PMS2-13

14.3K 330 1
                                    

PMS2-13

 NANG magdilat siya'y agad siyang napabangon. Nasa isang magandang kuwarto siya. Agad na bumalik sa utak niya ang nangyari. Papanaog na sana siya sa kama ngunit bigla namang may pumihit ng doorknob kaya napaurong siya. 

 "Maayos ka na ba anak?" anito at inilapag ang dala nitong baso ng tubig sa maliit na mesa. Kinuha niya ang baso at nilagok ang laman nito. Nang maubos niya'y mataman niyang tinitigan ang ama. 

 "Kayo po ba talaga ang itay ko?" Huminga ito ng malalim at umupo sa tabi niya. "Alam kong magdududa ka," anito. May hinugot ito sa bulsa ng kanyang tuxedo. Naglabas ito ng litrato at ibinigay sa kanya. Nang makita niya ito'y muling nanubig ang kanyang mga mata. May pagtataka rin sa kanyang mukha. The picture she was holding is a family picture. It was her mother, holding her when she was five years old. She remembered it because she had a solo picture wearing the same dress at the picture she was holding. Katabi ng kanyang ina ang lalaking nagpakilala bilang ama niya ngayon. May karga itong isa pang bata ngunit sa tingin niya'y mas matanda ito sa kanya ng ilang taon. Tinuyo niya ang mga pisngi. 

 "Sino po siya?" turo niya sa picture. 

 "Nakatatanda mo siyang kapatid Jarsey. Patawarin mo ako anak kung ang ate mo lang ang nakuha ko no'ng mga panahong nagkahiwalay kami ng inay mo." Bumuntong-hininga ito at malalim na sinariwa ang mga alaala nang nakaraan. 

 "Masaya kami ng inay Gina mo noon kahit na pangalawa niya lang akong naging asawa. Tinanggap ko si Elven, ang kuya mo kahit hindi ko siya tunay na anak. Hanggang sa nagbunga ang pagmamahalan naming dalawa. Si Marjorie, ang panganay ko at ikaw na bunso namin. Ngunit sa buhay ay 'di lahat masaya anak. May kaya ang pamilya ni Don Elpidio Libranza, ang unang asawa ng inay mo. Pilit na kinukuha sa amin si Elven ngunit ayaw siya ibigay ng inay mo, maging ako ay ganoon din. Tumakas kami at nagpakalayo ngunit dahil din doon anak ay nanganib ang buhay ko. Nagkaroon ako ng maraming death threat. Nawalan ako ng matinong trabaho dahil lahat nang pasukan ko'y hinaharangan ni Elpidio. Nalugmok kami sa kahirapan. Hindi naman ako isinilang sa isang may kayang pamilya anak. Kaya kahit pilitin ko man na lumaban ay wala kaming magawa ng inay mo." Tumigil ito at bahagyang pinunasan ang papaluha nang mga mata. Maging siya ay nahabag sa ama. Nagsimula na ring muling tumulo ang kanyang mga luha. 

 "Biglang nag-decide ang inay mo na maghiwalay kami. Dahil alam niya ang totoong dahilan kung bakit kami pilit na sinisira ni Elpidio. Hindi nito matanggap na masaya ang inay mo sa akin. Na nagawa nitong kalimutan siya. Noong mga oras na iyon anak ay 'di ko rin alam kung ano ang gagawin ko. Kung kaya ay pumayag ako ngunit si Marjorie lang ang gustong sumama sa akin noon. Siya pa lang ang may malay nang mga panahong iyon. Nasa otso anyos na siya, samantalang ikaw ay nasa limang taong gulang pa lamang. Simula nang magkahiwalay kami ng ina mo'y wala na akong nabalitaan sa kanya. Nagsumikap ako anak. Nag-abroad ako at inampon ng isang mayamang negosyante sa Dubai. Kaya heto ako ngayon." Pinunasan nito ang mga luha at tumayo sa kanyang harapan. Laking gulat niya nang bigla itong lumuhod. 

 "T-tay!" bulalas niya at agad ding napaluhod. 

 "Patawarin mo ako anak. Pinilit kong hanapin kayo ng inay mo. Nagkita kami pero ayaw na niyang bumalik sa akin. Masaya na raw siya na walang karamay sa buhay. At isa pa'y nakamata sa kanya si Elpidio. Walang akong nagawa. Mahal na mahal ko kayo kaya kahit pa masakit na matanaw lang kayo mula sa malayo ay tiniis ko huwag lang kayong mapahamak. Ngayon ay matindi ang aking naging pagsisisi. Hindi ko man lang nakausap ang inay mo bago siya mawala." Agad niyang niyakap ang ama. 

 "Pakiusap 'tay. Wala po kayong kasalanan. Huwag niyo pong sisihin ang sarili ninyo itay," umiiyak niyang ani sa ama. 

 "Kasalanan ko anak. Babawi ako sa iyo. Hindi man ako nakabawi sa ina'y mo'y sa iyo ko ibubuhos lahat. Ngunit kailangan mo munang makalaya kay Elpidio." Naguluhan siya sa kanyang narinig. 

 "Hindi ko ho kayo maintindihan itay," aniya. 

 "Ibinaon ko sa utang si Elpidio. Binigyan ko siya ng kundisyon na ipakasal sa akin ang nag-iisa niyang anak na babae. Wala siyang anak na babae kung kaya't alam kong ikaw ang ibibigay niya sa akin. Hindi ito alam ni Marjorie. Ang alam niya lang ay may pakakasalan akong mas bata pa sa kanya." Napaawang ang kanyang mga labi. 

 "Ano po ang sabi niya?" "Kung saan daw ako masaya anak ay susuportahan niya ako. Huwag ka mag-alala. Hindi ko naman sinabi sa kanya ang pangalan mo. Kilala ka niya bilang isang JK Libranza. Hindi rin naman nakita ni Marjorie ang larawan mo anak." Nakahinga siya ng maluwag. 

"Sigurado po ba kayo rito itay?" 

 "Oo. Konting tiis lang anak. Matatapos din lahat 'to." Hinagkan nito ang kanyang noo at niyakap siya ng mahigpit. She felt so secure right now.    

PRETTY MAN SERIES 2: CONNOR EROS VILLARAZAWhere stories live. Discover now