PMS2-20

35K 705 69
                                    


PMS2-20

MAAGA pa sa tilaok ng manok na nagising si Jarsey kaya naman maaga rin siyang napalabas ng kanyang silid. Iniwan niya ang nobyo na mahimbing pa ang tulog. 

Tinungo niya ang kusina.

"Hey," bati ng kanyang ate Rei na nasa kusina at nakapalumbaba.

"Morning ate," bati niya rito.

"Gatas? Gusto mo?" anito at tumayo para ipagtimpla siya ng gatas.

"Si itay po?"

"Maaga na namang umalis but he is happy. Alam mo na," anito sabay lapag ng isang baso gatas sa kanyang harapan. Umupo siya at sinimulan na itong inomin. Umupo naman sa tabi niya ang kapatid.

"At last, we we're alone. Hindi ako makasingit kapag gising si Connor. My god, lagi ba namang nakabantay sa iyo, as if naman ilalayo kita sa kanya 'di ba?" 

Natawa siya sa kapatid. 

"Pagpasensiyahan mo na ate, nasanay kasi iyon na lagi akong kasama," aniya.

"I miss you," biglang sabi nito. Nahihiya naman siyang napangiti rito.

"Hindi ko alam na nahanap ka na pala ni Papa. We've been longing for you. Searching you everywhere, even mom. Patawarin mo kami ni Papa, Jarsey. Kung hindi sana kami natagalan sa paghahanap sa inyo ni inay, malamang ay buhay pa siya ngayon." Biglang naiyak ang kanyang kapatid. Nalungkot din siya at pinipigilan na huwag maiyak.

"Pero ate tapos na iyon, ang importante ay ang ngayon. Hindi ka ba nagalit sa pagpapanggap namin ni itay?"

Pinahiran nito ang mga luha at matamis na napangiti. 

"God! Napaniwala ninyo ako ng bongga ni Papa but I got a hint. Si Connor ba naman kasi, insist nang insist na dyowa ka niya. Sino ba naman ang maloloka kapag ganoon ang nangungulit sa iyo. Para na siyang kakain ng tao ha. Hysterical pa ang loko. Kung sinabi niya ng maaga ang real name mo, malang na confront ko na si Papa, eh kaso pabebe rin eh. Hindi naman niya sinabi agad. Pinakalap ko siya ng proof kaso may uunahin pa raw siyang iba." Her sister despair. 

"I am sorry for what Tamara did to you sis. I swear, hindi ko talaga alam na magagawa niya iyon sa iyo. I thought she already forgotten her feeling to Connor. Well anyway, nakakulong ngayon si Tamara. She admitted her crime. Nag-file din si Connor ng Permanent restraining order para hindi na siya makalapit sa inyo if in case na makalaya man siya."

Hindi siya agad nakapagsalit sa huling sinabi ng kanyang kapatid. 

"Kailangan po ba talaga makulong siya?" aniya na ikinagulat naman ng kanyang kapatid. She knows, ang laking kasalanan ni Tamara sa kanila ni Connor pero ang makulong ito ay parang mag guilt siyang nararamdaman. 

"Are you guilty? You don't have to Jarsey. Sabihin na nating nagawa niya lang iyon dahil sa matinding pagmamahal niya kay Connor pero hindi iyon matibay at sapat na dahilan para pumatay siya ng tao. Hindi na pagmamahal ang tawag doon Jarsey. It's obsession." Hinaplos nito ang kanyang buhok.

"You have to be brave. Kapag nagmahal ka marami talagang sagabal, past love, friends, parents, name it. It can be your rival, but the fact that you are strong and had this brave principle. It all be worth it. But you are happy and contented. Be happy with Connor sis, he is a great man." 

Hinagkan siya ng kapatid sa kanyang noo. 

"Enjoy your day Jarsey," anito at iniwan na siya. Her mind are enlighten.  

"Talking on my back huh!?" Nagulat siya pero agad din naman nakabawi. 

"Kanina ka pa?" baling niya sa nobyo. Akmang tatayo sana siya ngunit hinila naman siya nito. Ang ending ay napakandong na siya sa nobyo. 

"Ipagtitimpla lang kita ng kape," aniya. Kinuha nito ang gatas niya. 

"I'm fine to share with you," anito sabay kindat pa sa kanya. 

"Sus."

"Bakit wala ka nang magising ako?" 

"Hmm? Bakit naman? Nauna akong nagising e," sagot niya habang inaayos ang sabog na buhok ng binata. 

"Gusto ko kapag gumising ako ay nasa tabi kita." 

Gigil na gigil naman niyang pinisil ang magkabilang pisngi ng binata. 

"Ang cute naman maglambing! Hmp! Eh sa nauna ako e. Siya nga pala Con, si Tamara..." He shut her using his lips. 

"Alam ko na at ayaw ko nang pag-usapan." Napatango lamang siya. Naiintindihan niya ng lubusan ang nobyo.

"Here," anito pa. 

"Bakit hawak mo ang ornament box ng necklace ko?" taka niyang tanong sa nobyo. 

"Gusto ko lang." Kinuha niya ito at wala sa sarili na binuksan ito. 

"Pakakasal ka ba sa akin? Puwede ka naman mag-aral pagkatapos mong magbuntis sa anak natin. O kaya home schooling? Ano sa tingin mo?" 

Hindi siya nakasagot. Nanginginig pa ang kanyang mga kamay habang hawak ang lalagyan ng kanyang necklace. Ni hindi siya makapagsalita. Ang laman ng ornament box ay hindi ang kuwintas niya. Natural, suot niya ito. It was a gold ring with tiny ruby stones. Kapareho ng design sa kanyang necklace. 

"Baliw ka talaga!" bulalas niya habang naluluha at nayakap ang nobyo. Mahigpit naman siyang niyakap ng binata. 

"No ba ang sagot mo? God! Hindi ako masiyadong romantic na tao Krimy at nahirapan pa ako kung ano ang gagawin ko. Kaso alam ko naman ang taste mo, kahit hindi pa nga ako nagpo-propose tatango ka na agad e." Nasapak niya ito. 

"Ang yabang nito!" 

"Bakit? Hindi ba't patay na patay ka naman talaga sa akin? Noon pa," anito na may kasama pang pag-ismid. 

"Loko," lumuluha niyang sagot. 

"I maybe not the most romantic person you'll ever had but I will try my best to make your tummy filled with so much butterflies. I maybe not the most perfect man living in this world but I will be at my best to be your loving man. I maybe look like a playboy but I swear, I am the loyal one. My Jarsey Krim Taub, my Krimy, will you be my wife and spend the rest of your life with me?" 

Mas lalo siyang naiyak. Pilit niyang tinutuyo ang kanyang mga pisngi pero sige pa rin ito sa pag-agos. 

"Alam mong crush kita at patay na patay talaga ako sa iyo. Hindi ko itatanggi na hindi ko hinangad na maging girlfriend mo pero nangyari na nga. At ang maging asawa mo ay isang malaking blessings para sa akin."

"So it's a yes?" Nakataas pa ang kilay nito sa kanya. Hinagkan niya ang nobyo. 

"I Jarsey Krim Taub, will marry my pretty man named Connor Eros Villaraza."


-Wakas-

PRETTY MAN SERIES 2: CONNOR EROS VILLARAZAWhere stories live. Discover now