Bogart says 46

17.1K 816 63
                                    

Buknoy's Point of View

Simula nung Monday napagdesisyunan kong sumali sa Math club bilang tutor. Ito ang nagsilbing libangan ko para malayo ang isipan sa mga nangyari noong nakaraan. Dalawang linggo na akong walang naririnig na balita tungkol kay Ellis. Hindi ko rin naman sya tinitext o tinatawagan ngunit may isang parte ng utak ko ang natatakot - baka nabuntis ko sya. Wala talaga akong matandaan nung gabing iyon. At given na lasing din sya, mahirap manisi ng pangalawang beses. Sinampal nya ako nung sinabi ko yung nasa isip ko pero masisisi nya rin ba ako? Sana nga lang hindi sya buntis. Sana hindi.

Nung miyerkules, inutusan ako ng teacher naming humingi ng chalk sa ibang classroom. Mahaba-haba raw kasing discussion ang gagawin namin. Lumabas ako para gawin ang pinag-uutos nya. Bihira kong makitang may dumudungaw na Pilot student sa kabilang building ngunit sa pagkakataong iyon, hindi ako pwedeng magkamali na si Eiji iyon - malayo ang tingin at nakapangalumbaba. Kahit sa malayo, hindi ko magawang hindi mamangha. Kung dala ko lang ang canon digicam ko, kinunan ko na sya ng litrato patago. Ngunit wala na akong karapatang gawin iyon, hindi ba? Tinanggalan nya na ako ng karapatang ibigin sya. Masakit pero kailangang indain. Para sa kanya. Kung dito sya masaya.

"Willer!" tawag sa akin ni Jane, isang junior student. Lumapit sya sa akin nang nakangiti; nginitian ko rin. Sya yung tinuruan ko sa Math club. Sa katunayan, may mas matatalino pang tutors kaysa sa akin sa club na yon ngunit dahil balak kong kunin ang kursong engineering sa college, kailangan kong hasain ang mathematical skills ko at syempre ibahagi na rin sa iba.

"Hi Jane! Kamusta test?"

"Naperfect ko sya! Thank you ha! Yun na yung gagamitin kong method - madali na, masaya pa!"

"Wow congratulations!" bati ko. "Sa isang pilot ko natutunan yung formula na yun actually!" ang sabi ko. Nanlaki ang mata nya na parang hindi makapaniwala.

"Wow!... How?"

Ikwinento ko sa kanya yung mga pangyayari habang bumaba papuntang room nila para dun na lang din manghingi ng chalk.

"Kilala mo si Eiji?" tanong ko sa kanya.

"Oo, yung ex mo?" Napahinto ako saglit sa paglalakad. Napansin nyang dahil iyon sa kanyang sinabi kaya dali-dali syang humingi ng tawad.

"Willer sorry. I'm sorry."  Magkasing- edad lamang kami ni Jane. Repeater sya kaya walang kaso kahit di sya magkuya, po, at opo.

"No it's okay." sabi ko, itinago ang tunay kong nararamdaman sa isang simpleng ngiti. "You're correct, by the way." dagdag ko sabay halukipkip ng kamay sa bulsa ng pantalon. Ipinagpatuloy ko ang pagkwekwento.

"Nalaman nya kasing nagkasakit ako. Or rather, ang alam nya nagkasakit ako..." natigil ako sa pagsasalita dahil hindi ko alam na ganito ako ka-excite ikwento ang bagay na yun. "Pumunta sya ng bahay para ibigay sakin yung Math notebook nya. Sabi nya pag-aralan ko raw yon na sya kong sinunod. Tinuruan nya rin ako sa library ng ibang mga formula so yun, dun ko natutunan." Masarap pagkwentuhan ang nakaraan ngunit sa isang iglap, nanakawin ito ng kalungkutan. Nalungkot din ako bigla pagkatapos nun kasi I can't bring it back - that moment.

Nakarating na kami sa tapat ng classroom nila. Humarap sya sa akin at nagkomento sa aking sinabi.

"Wow. Napaka-caring naman pala ni Eiji. What happened now?" kailangan nya ba talagang tanungin yan. Kasi sa totoo lang, hindi ko rin alam. Napayuko na lang ako sa katanungan nya.

"Ay oo nga pala, yung chalk! Wait lang ha!?"

Habang nasa loob ng room si Jane, dumungaw ako sa corridor sa third floor, umaasang makikita ko pa si Eiji ngunit wala na sya doon. Alam kong hindi na maghihintay si Eiji sa akin.

***

Kanina sa gitna ng masayang kwentuhan, may kung anong bagay ang nagpahinto sa akin at naisipan kong gumawa ng excuse. Kaya nagpaalam muna ako kina Robert, sabi ko mag C-Cr lang.

Bago kasi makarating sa Cr, madadanan muna ang chapel. Ewan ko pero dito ata ako gustong dalhin ng aking paa. Napagtanto ko ring aside sa Gawarasal na ginagawa namin tuwing CLE, hindi ko pa nabibisita ang chapel in my leisure time. Ito na siguro ang time na yun.

Pumasok ako sa loob. Ngunit hindi ko na itinuloy yung pagpihit sa door knob nung nakita ko si Eiji. Ang aking Hanybee - umiiyak. Gusto kong wag ng lumabas at tabihan na lang si Eiji sa kanyang kinauupuan pero alam kong ayaw nya ito. Ito rin malamang ang sasabihin nya pagpinagpatuloy ko pa. O di kaya baka lumabas na lang sya ng chapel pag nagpumilit pa ako. 

"I'm sorry." ang tanging sabi ko, hinila uli ang door knob at lumabas para mabigyan ko sya ng privacy. Mula sa labas, ginugulo ko ang aking pag-iisip kung anong nagpaiyak sa kanya. Naisip kong baka nalaman nya yung nangyari sa amin ni Ellis at labis syang nasaktan. Agad akong nakaramdam ng takot kasi hindi imposible.. Baka ito ang maging dahilan ni Eiji para tuluyan nya na akong kalimutan. Iisipin nya na magsasama na kami ni Ellis sa iisang bubong dahil nagalaw ko na sya, magkakaroon ng anak, at kung anu-ano pa. Natataranta na ako nun nang makita kong lumabas na si Eiji. 

Nakita ko sa mga mata nya ang lungkot. Pinunasan nya man ang mukha nya, naroon pa rin ang bakas ng mga luha na alam kong kagagawan ko. Gusto ko syang kausapin tungkol dun. Ipaliwanag sa kanya na kung ano man yung narinig nya tungkol sa amin ni Ellis - hindi ko yun maalala, na lasing lang ako, na sya pa rin ang tinitibok ng puso ko,...na wala syang kapalit. Ngunit imbes na huminto sa tapat nya, pumasok ako sa chapel. Ewan ko pero para kaming may mga magnet sa katawan at nagkataong same pole kami sa mga oras na yun kaya kami nagrepel.

Mabilis kong isinara ang pinto ng chapel, malakas pa rin ang tibok ng puso ko sa nangyaring engkwentro na hindi ko na nagawang mag-genuflect at magdasal. Paikot-ikot lang ako sa loob ng chapel - kinukumbinsi ang sarili na harapin si Eiji at magpaliwanag.

Napatingin ako doon sa inupuan nya. May kulay blue na panyo sa ilalim ng monoblock. Pinulot ko iyon at pinagmasdan. Hindi ito basa gaya ng inaasahan ko. Tama. Gagawin ko itong dahilan para makausap si Eiji. Lumabas ako ng chapel at napansing malayo na sya.

"Eiji!" tawag ko. Hindi ko ini-expect na maririnig nya dahil pakiramdam ko mas malakas pa ang pintig ng puso ko kaysa sa boses ko. Nilingon nya ako. Kailangan ko pang kurutin ang sarili ko ng maniwala na nilingon nya ako.

Pagdating nya sa aking harapan,

"Salamat." sabi nya sabay hawak sa panyo. Eto na ang pagkakataong magsalita pero sa di maipaliwanag na dahilan walang lumalabas na tinig mula sa aking labi, natuyo ang lalamunan ko, pinagpapawisan ako. Naramdaman kong hinila ni Eiji ngunit tinangka kong wag muna yong ibigay dahil nga may gusto akong malaman nya.

Nagtama uli ang mga mata namin. Nagtatanong ang kanyang mga mata. Bigla kong binitiwan ang hawak, tumalikod at umalis. Shit. Hindi ko kayang sabihin sa kanya.Hindi ko kayang makita ang ekspresyon sa mukha nya.

***

Nanghihinayang ako sa ginawa ko kanina. Pagkakataon ko na iyon upang ipaliwanag ang sarili subalit inunahan ako ng hiya. Kaya nga malamya akong dumating sa bahay e. Laking gulat ko na lang nang nakita kong nakaupo sa may sofa si Ellis - halos balot sya sa damit ngayon hindi katulad ng mga una nyang punta, halos wala ng suot.

"Ellis!? Anong ginagawa mo dito?" bati kong patanong habang nagmamano kay mama. Si papa hindi pa nauwi sa trabaho nya dun sa kompanya ng papa ni Ellis. Pumanhik mua si mama sa taas para bigyan daw kami ng privacy. At base sa sinabi ni mama, mukhang alam nya na ang pakay ni Ellis.

Nang makaalis na si mama, tinanong ko sya uli,

"Ba't ka naparito?"

"Good news!..." sabi nya, pero somehow hindi sya masaya. Inalis nya sa harapan nya ang purse at ipinamalas sa akin ang tyan nyang parang lumaki.

"...I'm pregnant."

Ang Multo sa Manhole - Under revisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon