PMS2-9

16K 336 2
                                    

PMS-9

NAPAUNAT siya ng kanyang mga braso at kinapa ang kanyang tagiliran. Wala ang nobyo sa kanyang tabi. Agad siyang napabangon at nagbihis. Nang makalabas siya sa tent ay agad niyang nakita ang binata. He's leaning against the motorbike. Nasa malayo ang paningin nito at parang may malalim na iniisip. Nilapitan niya ang nobyo.

"Morning," bati niya rito. Kinuha nito ang kanyang kanang kamay at marahan siya nitong kinabig. Humalik ito sa kanyang noo.

"Morning," balik nitong bati sa kanya.

"Kaninong motor 'to?" anito.

"Kay Karl at pinsan ko iyon kaya hindi ka dapat magselos."

"I'm not!" Tinawanan niya ito.

"Really? So hindi pala selos ang ginawa mong pag-walk out kahapon?" Kumunot ang noo nito at umiling.

"I didn't hear anything!" maang pa nito. Malakas niyang tinawanan ang nobyo at marahang tinampal ang tiyan nito.

"Want to ride with me?" Nagtaka siya. "Saan? Sa motor na 'to?"

"That one," turo niya sa...

"Jet ski!?" bulalas niya. Ngumiti lamang ang binata sa kanya at hinila siya nito.

"Haven't you ride in this before?" Agad siyang tumango. Masiyado kasing mahal ang magrenta ng jet ski kaya kuntento na lamang siya sa kapanonod sa ibang mga dayuhan na gumagamit nito.

"Come," pinalapit siya ng todo ng binata at isinuot sa kanya ang life jacket. Maging ang nobyo ay nagsuot din ng life jacket.

"Gusto mo mag-drive?"

"Ha? Hindi ako marunong niyan."

"Come on Krimy, para ka lang naman nagmamaneho ng motor nito. Scooter type."

"Ayaw ko talaga Con," tanggi niya kasabay ng kanyang pag-iling. Pero hindi niya napigilan ang binata. Mabilis siya nitong inisakay sa harapan at agad din naman itong sumampa sa kanyang likuran. Mabilis nitong pinaandar ang jetski kaya paano pa siya makapapalag. Isang malakas na tili na lamang ang kanyang nagawa habang mahigpit na napakapit sa manibela ng jet ski.

"Nababaliw ka na talaga!" malakas na tili niya sa binata habang ang tubig dagat ay tumatalsik sa kanyang mukha. Pulos na sila mga basang sisiw ng kanyang nobyo. Tawa nang tawa ang binata sa kanya at kitang-kita ni Jarsey kung gaano ito kasaya na kasama siya. Pinahinto nito ang jetski.

"Try it Krimy."

"Sigurado ka ba talagang parang motor lang ito?"

"Yeah! So see these buttons. Kagaya lang 'to sa motor. Just press the starter and control the acceleration. If you want to take it slow, just decreased the fuel in here. Try it."

Alanganin man ngunit sinunod pa rin niya ang instruction ng binata. Who would have thought na mag-e-enjoy pala siya sa pagmamaneho nito. She's screaming for the satisfaction of her happiness. Todo alalay naman ang kanyang nobyo sa kanya. Nang pahintuin niya ang jetski ay agad siyang bumaling dito at hinagkan ang binata.

"Ang ganda pala magturo, may libre akong kiss." Marahan niyang siniko ang binata.

"So marami kang babae na tuturuan niyan?" aniya at inirapan ang binata. He tickles her earlobe using his tongue. Humagikhik siya dahil sa pagkiliti nito sa kanya.

"I love you," bulong nito.

"Bumalik na tayo," dagdag ng binata. Tumango lamang siya. Ang binata na mismo ang nagmaneho at bumalik sa lugar kung saan nakapuwesto ang kanilang tent. Nang dumaong sila'y mabilis pa siyang kinarga ng binata mula sa likuran nito.

"Nag-enjoy ka ba?" anito at mabilis siyang tumango.

"Great!" Nang magbalik sila sa tent ay agad na inusisa ng binata ang mga gamit nito. "Oh shit!" mura nito kaya agad na kumunot ang kanyang noo.

"May problema ba Con?" tanong niya sa binata. "Kailangan ko umuwi."

"Oh, eh 'di tara," hila niya pa sa nobyo.

"No Krimy." Seryoso ang mukha nito. Huminga siya ng malalim. Huwag naman sana.

"Kailangan ko umuwi ng states." Nanigas ang kanyang leeg dahil sa narinig.

"S-states! Ha-ha! Oo tama! May trabaho ka rin doon. Sige na, mag-ayos ka na."

Halos pumiyok na ang kanyang boses. Tinalikuran niya ang binata at nangangatal ang mga kamay na pinagliligpit ang mga gamit nito. Pinipigilan niya ang huwag umiyak. Pero matud pa sa uban, naay kaugalingong utok iyahang mga mata. Agad itong nag-unahan sa pagbagsak. Bigla siyang kinabig ng binata at iniharap dito.

"God," utas nito at agad siyang niyakap. Tuluyan na siyang napahagulhol.

"Babalik din naman ako agad Krimy. May aayusin lang akong problema roon. Please don't make it hard for me to leave you." Humikbi siya at nakagat ang kanyang labi. Pinunasan niya ang kanyang mga pisngi.

"O-oo naman. Parang hindi naman ako nasanay na 'di ba? Umuuwi ka naman talaga pagkatapos ng medical mission mo rito." Plastic siyang tumawa at ngumiti sa binata. Ngunit seryoso lamang ang mukha nito. Kitang-kita niya sa mga mata ng nobyo na nag-aalala ito para sa kanya. Gumapang ang mga kamay nito sa kanyang mukha at pinahiran ng mga daliri nito ang kanyang basang mga pisngi.

"Please Krimy don't cry, I'll be back as soon as I fix this problem. Hindi naman ako magtatagal doon. I think one month is enough." Tumango-tango siya sa binata.

"Kaya ko iyon! Ako pa!" Mapait siyang ngumiti. Ayaw niyang pahirapan ang binata. Isa pa'y ngayon pa ba siya susuko gayong magkasintahan naman na silang dalawa. Muli siyang niyakap ng binata at hinagkan ang kanyang noo. Mahigpit siyang tumugon din. Masakit man sa loob niya'y 'di niya puwedeng pigilan ang pag-alis ng binata sa kanilang lugar. Ang magagawa niya lamang ay ang maghintay at magtiwala rito.

PRETTY MAN SERIES 2: CONNOR EROS VILLARAZAWhere stories live. Discover now