Bogart says 43

16.5K 837 56
                                    

Lunes. Maganda ang gising ni Buknoy. Bumalik na uli sa dating sigla ang katawan nya matapos syang mabugbog. May ngiti syang umalis sa bahay at nagcommute hanggang sa makarating sa paaralan waring parang walang nangyari. Waring hindi nya narinig ang sinabi ni Eiji na "we're through". Sa katunayan, bumili pa nga sya ng isang rosas ng may nakita syang nagtitinda sa bangketa. Gusto nyang iparamdam sa kanya na ganun nya ito namiss.

Nagsinungaling si Buknoy sa naging dahilan kung bakit isang linggo syang absent sa mga nagtatanong sa kanya. May halong pag-aalala ang mukha ng mga kaklase't kaibigan nya sa kasayahang ipinapakita nya. Para bang may mali. Para bang hindi nya alam na wala na sila. 

Nang dumating na rin sa campus si Patti, si Buknoy kagad ang una nitong tinanong kung pumasok na nga ba. Nalaman nyang nasa canteen ito at agad pinuntahan.

"Buknoy bakit ka absent?" tanong nito sa lalaki.

"Nahigad ako." pagsisinungaling nito. "Medyo okay na nga ako ngayon e. Bestfriend mo, asan?"

"Bakit? Hindi mo alam? Ayun, hinihigad nung gunggong na lalaking kasama nya rin sa Prom! Ang sabi nya, boyfriend nya na raw yun pero wala akong nababalitaang nagbreak kayo or something. Ano ba talaga nangyayari?"

"Hindi totoo yun. Joke lang yun ni Eiji kasi nga hindi ako nagrereply sa mga calls and texts nya. Teka, nandyan na ba?" naeexcite nitong tanong.

"Ewan ko. Para kayong wala sa sarili nyong dalawa Buknoy. Ayusin nyo yan." sabi ni Patti sabay alis.

Hinintay ni Buknoy ang lunch break ngunit wala syang Eiji na nakita. Pinuntahan nya sa classroom nila ngunit ang sabi, kakababa lang daw. Nabuo tuloy sa isip nya na baka tinataguan sya nito. Tinanong nya yung kaklase ni Eiji kung san nya iyon maaaring mahanap at ang sabi sa may likuran ng covered court.

Habang bumaba ng stairs, napaisip sya kung ano bang meron sa likuran ng covered court at bakit nanaisin ni EIji doon magpunta. Tahimik at  walang katao-tao. Yun ang una nyang naalala. 

Walang ibang dala si Buknoy sa mga oras na iyon habang tinutungo ang likuran ng court kundi ang bulaklak na binili nya kanina. Mga sampong hakbang pa ang pupunuin ngunit may natatanaw na syang usok na pumapataas. Wala syang kaalam-alam kung san galing iyon ngunit nang lumapit na ito ng tuluyan nabigla syang sa sigarilyo pala ang usok na iyon, na sya namang hawak-hawak ng gulat na si Eiji.

"Willer!" sambit ni Eiji. Parang may kidlat na tumagos sa kanya ng marinig ni Buknoy na tinawag sya ni Eiji sa kanyang totoong pangalan.

Agad kinuha ni Buknoy ang sigarilyo sa kanyang kamay, tinapon at tinapakan. "Kailan ka pa natutong manigarilyo?" tanong ni Buknoy sa malamyang si Eiji.

"Magaling ka na pala." sagot nito upang hindi na iyon pag-usapan. "Sige una na ako. Meron pa ako ditong stick, gusto mo?" pang-aalok ni Eiji.

Kinuha nya iyon, itinapon at tinapakan nya rin katulad ng nauna. Walang kaekspre-ekspresyong tinignan ni Eiji ang sigarilyong kanyang pinakaingat-ingatang itago sa guard kanina.

Niyakap nya si Eiji ngunit hindi ito gumanti ng yakap. "Ano bang nangyayari sayo Hanybee? You already got me with your joke back at that university. And this one right here's not funny anymore." 

"Willer what I said back there was not a joke. We're through. And this, this is really what I am. For the longest time, I keep pretending. And finally, I'm free." nginitian nya si Buknoy ngunit habang sinasabi nya iyon ay parang may tumutusok sa kanyang puso.

"Eiji c'mon! You can't be serious! Ito o, may dala nga akong bulaklak para sayo e. Tell me it's a joke." pilit ikinukubli ni Buknoy ang nararamdaman sa ngiti ngunit hindi na rin nya ito nakayanan nung sinabi ni Eiji na.

"I'm sorry. We really are through. Wala na akong feelings para sayo. I already got what I needed from you. Thanks for that experience."

Naiinis na si Buknoy sa ipinapakitang katauhan ni Eiji. Alam nyang hindi talaga ito ang Eiji na kinamulatan nya.

"Eiji why are you acting like this? Why are you doing this to me? Sinasabi mo bang yun lang ang hinihintay mo kaya ka nakipagrelasyon sa akin? I don't believe you." sinuntok nya ang pader sa kanilang gilid. Napakalakas ng suntok na iyon na napalundag si Eiji sa gulat.

"I'm not acting Willer. And I won't force you to believe me. So you should do the same. Do not force yourself to me. Can't believe you're this stupid to not realize I only wanted your body in the first place." Ngumisi pa si Eiji para mang-insulto.

"Am I not enough?" tanong ni Buknoy, magkahalong hiya at awa sa sarili ang nadarama.

Itinaas ni Eiji ang kaliwang kamay, ipinakita kay Buknoy kung may nakikita pa ba syang singsing na may nakaukit na 'In love you and I' "Will this answer your query?"

Napayuko si Buknoy, tikom ang kamao habang patuloy sa pag-agos ang luha.

"Pwede ko bang marinig sayo na hindi mo na ako mahal?"

May katahimikang namagitan sa kanilang dalawa bago sabihin ni Eiji ang mga salitang alam nya, sa kalooban nya, ang papatay at pagsisisihan nya rin sa bandang huli.

"I don't love you anymore Willer. You should do the same to make it break-even."

Gamit ang likod ng kamay, pinunasan ni Buknoy ang mga luhang bumasa sa kanyang mukha, ibinigay kay Eiji ang bulaklak. Magkatalikod, binigkas ni Buknoy ang mga salitang puno ng pagkamuhi, poot at inipong sakit.

"The only thing I do is to love you, Eiji Lastimosa. And..." napahinto sya saglit para punasan uli ang luhang tumulo mula sa kanyang mata. "Congratulations, you just break my heart to bits." At tuloy-tuloy na syang naglakad palayo. Huminto sya sa kanto ng court waring nagbabadyang lingunin ang lalaking inibig nya ng lubos subalit napigilan sya ng kirot sa puso at dumiretso na ng tuluyan.

Samantala, napaluhod sa sakit ng nadarama si Eiji. Hindi nya akalaing ganito sya masasaktan, na ganito pala kasakit ang magparaya para mapasaya ang iba. Parang nilalamon na ang kalooban nya sa sobrang hapdi ng mga salita ni Buknoy lalo na nung ibinigay nya ang bulaklak senyales na putol na ang ugnayan nila sa isa't-isa.

Ibinaon ni Eiji ang mga kamay sa lupa, ganito sya nagtatangis sa sinapit ng kanilang relasyon. "I'm sorry Buknoy...I'm sorry. But heaven knows how much I really love you. And it's more than you could ever know."

Ang Multo sa Manhole - Under revisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon