PMS2-2

24.1K 598 27
                                    

PMS2-2

NANG makarating sila sa Britania ay agad din naman siyang bumaba ng sasakyan. Hindi na siya inaatake ng kanyang phobia pero malakas na naman ang tibok ng puso niya. Sino ba ang hindi? He keeps checking on her. Iba sa pakiramdam niya kapag siya ang ganoon.

"Krimy," habol pa nito.

"Ha? Bakit?"

"Can I get my polo?" Umawang ang kanyang labi.

"O-oo naman, teka." Tumakbo siya papunta sa kanila but she freeze for a moment when she saw the beautiful sunset. Malapit lang kasi sa Lianga Bay ang ang bahay nila.

"People live here are so lucky to see this every day." Nagulat siya sa pagsulpot ng binata sa kanyang likuran.

"'Yong polo!" aniya at pumasok sa loob ng kanilang bahay. Agad niyang hinagilap sa loob ng kanyang kuwarto ang polo ng binata.

"Jarsey! Ikaw bata ka! Ang kuya Elven mo parating!"

"Ha?" Bigla namang bumukas ang kanyang silid at itinulak ng 'nay Gina niya ang binata papasok sa kanyang silid.

"Diyan ka muna 'nak ha, over protective kasi 'yon kay Jarsey."

"'Nay!" protesta niya.

"Kasalanan mo," anang kanyang ina. Nalukot ang kanyang mukha at isinarado ang pinto. Abot tainga naman ang ngiti ng binata sa kanya.

"Is that my---" Napasinghap siya at namilog ang kanyang mga mata. Agad niyang dinamba ang binata at tinakpan ang mga mata nito. Even if their position now is so awkward, who cares! Napaupo kasi ang binata habang nakasandal ito sa pinto. Siya naman ay nakakandong paharap habang ang mga kamay niya'y nakatakip sa mga mata ng binata. Kagat-kagat niya ang kanyang labi at sobrang hiyang-hiya siya. Nagkalat ba naman sa kuwarto niya ang mga pages ng magazines na may article at picture patungkol sa binata.

"Kailan mo pa ako naging crush? Hmm?" Nakangiti pa ito sa kanya.

"Hindi kita gusto. Manahimik ka nga!" mahinang sita niya rito.

"Let go Krimy," utos nito.

"Ayaw ko!"

Ngunit hindi nakinig sa kanya ang binata at inalis ang kanyang mga kamay. Napayuko siya at pilit na itinatakip ang kanyang mga buhok sa kanyang mukha. She heard him laugh at her.

"Tumigil ka!" mahinang sita niya ulit sa binata.

"Since when Krimy," may paglalambing pa sa boses ng binata. Laglag ang kanyang balik. She does not expect that this thing will happen and she'll be busted so early.

"No'ng thirteen years old pa lang ako. At saka 'di na kita crush ngayon!" Akma siyang aalis sa kandungan nito pero hinila siya ng binata at hinapit lalo ang kanyang baywang.

"Your crimson red cheeks won't lie Krimy," anito.

"Tigilan mo---" Namilog ang kanyang mga mata dahil bigla siyang hinalikan ni Connor.

"Jarsey! Nakauwi ka na ba?" Ang kuya Elven niya.

"Nako 'nak, kanina pa pero umalis agad. May isusuli raw siya sa kaibigan niya. Sige na, pumasok ka na sa trabaho," anang 'nay Gina.

She can't move any of her muscle. Their lips was stuck. Hindi rin naman gumagalaw ang mga labi ng binata.

"'Nak, saglit lang ha," anang 'nay Gina. Humiwalay siya sa mga labi ng binata. Nag-iwas siya ng kanyang mga paningin.

"Did I offend you?"

"Ha? Hindi."

"May magagalit ba?" anito. Napalunok siya.

"Wala," tipid niyang sagot.

"Baka sa iyo mayro'n," dagdag niya.

"Bakit ka naman magagalit sa sarili mo?"

"Ha?"

"Wala akong gilfriend, three years na. At mas lalong wala pa akong asawa. Gusto mo mag-apply?"

Natawa siya sa binata.

"Baliw!" aniya at tatayo na sa ngunit muli siya hinila nito.

"Can I court you?"

"Hindi na kita gusto." Tinawanan lang siya nito.

"May iba na akong gusto," pagsisinungaling pa niya.

"Talaga?" Tila ayaw pang maniwala ng binata. Of course, because she was lying!

"Lee Jung Sok," sagot pa niya. Malutong naman itong tumawa.

"How come? Did the Korean star knew you? Fan ka rin pala ng Korean drama. You were just like my mom Marinel." Napangiwi siya.

"Fine! Stop it! Hindi porke't gusto kita, papayag na ako magpaligaw sa iyo agad. Magpaalam ka muna kay 'nay Gina," aniya at pinipigilan pang mapangiti.

"How sure you are that I am not lying?" hamon pa nito.

"Stalker 'to. Alam kong three years ka ng single. Nagkahiwalay kayo no'ng modelong si Tamara dahil nahuli mo siyang may iba." He smirked.

"Now I know why I kept biting my tongue accidentally," sabi pa nito.

Kumunot naman ang kanyang noo. Tumayo naman siya at hinila ang binata para makatayo rin. Bigla nitong binuksan ang pinto ng kanyang kuwarto at lumabas. Agad siyang napasunod sa binata. Gulat naman ang kanyang ina, lalo na ang kuya Elven niya na kapapasok pa lang. Hinawakan niya ang binata sa braso nito.

"Ano bang ginagawa mo!?" mariin niyang sita rito.

"Paumanhin po pero, hiding is not my thing," anito at hinarap ang kanyang kuya Elven.

"My name is Doc. Connor Eros Villaraza." Nakipagkamay pa ito sa 'nay Gina niya. Gulat naman ang mukha ng kanyang kuya Elven.

"Jarsey!" mariin sambit ng kanyang kuya Elven. Agad siyang napatago sa likod ni Connor.

"Please don't blame her. Kasalanan ko. Nagpumilit akong pumunta rito." Nasapak niya ang likuran ng binata.

"Tumigil ka nga!" anas niya sa binata. He just shrug.

"What's your mother's name?" bulong pa nito sa kanya.

"Gina," tipid niyang sagot.

"Mrs. Gina, gusto ko pa sanang ipagpaalam si Krimy, I mean, Jarsey. Gusto ko po siyang ligawan." Napasinghap siya maging ang kanyang ina.

"'Nak, ginayuma mo ba 'to?" bulalas pa ng kanyang ina.

"Po!? Hindi 'nay ah!" tanggi niya at halos mangamatis na ang kanyang mukha dahil sa sobrang hiya. She was not expecting this! Dati siya ang naghahabol at umaasa sa wala pero ngayon, daig niya pa ang naka-jackpot sa lotto! Ito na ang lumalapit sa kanya. Now she understand what's the feeling of being chase by someone you like. Nakakabaliw pala!

"Saan ka nakatira?" Ang kuya Elven niya.

"Sta. Rosa Forbes Laguna," sagot niya imbes na ang binata ang sumagot.

"Ikaw ba tinatanong ko?" sarkasmong wika ng kanyang kuya Elven. Natakpan niya ang kanyang bibig.

"Ilang taon ka na?" tanong ulit ng kanyang kuya Elven.

"Twenty seven!" sabat niyang muli.

PRETTY MAN SERIES 2: CONNOR EROS VILLARAZAWhere stories live. Discover now