can already tell the horse power. Isa rin yung lasenggera e.

We held a thanksgiving mass in the morning of our last day here in this beautiful retreat house. Pagkatapos na pagkatapos nun, sinimulan na naming binasa ang mga retreat letters. Natatawa’t naiiyak ako sa mga pinaglalagay nila sa letter. Ganun din naman sila, yung iba naman nagdadalawang isip kung puputukin ba nila yung lobo para mabasa lang ang letter ko. Kasi sayang naman daw pagpuputukin. Pero mas sayang naman kung di nila babasahin.

“Eiji!” lumapit si Katrin at niyakap ako.

“Teh di tayo talo!” sabi ko sa kanya.

“Sira that’s not the reason why I hug you. Na-touch lang ako ng bongga sa letter mo.”

Madrama kasi ako magsulat ng letter. Sinasamahan ko pa yan ng mga piling quotation from my favorite poets. Nabasa ko na lahat-lahat ng mga letters liban sa letter ni Buknoy na sobra nyang pinag-effortan ( na may pagka-bias.) Hinalungkat ko yun dun sa paper bag, wala akong makapa. Naku kung kelan kailangan tsaka pa nawala. Dinouble check ko uli pero I failed.

Tinanong ko yung apat kong room mate pero iisa lang ang kanilang sagot, “Hindi namin nakita.” Hinintay kong makabalik si Stephen galing labas at sya’y tinanong. Sana nakita nya.

“Uhmm…Stephen napansin mo ba yung maliit na bote na hawak ko nun?”

“Hindi e. Bakit? Nawawala?”

“Oo e. Alam ko nakalagay lang yun sa paper bag kasama ng mga retreat letters tapos pagtingin ko bigla na lang nawala.”

“Ganun ba kaimportante yun?” tanong nya. Bakit ganun ang tanong nya? Alam naman nyang walang bagay, maliit man o malaki, ang hindi ko binibigyan ng importansya.

“ Galing kasi yun kay Buknoy e.” sabi ko.

“A ganun ba. Sorry ha. Di ko napansin.”

“Okay lang. Minsan kasi burara ako e. Atsaka kagabi diba napakahyper ko? Namisplaced ko lang siguro. Sige hanapin ko muna ha.” I excused myself. Hindi ko dapat ishini-share ang burden ko sa pagkawala ng retreat letter kasi ako lang naman ang licensed to owe that fault. Nahihiya ako kay Buknoy. What if malaman nyang nawala yung retreat letter. Nakita ko ngang may paso pa hintuturo nya nung binigay nya sa akin probably dahil sa pagsunog nya ng gilid ng papel and yet winala ko lang.

Confession time na nun hindi ko pa rin nahahanap yung letter. Isasama ko na itong ico-confess kasabay ng pagnanakaw ko ng tictac mga labing-apat na taon ng nakakaraan. Ako ang kasunod ni Katrin sa confession room kaya pagkatapos na pagkatapos nya, ako naman ang pumasok.

“Bless me Father for I have sin. My last confession was last year. And these are my sins: Nagnakaw po ako ng tic tac sa Isettan nung 5 years old –” napahinto ako nang narinig kong nagsmirk si Father Rick.

“Father Rick bakit po?” tanong ko sa kanya.

“Hay Eiji nakakatuwa ka. Kaliliit na bagay hinihingi mo ng tawad. Sorry to interrupt you ha. Continue.” He said while still smirking. Nisasabi ko lang aman yung totoo a!? Nonetheless, I continued.

Ang Multo sa Manhole - Under revisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon