Bogart says "16"

41K 1.1K 49
                                    

Eiji’s Point of View

Ang weird ng panaginip ko kagabi. Nasa kwarto ko daw si Buknoy nun katabing natutulog. E hindi ba ito naman parati kong pinapaginipan? Oo nga, pero this time para kasing totoo. Or baka feeling ko lang talaga totoo dala nga ng may sakit ako. Hmmp! Hayaan na nga natin yun at baka ako’y ma-late. Bumaba ako sa sala para makita lang sina mama’t papa na nag-aalmusal pa lang. Inimbitahan ako ni papa umupo sa upuan. Malamang. Alangan namang sa lamesa. Bobo lang?

“Kamusta ang pagtulog, honey? Wala na ang lagnat?” ang bati sa akin ni mama na kasalukuyang nag-i-spread ng peanut butter sa tinapay.

“Ayos lang ma!” sagot ko na parang sayang-saya. “Nakatulog ako ng mahimbing at wala na rin ang lagnat ko!”

“Mabuti na lang pala pinatawag namin si Buknoy para alagaan ka.” Ansaveh ni papa!? Nandito si Buknoy nun!? So hindi pala ako nanaginip!? Eiji, you don’t say? Gusto kong magsalita, isiwalat ang aking hinaing kaso yung peanut butter parang minighty bond ang bunganga ko kakanguya kaya lumaklak muna ako ng serbesa. Joke lang. Papatayin ako ni papa pag nakita nya akong umiinom nun at iba pang mga softdrinks. Ano gusto nya tubig lang? Tubig lang magpakailanman? Nang ma-feel ko na ang panga ko,

“Come again, pa? Si Buknoy nandito?”

“Karirinig lang nak, diba? Unli-unli?” natawa ako sa response ni papa. He’s counter-attacking me. Nakakatuwa palang magsalita ng ganyan ang mga seryosong tao no!? Yun bang tipong nalulunod na at pinalilibutan na ng mga pating, ang mukha di pa rin matibag-tibag. Parang sinementong maging pokerface ang mukha. Pero wag kayo! Pag ang papa nag-smile malalaglag panty nyo! Ampupu na killersmile at dimples na yan!

“Yup honey!” mom squealed, entering the dad and son conversation. “ And guess what? Muntik mo na syang patayin sa higpit ng yong yakap sa kanyang braso. At halos mawala na ang bango nya kakasinghot mo. Boy, that guy smells good.” Mom added while taking a seat. Si papa nakaglare sa kanya, natamaan yata sa sinabi ni mama. Si papa kasi di nagpapabango e. That doesn’t mean mabaho sya. He’s just that confident to trust his natural clean scent. And though hindi ko nakuha ang height ni papa, I’m proud to have the same confidence of him  not using any perfume… unless there’s a special occasion.

“Say what? Bat ko naman sya papatayin?” I frenzied. Although I have one valid reason why – that pink skirt. Pasalamat sya di ko sinumbong yun sa kanila. Nakasanayan ko na kasi magkwento sa kanila ng mga nangyari sa akin for the rest of the day. But sino-sort out ko naman what to tell and what needs to remain classified. Kaya nga I’m quite nervous when they said nandito si Buknoy yesterday kasi baka they already told him about me talking about him over dinner. Sana di nya alam.

“Base from what we saw, Buknoy must have taken a nap nursing you to sleep. And knowing you, malikot kang matulog. At kahit nakapikit ka, yung subconscious mo napaka-active so you must probably have sensed that heat and smell kaya ayun you hug him tighter than how a koala hug.” She explained.  “Given na rin yung naghuhubad ka ng pangtaas.” May pahabol pa talaga. And I was like, “Mom, you probably missed out a tiny but important detail. I’M YOUR SON!!! You shouldn’t sold me out like that! Ugh. Moms.”

Pero nonetheless may tama si mama. No, I don’t mean she’s crazy. What I mean is she’s right telling me na active ako kahit natutulog. I’m not really sure why I have that kind of ability pero what I learned is that, sick or not sick, my way of dreaming is perfectly unchanged. Yun bang in my dream I’m holding onto something tapos pag-gising ko totoo nga palang may hinahawakan ako. Another instance when I felt like I was falling in my dream, I realized I fell literally after waking up. And those are but general observations…after I wake up. Kaya nga I don’t believe my parents of what they’re accusing me e kasi I did not wake up. Maybe if they have any evidence then I would believe. But if they can’t show any, sa korte na lang kami magkita and I will charge them a Libel case. Ahaha! Seriously, I’m joking.

Ang Multo sa Manhole - Under revisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon