PMS2-3.1

20.9K 439 3
                                    

PMS2-3.1


"Seriously? I don't know if I am doing the right thing. These things too are first to me. Ito ang unang beses na nag-effort ako sa isang babae. Before? I am so at ease to all the woman who flirts on me. Sila 'yong nag-e-effort. Even if I am not a playboy nor a bastard who just only sleeps with them. Kaya siguro ako iniwan ni Tamara dahil pinabayaan ko siya. And you? Who likes me a lot, made me feels so worry. I'm afraid that one day magaya ka kay Tamara kapag pinabayaan kita. And I find many interesting things to you. That's what makes you unique and lovable. Would you let me enter in your heart Krimy?" Umawang ang kanyang bibig. Seryoso nga ito sa kanya. Huminga siya ng malalim.

"Natatakot akong masaktan pero mas natatakot ako kung hindi ko susubukan. Mas nakakatakot 'yong masaktan ako na wala namang ginawa kaysa sa ang sumubok at sumugal ako. No one knows what's ahead of us. At hindi ko makikita ang dulo kung 'di ko susubukan," aniya at ngumiti sa binata. Inilahad naman ang kanang kamay. Agad niyang ipinatong ang kaliwang kamay dito. They were holding hands now.

"Then let's do it together," sambit naman ni Connor. Now her heart felt so at peace. And just like what she said. No one knows their paths. It maybe a regrets or maybe it's a dream come true for her. God only knows.

SIMULA ng tagpong iyon ay araw-araw nang dumadalaw si Connor sa bahay ni Jarsey. God! He must be insanely in to her. Araw-araw na siyang dumadalaw sa dalaga at kahit ilang oras lang na 'di niya ito makita ay agad niya itong nami-miss.

"Krimy!" tawag niya sa dalaga nang makita itong papalapit din sa kanyang kinaroronan. Kasalukuyan siyang nasa plaza at nagbibigay ng first aid sa mga matatandang hindi pa masyadong malabo ang mga mata.

"Busy ka?" anito nang mahinto sa tapat niya.

"Not so," sagot niya sa dalaga at ipinasa sa assistant ang ginagawa niya.

"Why?" he asked. Bahagya namang kumunot ang noo nito.

"Si Tamara, nandito siya at hinahanap ka," anito at walang paalam na tinalikuran siya ng dalaga.

"Shit!" mura niya at hinabol ang dalaga.

"Krimy! Wait! You get me so wrong and it's not... Like that..." Natigilan siya. She's crying. Oh no! Agad niyang niyakap ang dalaga.

"Please don't Krimy. Tamara and I, end up our relationship, three years ago. Please..."

HUMIKBI si Jarsey ng todo. Wala siyang karapatang umakto ng ganito dahil 'di pa naman niya nobyo ang binata. Ngunit nasaktan siya sa mga salita ni Tamara kanina nang aksidente niya itong mabangga. Papunta na sana siya sa binatang si Connor pero napaurong siya dahil kay Tamara. Bukod sa tinawag pa siya nitong tanga ay hinanap pa sa kanya si Connor kung kilala niya ba raw ito. Sinabi pa nitong girlfriend ito ni Connor. Yumakap siya ng mahigpit sa binata. She's so afraid na baka totoo iyon, na baka nga sila pa rin ng binata. She's thinking so many negative thoughts of what if's. He held her face and wipes her tears.

"Please don't think any stupid things Krimy. You knew I like you so much. Don't you trust me?" Humikbi siyang muli.

"May tiwala ako sa 'yo. Hindi ko lang talaga nagustuhan 'yong mga narinig ko kay Tamara," pagtatapat niya.

"What? Anong ginawa niya sa iyo?" Umiling siya.

"'Di na. Tapos na e."

"No! If it is for you it was nothing? For me, that was a big deal. Tell me Krimy." Nagsusumamu ang mga mata nito sa kanya. Bumuntong-hininga siya.

"Nabangga ko kasi siya kanina at 'di ko 'yon sinasadya. Tinawag niya kasi akong tanga kahit nag-sorry naman na ako." Umigting ang panga nito.

"That brat!" mariing sambit nito.

"Don't let go of my hand," utos pa nito sa kanya.

"Where is she?" tanong ng binata sa kanya.

"Nasa tent."

Nang umabot sila sa harap ng tent ni Connor ay agad na bumungad sa kanila si Tamara.

"Sweety! I miss you!" sambit ni Tamara at akmang yayakapin ang binata ngunit agad itong nakaiwas.

"Don't touch me," he said in an emotionless way. Sumimangot naman ang mukha ni Tamara.

"Why so rude sweety?" anito at bumaling sa kanya si Tamara. Mahigpit siyang kumapit kay Connor at napayuko.

"Who is she? Wait! I know her! She's the idiot who bumped on me a while ago."

"Shut up! Huwag na huwag mong tatawaging tanga ang girlfriend ko!" Nagulantang siya sa naging sagot ng binata. Lumuwag ang pagkakapit niya rito ngunit maagap ito at bahagya pang pinisil ang kanyang kamay.

"What!?" dismayado pang reaksyon ni Tamara.

"You heard me and I won't repeat it again. What the hell are you doing here?" Hindi nito sinagot ang binata at matalim bumaling sa kanya si Tamara. Itinago naman siya ng binata sa likuran nito.

"Stop glaring at my girlfriend. Baka tusukin ko 'yang mga mata mo."

Napasinghap siya sa banta ni Connor kay Tamara. Inis naman na nakagat ni Tamara ang kanyang labi at nilubayan siya nito.

"Well. May thanks giving ang agency namin at itong Britania, San Agustin Surigao Del Sur ang napili namin." Bumuntong-hininga naman si Tamara at halata pa ring iritado sa kanyang presensya. Panay pa ang irap nito sa tuwing napapatingin sa magkahawak nilang kamay ni Connor.

"So rude of you sweety. Dati nama'y 'di mo ako ginaganyan," pagtatampo pa nito habang nakapamaywang.

PRETTY MAN SERIES 2: CONNOR EROS VILLARAZAWhere stories live. Discover now