PMS2-12

14.3K 294 2
                                    

PMS2-12

ISANG LINGGONG lamay ang naganap para sa kanyang inay Gina. Isang linggo niya na ring hindi pa nakakausap ang binata. Hindi pa nakadalaw ang kanyang ate Jezen dahil sa dami ng seminars nito. Pati ang best friend nitong si Julie ay wala rin, even Cameron. Connor's twin brother. Mas lalo siyang nalugmok. Her brother couldn't cheer her up. She's depress and at the same time, filled with negative thoughts. Kahit na ang best friend niyang si Vince ay 'di na siya kayang patawanin. She's different. Nang mailibing ang kanyang inay Gina ay walang halos ni isang butil ng luha ang lumabas sa kanyang mga mata. Pakiramdam niya'y tuyong-tuyo at manhid na manhid siya. Ngayon ay halos nagkukulong lamang siya sa kanyang kuwarto. She still ate. She still managed to make herself presentative. But her eyes are full of sorrow. Full of hatred, anger and regrets. Huminga siya ng malalim at humilata sa kanyang kama. Nang biglang nagkagulo ang kanilang sala. Agad siyang napatayo at lumabas ng kanyang silid.

"Kuya!" gulat niyang sambit nang makita ang kanyang kapatid na nakahandusay sa sahig. Bugbog sarado ito ngunit humihinga pa naman.

"Kuya!" gising niya sa kapatid. Agad na nag-unahan ang mga luha niya sa mata. "J-jarsey, magtago ka!" anito nang makita siya.

"Pero kuya, bakit!?" Bago pa man makasagot ang kapatid niya'y may mga kalalakihan na ang pumasok sa kanilang tahanan. Sumunod ay ang isang may edad na lalaki. Namilog ang mga mata ni Jarsey nang makilala ito.

"'Tay?" gulat niyang bulalas. Yes. It was their father but not really her biological father. Because as far as she knew, matagal nang hiwalay ang inay Gina niya sa una nitong asawa at half-brother niya lamang si Elven. And she never knew her real father.

"Hindi kita anak!" Hahampasin na sana siya ng kanyang stepfather gamit ang tungkod nito ngunit agad na humarang ang kanyang kuya Elven.

"Buwesit! Hanggang ngayon ba ay ipagtatanggol mo pa rin ang bastardong anak ng walang kuwenta mong ina! You know I can give you anything! Hindi mo na kailangang kumayod ng husto!" Nasapo ni Jarsey ang kanyang dibdib. Alam niyang hanggang ngayon ay malaki pa rin ang galit nito sa kanya. He hated her to death. Even if in the first place, she never really deserve this kind of treatment.

"Papa, pakiusap, lubayan niyo na ang kapatid ko!" ani Elven. Mariing napapikit si Jarsey. Takot na takot siya. Mahigpit siyang kumapit sa damit ng nakatatandang kapatid.

"Shut up! I'm Don Elpidio Libranza! I can do whatever I wanted!" anito. Nakagat niya ang kanyang labi at muling napapikit. Her stepfather is one of the richest man when it comes of agriculture business. Sa dami ba naman ng mga asyendang pagmamay-ari nito'y talagang nabibilang ito sa may kayang pamilya. Ngunit ayaw ng kapatid niya sa matinding karangyaan. Mas pinili nitong sumama sa kanila at mamuhay ng simple. "Tumigil na kayo!" muling bulyaw ni Elven sa ama.

"Ako na ang legal guardian ng babaeng iyan kaya ako na ang masusunod!"

"Enough, Papa! Bakit ba galit kayo kay Jarsey!? Huwag niyo siya idamay sa galit ninyo ka inay! Hindi ba't hiwalay na kayo nang magkaroon ng ibang lalaki ang inay!" "Inilayo ka sa akin ng nanay mo! That's what I loathed the most! You bastard!" Sinampal nito ang kanyang kuya. Agad siyang humarang dito.

"Tama na po, pakiusap!"

"Lulubayan ko lang ang kapatid mo kung susunod ka sa gusto ko," anito na ikinagulat niya. "Pakasalan mo si Don Romel Evasco at papalayain ko ang kapatid mo." Nahigit niya ang kanyang hininga.

"Jarsey, hindi! Ayos lang ako!" pigil ng kanyang kapatid. Huminga siya ng malalim at tumango sa matanda.

"Then it settled! I meet you again some other day," wika nito at umalis na kasama ang mga bodyguards nito.

"Jarsey, hindi mo dapat iyun ginawa. Nahihibang ka na ba? Paano ang nobyo mo?" Pinahiran niya ang kanyang basang mga pisngi.

"Hihingi ako ng tulong sa kanya kuya. Huwag ka nang mag-alala. Makalaya ka lang sa poder ni itay, lahat ay gagawin ko. Kahit sa iyo man lang makagawa ako ng ikasasaya mo na hindi ko nagawa kay inay."

"Pero Jarsey, problema ko iyon at 'di mo kailangang gawin 'to." Umiling siya.

"Ayos lang ako kuya." Tumayo siya at iniwan ang kapatid. Agad siyang pumasok sa kanyang silid.

Hinagilap ang cell phone at pilit na tinatawagan ng paulit-ulit ang binata. Ngunit wala pa ring responds hanggang sa may nag-send sa kanya ng link. Nang buksan niya ito ay halos madurog ang kanyang puso. It was a viral video of Connor and a pretty young model. It shows the event as an engagement party. Ayaw niyang maniwala ngunit inusisa niya ang petsa. It was just recent, no'ng hindi pa sila ni Connor pero ngayong taon ito naganap before he did his medical mission. Agad na nag-unahan sa pagbagsak ang mga luha niya sa mata. Agad siyang nag-deactivate ng kanyang facebook. How could she believe all those lies from Connor! Engaged na pala ito sa iba! She gave up everything for him. But what she received as a return? Hurt. Tinanggal niya ang kanyang sim card at pinagpuputol ito gamit ang gunting. Itinapon niya rin ang kanyang cell phone dahilan para magkahiwalay-hiwalay ito at mabasag ang screen. Hindi pa siya nakuntento. Pinagtatanggal niya ang mga poster at magazines na may mukha ni Connor.

"Hayop ka! Manloloko!" paulit-ulit niyang sambit. Pinagpupulot niya ang lahat ng mga nabaklas niyang larawan ni Connor at itinapon sa basurahan. Hindi pa siya nakuntento dahil pinulot niyang muli ang kanyang wasak na cell phone at itinapon din ito sa basurahan. Nayakap niya ang kanyang sarili. 'Di niya malaman ang gagawin. Punong-puno siya ng galit. Naisip niyang tama ang kanyang ate Jezen. Masiyado nga siyang mapusok pagdating sa pag-ibig. Hindi niya inisip kung ano ang kahihinatnan ng lahat. Muli siyang napaiyak ng todo. Napaluhod siya at nayakap ang sarili. Galit na galit siya. Punong-puno siya ng matinding pagkasuklam kay Connor. Minumura niya ito sa kanyang utak. Umasa siya ng sobra ngunit puro sakit lang pala ang matatanggap niya. She can't help it! And she never will.

PRETTY MAN SERIES 2: CONNOR EROS VILLARAZAWhere stories live. Discover now