Bogart says 42.1

16.7K 832 33
                                    

Eiji's Point of View


Pagbaba ko ng jeep, sinundan ko ang mga kasabayan kong estudyante hanggang sa tumambad na sa akin ang pangalan ng university na pinapasukan ni Red.

So ito pala ang school ni Red!? tanong ko sa sarili habang sinusukat ang lawak ng university mula doon sa harapan ng netcafe. Ano kaya ang gagawin ko para makapasok nang hindi ako pinaghihinalaan? paulit-ulit kong tinapik ang paa ko, waring makakatulong sa paghanap ng solusyon. Karamihan sa pumapasok doon sa may gate ay mga nakasibilyan. Pinapabuksan ang bag at chine-check ang I.D.

Nakaisip na ako ng paraan. Inayos ko ang sarili bago ako maglakad papuntang gate. As expected, hinarang nga ako ng gwardya, pinatabi ako nang di maabala sa pagpasok ang iba. Ibinalik nya ang atensyon nya sa akin pagkaraang wala pang mga pumapasok. Magsasalita pa lang sya nang unahan ko na.

"Fourth year high school po ako. Magsu-submit po ako ng mga requirements for admission kasi next school year dito po ako mag-aaral. Plus, my sister's waiting for me inside. She's a scholar here." sabi ko.

At pinapasok nya ako.

 Habang naglalakad papasok doon sa main building, hindi ko maiwasang igala pa lalo ang aking mga mata. Sa laki nito, saan ko kaya sya unang hahanapin? Hindi naman siguro magiging mahirap ang paghahanap, ano pa’t naging popular si Red?

Nang makapasok, agad akong nagtanong sa lalaking una kong nakita.

“Uhm, excuse me po.”

Sinara nya yung locker at humarap sa akin. “Ano yun?” tanong nya nang pangiti.

“May kilala po ba kayong Red? Saan ko po sya mahahanap?”

“Kilala ko sya. I mean, who doesn’t? Yun nga lang, hindi ko alam kung asan sya. Maybe on his class or perhaps nasa chess club lounge. I saw him there last time.” Sabi nya.

“Ah okay. Sa-“

“I think I’ve seen you before.” Sabi nya sabay turo ng kamay sa akin. Binuksan nya uli ang locker at may kinuhang newsletter. “Ah, you’re Eiji!” sabi nya sabay ipinakita sa akin yung newsletter. So hanggang dito pala umabot yung Gazebo Scandal!? Just great.

Hindi na lang ako nagcomment.

“Saan yung lounge na yun?” tanong ko and he’s nice of him to tell it without asking yet another question. Hinanap ko yung lounge. Nagpakapagod ako sa pag-akyat using stairs meron naman palang elevator. Huminto muna ako sa may pintuan at inayos ang sarili. When I was ready, kumatok ako sabay pasok sa loob.

Ang daming naglalaro ng chess. May anim na row ng long tables at bawat table may mga sampung pair ang nag-iisip kung ano ang next move para ma-check mate ang kalaban. They didn’t seem to notice I just entered so I took the opportunity to look for Red. But there’s no Red to be found. Nang-istorbo ako dun sa naglalaro dun sa first table.

“Uhmm, excuse me po, saan ko mahahanap si Red?” Kung may timer lang sana ang game nila siguro hindi nila ako papansinin.

“Hindi namin alam. Teka, you study here?”

“Uhm, no.”

“I thought so.”

“Hey pre, hindi ba sya yung nasa newsletter? Yung nali-link kay Red?” usyoso ng katapat nya.

“Hindi ako yun.” Sabi ko. “Anyways, sorry to disturb you guys.” At umalis na ako.

Ako? Nali-link kay Red? He’s the one linking. I am linked to Buknoy and already bonded. And that’s the problem of Red. He doesn’t understand. Kaya nga more or less, ipapaunawa ko sa kanya.

Ang Multo sa Manhole - Under revisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon