PM2-15.1

14.9K 319 6
                                    


PMS2-15.1

  "EXCUSE me po 'tay," paalam ni Jarsey sa ama.Agad siyang napatakbo sa loob ng bahay at tinakbo ang hagdan makarating lamang sa kanyang silid. Nang makapasok siya sa loob ay agad siyang napaupo sa sahig. Nanlulumo ang kanyang mga tuhod.  

 Hindi siya makapaniwalang nagawa niyang magpakatatag sa harapan ni Connor gayong gusto na niyang bumagsak kanina. Iyong dating sakit na pilit niyang inaalis sa sistema ng kanyang katawan ay hindi niya kayang itago ng matagal. Nasasaktan siya ng husto. Wala rin naman siyang mapaglabasan ng sama ng loob. Naalala niyang itinapon niya pala ang kanyang cell phone at naroon lahat ang kanyang contacts. Ang akala niya ay magiging maayos na ang lahat at makapagsisimula siyang muli ngunit akala lamang pala iyon. Ito pala ang simula ng pagkagulo muli ng utak niya lalo na ang matinding pagmamahal niya para sa binata. Paano niya ba makakalimutan ito nang ganoon lang kadali kung buong buhay niya ay sa lalaki lang umiikot. She can't blame anyone but only just herself. Huminga siya ng malalim at napatayo. Inayos niya ang kanyang sarili. Bigla namang may kumatok sa pinto ng kanyang kuwarto. Pasumadali pa siyang huminga ng malalim at binukasan ang pinto.   

 "'Tay, bakit po?" mahina niyang tanong. 

 "Hinahanap ka na ng kapatid mo sa ibaba. Gusto yatang makipagkuwentuhan sa iyo kasama ang bisita niya."Napaawang ang kanyang bibig. 

 "Pero..." 

 "Bakit anak? May problema ba sa bisita ng kapaid mo? Ayaw mo bas a kanya?"She pause and fake a smile. 

 "Wala po itay," aniya kasabay nang pag-iling ng kanyang ulo. 

 "Then let's go down," anito. 

 Tipid lamang siyang tumango kahit na ang totoo ay gusto na niyang manginig sa sobrang kaba. Hindi niya alam kung paano siya haharap ng maayos sa kapatid niya. Lalo na kay Connor. Connor hurt her, but the fact that they are in one house, she can't escape, neither soil couldn't eat her alive. Sabay silang bumaba ng hagdan ng kanyang ama.   

Nang umabot sila sa beranda ay agad niyang natanawan ang kapatid na nakikipag-usap kay Connor. It hurts her. 

 "Hi JK, come sit beside me. Pahiram muna siya Papa," ani Rei. 

 "Go on, I'll take this call," anang ng kanyang ama. Bigla siyang nabahala nang umalis ito. Now what the hell is she going to answer if her sister ask her below the belt? Big chaos!Umupo siya sa tabi ni Rei. 

 "You met Connor kanina, 'di ba?" tanong pa nito. 

 Tipid siyang ngumiti at pumaling kay Connor. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang matinding galit. But she won't lose. Not this one. Kailangan niyang kumalma for the sake of her brother's freedom. 

 "Well, you know what JK, I like you but I was just curious. My baby boy here is kept telling me that you were his girlfriend," natatawa pang wika ni Rei. Agad na nanigas ang kanyang leeg. 

 "But I don't believe him," dagdag ni Rei.Payak siyang napatawa. She gritted her teeth. Humarap siya kay Connor. 

 "I don't really know you. We maybe met but I guess you just miss-correct my identity," sagot niya.Patigasan sila ng titig ng binata. Her knees shiver when Connor bit his lips. 

 "Really? I guess you were right. Hindi naman kasi papatol ang Krimy ko sa matanda. At hindi rin naman siya mukhang pera." 

 "Connor!" sita ni Rei. 

 "Really? If I were her too? I wouldn't chose a man like you. Rude," sagot niya.Mabilis siyang tumayo. 

 "I'm sorry Rei, but I guess your visitor don't like me, much. Excuse me. We'll catch up later, alone." 

 Agad siyang lumayo at tinungo ang dalampasigan. Agad na nag-unahan sa pagbagsak ang mga luha niya sa mata. Nasaktan siya sa sinabi ng binate sa kanya. What does she expect? Talaga ganoon ang magiging tingin sa kanya ng binata. She can't blame him. Pinahiran niya ang kanyang magkabilang pisngi at napagpasyahan na maglakad-lakad muna sa dalampasigan nang biglang may humila sa kanya. She's surprise to see Connor. Hinila siya nito papunta sa masukal na parte ng bakawan. 

 "Ano ba!? Bitiwan mo ako!" pagpupumiglas niya.Binitiwan nga siya ng binata pero kinabig naman siya nito sa baywang at agad siyang siniil nito ng halik. Hindi siya agad nakagalaw. Pero agad siyang nakabawi nang maalala ang ginawa ng binata sa kanya. Malakas niya itong itinulak. 

 "Ano ba!?" bulyaw nita dito. 

"What the hell is wrong with you Krimy!? Don't tell me may amnesia ka kaya ka biglang nakalimot agad. How could you act like that in front of them! Pretending not to know me? Hell! That's freaking me out!" Nakuyom niya ang kanyang mga kamao. 

 "Wala akong amnesia pero dahil sa ginawa mo sa akin? Bigla akong nakalimot!" Tinalikuran niya na ang binata pero pinigilan siya nito. 

 "Tell me what happen to you while I am away!" Sa galit niya ay nasampal ni si Connor. 

 "Bakit hindi mo iyan itanong sa sarili mo? Ano nga ba ang ginawa mo para magkaganito ako?" She left him speechless. Iyak siya nang iyak pagdating sa kanyang silid. Gusto niyang mapag-isa. Bakit parang pakiramdam niya'y siya lang ang nakakaalam ng kasalanan ni Connor. Pakiramdam niya'y pinagsakluban na naman siya ng langit at lupa.  

PRETTY MAN SERIES 2: CONNOR EROS VILLARAZAOnde histórias criam vida. Descubra agora