PMS2-7.1

16K 360 0
                                    


PMS2-7.1

"Wait. May sadya pala ako kay kuya Clayd," aniya at kinuha ang cell phone sa bulsa para makapag-messenger. Sandali pa itong nag-ring bago may sumagot. 

"He's cooking," wika ni Cameron sa kanyang tagiliran. Yeah! Tama si Cameron. Nagluluto nga ang nakatatanda nilang kapatid. It's obvious. Suot ba naman nito'y naka-apron lang. 

"Cooking naked!" Nag-high five silang dalawa ni Cameron. Tawang-tawa silang dalawa. 

"Talking behind my back?" wika ni Clayd at umupo sa high stool. As Connor saw his eldest brother's background, he's in uncle Calvin's condo unit. Alam na alam nilang dalawa ni Cameron na ipinamana ito ng kanyang amang si Caldwill. 

"Ano'ng issue at magkasama kayong dalawa?" dagdag ni Clayd. 

"Kuya, I'm here for work, we just accidentally met here and I saw his girlfriend!" ani Cameron. Siniko ni Connor ang kapatid. Ngumisi naman ang kanyang kuya Clayd. 

 "I see. So? Ano naman ang kinalaman ko rito?" takang tanong nito. Cameron shrugs. 

"May sadya ako kay ate Julie," sagot niya kay Clayd. He called their sister-in-law as 'ate' kahit na ang totoo ay mas matanda sila rito. Ngunit iyon ang gustong ipatawag ni Clayd sa kanila kaya heto at wala silang choice kundi tratuhin bilang mas matanda si Julie. 

"Wait. Cupcake! Come here." Bigla namang sumiksik si Cameron sa kanyang tabi at tumutok ng husto sa screen ng cell phone. Their sister-in-law appeared on their eldest brother's side. She's only wearing an extra large white polo and her hair was absolutely messy. 

"God! She's beautiful!" anas ni Cameron. Nang tumagili ang asawa ng kanyang kuya Clayd ay kitang-kita kung gaano na kalaki ang tiyan nito. Umupo ito sa kandungan ng kayang nakatatandang kapatid. 

"Honey! Baby!" ani Julie. Kumuway naman si Cameron. 

"Stop calling them like that," inis na wika ng kanyang kuya Clayd. Umismid ito kay Clayd. 

"Huwag ka nga! Hay! So glad to see you both! Nakakagigil!" 

"I miss you po!" wika pa ni Cameron. Halatang iniinis nito ang kanyang kuya Clayd. 

"Shut it! Magsasalita ka ba Con o papatayin ko 'to," banta pa ng kanyang kuya Clayd. Ngumuso naman si Cameron. 

"Damot!" Umismid lang ang kanyang kuya Clayd. Natawa lang din naman siya kay Cameron. 

"Anyway, ipinadala ko na 'yong mga prutas na gusto mo ate Julie," he said. Julie's eyes sparkled! 

"Oh god! Thank you baby! Ano nga ulit 'yong favor mo?" Malademonyo siyang napangiti. 

"I want you to talk to Mrs. Magaritte Montero Hamelton. She needs to withdraw her programs here. Kaya kong tugunan lahat ng mga ibinibigay nila. I just don't want to see Tamara here." 

"What!?" sabay na reaksyon nilang tatlo. 

"Tamara? As in 'yong chic mong two timer?" ani Cameron. Tumango siya. "So? Ayaw mo siyang makitang umaaligid? Don't tell me, hindi ka pa nakapag-move on sa kanya?" anang Clayd. 

"Yuck! That's not my reason." Napakumpas naman sa ere si Cameron. 

"Dahil sa girlfriend niyang si Jarsey," wika pa ni Cameron. 

"Jarsey? Pinsan ni Jezen? Really Connor? Girlfriend mo ang batang 'yon?" ani Julie. Napangiwi siya at bahagyang tumango. Payak namang tumawa ang kanyang kuya Clayd. 

"Malupit!" natatawa pang reaksyon ni Cameron. Muli niyang nasiko ang kakambal. 

"Please ate Julie, do everything you think you can do. Tamara is bugging me, not just me but also my Jarsey," sumamu niya. 

"Ang cute ma-in love ng kapatid mo cupcake," wika pa ni Julie kay Clayd habang humahalik sa buong mukha nito. 

"Nakaka-bitter kayong dalawa! Patayin mo na nga 'yan Con," ani Cameron kasabay nang pag-walk out nito. Tawang-tawa siya sa kapatid. 

"Pikon talaga 'yon," wika pa ng kanyang kuya Clayd. "Baka tigang!" Nagtawanan sila. 

"Thanks Connor, ngayon mismo ay tatawag ako kay Mrs. Hamelton," wika ni Julie. "Oh great! Thanks!" 

"See you next month Con," ang kanyang kuya Clayd at sumaludo pa sa kanya saka nito tuluyang pinatay ang kaning video call. Walang pagsidlan ang tuwa niya. At last, Tamara will be out of the picture. Tumayo na siya at itinapon ang beer in can na kanyang hawak sa basurahan. Isinarado niya ang sasakyan ni Cameron at muling bumalik sa loob ng school. Abot tainga ang ngiti niya. What a lucky day for him!  

PRETTY MAN SERIES 2: CONNOR EROS VILLARAZAWhere stories live. Discover now