Bogart says "29.1"

26.7K 936 24
                                    

Buknoy’s Point of View

Nasa hapagkainan kami ng mga oras na yun nang sabihin ko kina mama’t papa yung tungkol sa imbitasyon ni Patti. Alam mo yang bakulaw na yan, madalang yan kung manglibre o di kaya mang-imbita; kaya dapat pag ikaw niyaya wag ng tanggihan ang grasya. Hihi!

“Uhmm… ma, pa sasama sana ako kila Patti sa Pangasinan, kung pwede.”

“Naku ano namang gagawin mo sa Pangasinan?” tanong ni mama habang sinasandukan ng kanin ang pinggan ng kapatid kong busog na busog.

“Maliligo po sa dagat.” sabi ko.

“Naku nandyan yung plangganang kulay blue, punuin mo yun ng tubig tapos budburan mo ng asin – may instant dagat ka na! O lagyan mo na rin ng mga seashells para mas maging kapani-paniwala!” pagbibiro ni papa.

“Pa naman e! Payagan nyo na ako! Minsan na nga lang mang-imbita yung Tagurong yun e! Pleaseeee?”

At sa wakas! Matapos ang ilang minutong pangungulit, napapayag ko na rin sila sa aking layaw. Kaya lang naman pala sila nagdadalawang isip na payagan ako ay sa kadahilanang hindi ako marunong lumangoy; baka raw pagnalunod ako, dakpin ako ng mga serena at gawin akong alipin.

Hindi ako malulunod lalong hindi ako madadakip sapagkat nandyan naman si Eiji - ang tagabigay ng “kiss of life”. Actually, plinaplano ko ngang magpalunod kungwari para i- resuscitate nya uli ako e kaso pag-ginawa ko yun baka sya na mismo ang lumunod sa akin. Nyahaha!

Friday last week, nagpatawag ng general assembly ang administrators. Akala namin tungkol lang to sa mga normal nilang pinagsasabi ngunit laking gulat ko na lang nang pinaakyat akong stage kasama ni Eiji habang sinasalubong ng di gaanong masigabong palakpakan. Pinatawag ang assembly to recognize – Eiji and yours truly for replacing the school’s property, and the three beki who were the true doer of such act. Wala silang mukhang maiharap ngayon dahil sa ginawa nila kaya hayan nakatalikod sa mga audience. Aside sa public recognition meron pa kaming natanggap na incentives – sa amin na lang daw yung sukling 600 sa pagbili ng rebulto, bale tag 300 kami. Akala ko hanggang dun na lang ang swerte ko, I mean, namin until we went to the field for CAT only to be dismissed. I did ask the officer to repeat his command, doubtful I might have misheard that part. And I’m sure ganun din ginawa ni Eiji sa officer nyang terror. Immediately, we left the campus, jumping with joy till we reached the nearest 7Eleven – there, we stayed until our bellies ache (bottomless ang drinks remember?) Plus,we bought snacks na maari naming chibugin habang binabagtas ang daan papuntang Pangasinan. Then we decided –after learning money is scarce - to save what’s left of our money for transportation fees. Si Eiji na pinagtago ko ng mga chihirya kasi malamang pag sa bahay ko yun inuwi, yari na yung mga pinamili namin kay Mark. Nasumbong rin kasi ni mama noong may lagnat ako na nagdala pala si Eiji dito ng Hany at sinolo lang ng kumag – isa sa mga dahilan bakit kay Eiji ko na lang pinatago ang mga pinamili kahit na siguradong papagalitan sya nina Tito at Tita pagnakita ito. Eiji’s parents despise the nutritional value of junk foods that’s why.

Pagkatapos kumain, dumiretso akong kwarto para ayusin na ang mga dadalhin. Hindi, para pala isipin kung ano ang mga dadalhin. After an hour ng pag-iisip and at the same time paglalagay ng mga naisip kong dalhin, pansamantala muna akong nahiga at dinukot ang cellphone sa aking bulsa, dinouble check yung message ni Patti just in case hindi prank ang kanyang imbitasyon. After a couple of stroll, I opened the message and yup, it’s not a prank. I’ll be trolling her if it was.

Eiji and I text a lot. Yung mga oras na hindi ko siya naaasar during mornings binabawi ko naman sa pang-aalaska sa text every evening. Hindi ko pa naman sya na-u-upset sa mga texts ko… I think. Hmmm…di kaya yung mga times na mukha lang akong autistic kakatitig sa phone sa paghihintay ng kanyang reply ang kanyang way para sabihing na- upset ko sya? o.O Possible. But I won’t cling to that hunch much. Pwede rin naman kasing nakatulog sya, o naubusan lang ng load. Mga ilang mae-emong GM pa ang na-send ko bago ako nakatulog.

Ang Multo sa Manhole - Under revisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon