PMS2-17

15.9K 343 5
                                    


PMS2-17

HE almost freak out. Thank god, Jarsey just fainted dahil sa sobrang dami ng alak na nainom nito. He embraced her tightly. He keep kissing her forehead. How he misses her Krimy so much. Hindi niya alam kung saan hinuhugot ng dalaga ang matinding galit nito para sa kanya. Nasa dalampasigan pa rin silang dalawa ng dalaga. Hindi niya ito inuwi muna dahil alam niyang ang ama ni Rei ang mag-aalaga rito. At iyon ang hindi niya mapapayagan. No one will touch her Krimy. Siya lang ang puwede. 

"Krimy, I know you wouldn't like this right now but I want you know how much I miss you. I've been longing for you. I will not let you go. I won't give up. I will find a way. I promise you we will get through this." Pinunasan niya ang sariling luha. 

May kinuha siya sa kanyang bulsa. It's an gold ornament. Pinabili niya pa ito kay Cameron bago siya bumalik dito sa Mindanao. Naglalaman ito ng gold heart shape necklace, filled with tiny ruby stones. 

"Do you know why I have this? It's because it's our fourth monthsary today. October twenty-six. I maybe corny but I wanted to give you the best ever gift as your first love, your first boyfriend." 

Isinuot niya sa dalaga ang kuwintas. At masuyo itong hinagkan sa labi. Her tears fell down on her cheeks.

"Kayang-kaya kitang kunin kay Tito Romel. But I am not going to use a dirty play. Sisiguraduhin kong makukuha kita ulit. I will find Tamara first and I swear she'll pay me big time."

Kinarga na niya ang dalaga at inuwi sa bahay nila Rei. 

SHE groans as she scratches her messy hair. Sobrang sakit ng ulo niya. Hindi niya malaman kung nauntog ba siya or may pumalo sa kanya. 

"Morning," bati ng kanyang ama dahilan para mapabangon siya ng diretso.

"'Tay," nakayuko niyang sambit.

"Saan ka galing kagabi anak?" anito.

Napakamot siya sa kanyang ulo. 

"Umuwi po ako, 'di ba?" aniya pa.

"Connor carried you along the way here. Naglasing ka raw kagabi at nahimatay. May problema ka ba Jarsey?" 

Nakagat niya ang kanyang labi. Ang akala niya'y nanaginip lang siya kagabi na para siyang lumulutang sa ere. Karga pala siya ng binata.

"Wala po," muli ay tanggi niya. 

"Anak, nag-aalala na ako ng husto sa iyo. Laging mugto ang mga mata mo simula nang umuwi ang kapatid mo rito. May dinaramdam ka ba? May ayaw ka ba?"

Agad na tumulo ang kanyang mga luha sa mata. 

"Namimis ko lang po ang inay," sagot niya. 

Bumuntong-hininga naman ang kanyang ama.

"Gusto mo ba siyang dalawin?" 

Tumango siya. 

"Sige. Magpahinga ka na muna at sasamahan kita mamaya sa sementeryo. May pag-uusapan din tayong importante mamaya."

Tinanguan niya lang ang ama. Lumabas na ito ng kanyang silid. Nasapak niya ang kanyang sarili. 

"Maglalasing, 'di naman pala kaya!" sambit niya sa kawalan at bumaba na sa kama. 

Kinuha niya ang kanyang tuwalya at pumasok na sa banyo. Agad niyang hinubad ang kanyang damit. Pumasok siya sa bathtub at binuksan ang shower. Habang abala siya sa pagsabon sa kanyang sarili ay laking gulat niya nang may makapa sa kanyang dibdib. Nang yumuko siya'y nabitiwan niya ang sabon na hawak at agad na nahawakan ang kuwintas. Hindi niya matandaang may nagbigay sa kanya ng kuwintas kagabi. She flip it and notice na may nakaukit sa likod ng pendant. It's written as 'Always CJ'. Agad na bumagsak ang mga luha niya sa mata. It was Connor who gave it to her. Agad siyang nagmadali sa pagligo at nagbihis. Habang nag-aayos ay nakita niya pang may gold ornament na nakasabit sa kanyang lampshade. Alam niya sa sarili niya lalagyan ng kuwintas ito dahil kapareha ng design ang ornament sa kuwintas niya. Agad siyang lumabas sa kanyang silid. Nakasalubong pa niya ang kapatid. 

"Si Connor, nakita mo?" agad na tanong niya. 

"He called me. Maaga siyang umalis. That man is crazy. Importante raw sa kanya ang petsa kahapon. Dapat daw hindi kita isinama na mag-party. Tss! He's crazy!" 

Agad na kumunot ang kanyang noo. October twenty-six was there fourth monthsary. Naalala ito ng binata. Now she's confused. Why the hell is he giving her a gift when the fact that her sister is engaged with Connor. She's starting now to get nuts!

"Why JK? Do you have something important to say to him?" ani Rei. Agad siyang umiling. 

"JK, let's go," anang kanyang ama. 

"Alis muna kami Rei."

"Okay! Enjoy Papa!" anito lamang. Talagang paniwalang-paniwala ang kapatid niyang si Rei na may relasyon silang dalawa ng kanyang ama. 

HABANG nasa kotse ay halos wala siyang imik. 

"'Nak," pukaw ng kanyang ama.

"Po 'tay?" baling niya rito. 

"Rei will throw a party. Celebrating her comeback. For good. Makakasama na natin ang kapatid mo. Ayos lang ba sa iyo iyon?" 

"'Tay naman, syempre naman po. Kaya lang dapat malaman niya po nang mas maaga na hindi pala totoo ang drama nating dalawa. Baka po kasi sabihin niya iyon sa party niya." 

Natawa naman ang kanyang ama. 

"Napagsabihan ko na ang kapatid mo, 'nak." 

Nakahinga siya ng maluwag. 

"Salamat po 'tay."

NANG umabot sila sa sementeryo ay umuna na siyang bumaba sa kotse. Nagulat pa siya nang makita ang kanyang kuya Elven. Agad siyang napatakbo rito. 

"Kuya!" 

"Jarsey!" 

Agad siyang niyakap ng kapatid. 

"Kumusta ka na ha?" excited pang tanong nito at halos ayaw siyang bitiwan. 

"Ayos ako kuya. Anong ginagawa mo rito kuya?" Bakas sa mukha niya ang matinding pagtataka.

"Ako ang nagpapunta sa kapatid mo rito anak. Tapos na ang kasunduan." 

Natutop niya ang kanyang bibig. 

"Totoo Jarsey," segunda naman ng kanyang kuya Elven. 

"Nakipagkasundo si itay Romel na palayain ka kapalit ng malaking halaga upang maisalba ang mga ari-arian ng ama ko." Agad na bumagsak ang mga luha niya sa mata. She's so happy to know that at last, she is free. Niyakap niya ang ama. 

"Salamat po sa lahat 'tay." 

"Lahat gagawin ko para sa inyo mga anak." Bumaling naman ito sa kanyang kuya Elven. 

"Anak, maari ka bang dumalo sa party ng kapatid mo? Si Marjorie. Alam kong matutuwa iyon kapag nakita ka niya." 

"Sige po 'tay."

Her happiness couldn't stuck it in one place. Sabog na sabog ang puso niya sa sobrang tuwa. But still, it's not enough. Wala sa kanya si Connor and her hearts desire for it. 

PRETTY MAN SERIES 2: CONNOR EROS VILLARAZATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon