PMS2-3.2

19.6K 431 7
                                    

PMS2-3.2

"Well, do whatever you wanted to do. But stay away from my girlfriend and me." May pagbabanta talaga sa tono ng binata. Aminado naman siyang gumaan ang loob dahil sa pagtatanggol nito mula kay Tamara.

"God! You look like hindi pa naka-move on sa akin Connor," ani Tamara.

Umigting naman ang panga ng binata at halata sa mukha nito ang pagpipigil. Bigla siyang kinabahan at bahagyang hinagod ang likuran nito. Diyos ko! May lahing short-tempered pa naman sila at nasabi iyon mismo ng kanyang ate Julie. Hindi magandang galitin ang Villaraza Brothers. Umismid ang binata kay Tamara at muling umigting ang panga nito.

"Yuck! Me? Still head over hills to you? Nagpapatawa ka ba? Baka ikaw ang 'di pa naka-move on sa ating dalawa. Let me enlighten your mind. Three years ago na no'ng nagkahiwalay tayo. Me? Can't move on? Wala sa vocabulary ko ang ganoon Tamara. Why would I wasted my time, my life sa isang walang kuwentang kagaya mo. Why did I sense this thing? Nagsisisi ka na ba dahil ipinagpalit mo ako sa isang bilyornaryong sugarol kaysa ang piliin ang gaya kong isang bilyonaryong doctor. So pathetic!" Napaawang ang kanyang bibig, maging si Tamara ay napatulala rin dahil sa narinig mula sa binata. Noon lang siya bumalik sa huwisyo nang kabigin siya ni Connor para ilayo sa harapan ni Tamara. Nang makalayo sila sa tent ay narinig niyang bumuntong-hininga ang binata.

"I'm so sorry Krimy if you heard those things came from me. I was just carried away. Sorry." Siya naman ang bumuntong-hininga.

"Ayaw mo talaga sa kanya? As friends?" Umiling naman ito.

"It's not like that," panimula nito at sumandal sa pader ng stage. Nasa likod kasi silang dalawa ng binata.

"I tried my best Krimy. I tried to fix our friendship but I guess we destined to be strangers. Napuno na talaga ako kanina. Lagi niya kasi akong sinisiraan sa tuwing nalalaman niyang may nililigawan ako. Sorry about what I said earlier. I know, you're not yet ready---"

"Nakikipaghiwalay ka na ba sa akin?" biglang singit niya. Kumunot naman ang noo nito.

"What?" Nginitian niya naman ito.

"Ang sabi ko, are you breaking up with me? Kaka-on lang natin kanina tapos makikipaghiwalay ka na agad."

"You mean?" Parang ayaw pa rin maniwala ng binata na sinasagot na niya ito. She must be looks so in hurry but she was just greedy. Ayaw niyang maagaw pa ito ng iba, lalo pa ngayon at sumasali muli sa eksena ng buhay ng binata si Tamara. Nakagat naman ng binata ang kanyang labi at parang timang na ngumisi sa kanya. Siguro ay nakuha na nito ang sinasabi niya. Agad siyang hinila ng binata at walang paalam na inangkin ang kanyang labi. Shit! Hindi pa naman siya good kisser at aminadong hindi siya magaling dito. But well, Connor is so good at this. Banayad ngunit mapangahas ang mga labi nito. Ito ang nagdadala at parang itinuturo ng mga labi nito kung paano ba humalik.

"Thank you," anas nito.

"Ingatan mo puso ko," tugon naman niya.

"I..." Pinigilan niya ang binata gamit ang paglapat ng kanang hintuturo niya sa labi nito.

"Why?" takang reaksyon naman nito.

"Gusto kong marinig 'yan kapag pakiramdam mo nang baon na baon ka na sa akin," aniya. Ngumisi naman ito at napatango.

"Paano kung tuluyan na nga akong bumaon sa iyo?" pilyo pa nitong tanong sa kanya.

"Masaya kaya 'yon," pigil tawa niya namang sagot.

"Then I'll be coming Krimy," anito at muling kinumyos ng halik ang kanyang mga labi. God! This crush, turns to puppy love and end up into true love are the most happiest stage of her life. Ang sarap lang magmahal.
HAPON na nang matapos ang trabaho ng binata si Connor. Panay ang linga niya sa paligid. Hindi pa kasi dumarating ang dalaga. Usapan kasi nila'y magkikita sila rito sa plaza. He's so worried. Hindi pa naman niya nakuha ang cell phone number nito. Jeez! Nagkanobya lang siya'y nakakalimutan na niya ang dapat na gawain ng isang nobyo.

"Oppa! Hi!" biglang sulpot ni Venus, ang kaibigang bakla ng kanyang nobya.

"Hi," bati niya pabalik.

"Have you seen my girlfriend?" Ngumuso naman ito.

"Hala!? May girlfriend ka na pala? Paano na beks ko." Gusto niyang matawa sa reaksyon nito. Mukhang 'di pa yata nito alam na sila na ni Jarsey. Tumikhim siya.

"Si Jarsey ang tinutukoy ko." Namilog naman ang mga mata nito.

"Oh my gosh! Kayo na!? As in kayo na!? Ah! Oh my gosh!" tili nito. Natakpan niya ang kanyang mga tainga at agad na sumenyas dito para pahinaan ang boses.

"Oh my! Sorry naman. Na-excite lang. Hindi lang talaga ako makapaniwalang dyowaers mo na pala ang baklitang best friend ko. Hays! Naalala ko pa dati kung gaano siya kabaliw sa iyo. Halos mamulubi ako sa baklang 'yon dahil sa mga magazines mo. Kahit din naman tungkol sa iyo ang article ay talagang binibili niya basta ba makita niya lang pictures mo," kuwento pa ni Venus sa kanya. Napamulsa siya. I see," he said.

PRETTY MAN SERIES 2: CONNOR EROS VILLARAZAWhere stories live. Discover now