PMS2-2.1

23.6K 516 4
                                    

PMS2-2.1

Pinipigilan naman ng binata ang matawa sa kanya.

"Jarsey!"

"Kuya, kung may gusto kang itanong, sa akin na lang, okay?" Bumaling naman siya sa kanyang ina.

"Ano na 'nay?" Natawa naman ang kanyang ina.

"Aba'y kung seryoso ka sa anak ko'y ikaw ang bahala," nakangiting wika ng 'nay Gina niya at hinila ang kanyang kuya Elven.

"Matanda na ang kapatid mo kaya hayaan mo na," anito pa.

"Pero 'nay---" protesta pa ng kanyang kuya Elven. Naiwan silang dalawa ni Connor.

"Anong nakain mo?"

"Ginayuma mo raw ba ako?" Napangiwi siya.

"Heto na po ang polo niyo, puwede na po kayong umuwi doktor."

"Okay," anito at kinuha ang kanyang hawak na polo. Ngunit bago ito umalis ay kinindatan pa siya nito. Diretso siyang napatalikod at halos pigilan ang sarili na mapatili. She's going insane!

ABOT langit pa rin ang saya ni Jarsey kinabukasan. Pakiramdam niya'y parang nakalutang siya sa ere at idinuduyan ng mga anghel sa langit.

"Beks! May bisita ka!" Nauntog siya sa mesa, kasalukuyan kasi siyang naglalagay ng floor wax sa sahig.

"Hoy Venus! Letse ka! Ang sakit ng pagkakauntog ko sa mesa! Buwesit!" Hinimas niya ang kanyang ulo na nagsisimula nang magkabukol. Kumindat lang si Venus sa kanya at biglang umalis.

"Does it hurt?"

"Ha?" Bumaling siya sa kanyang likuran. Namilog ang kanyang mga mata. It was Connor, wearing so neat clothes that really reveals his masculine body. He was holding dozens of roses and a box of Ferrero Rocher. Agad niyang tinakpan ang kanyang dibdib. She forgot to wore her bra!

"Connor naman e!" inis niya pang wika.

Papasok na sana siya sa kanyang kuwarto ngunit nahila naman ng binata ang kanyang damit.

"Where are you going Krimy?" pilyo pa nitong wika. Hinila siya nito ng todo at pinaupo sa sofa. Tinakpan niya muli ang kanyang dibdib.

"What are you hiding?" tanong pa nito sa kanya.

"Hindi ko suot ang bra ko. Kung bakit ba naman kasi 'di ka nag-abiso na dadalaw ka pala," hindi makatingin niyang sagot dito.

"Nakalimutan kong kunin ang cell phone number mo," anito at inilapag sa tabi niya ang mga dala nito. Humugot naman ito ng panyo at hinila ang marumi niyang kamay.

"Bakit 'di ka nagsuot ng gloves?" anito pa at pinunasan ang kanyang maruruming kamay. She was insanely blushing right now!

"Sweet ka pala sa personal," mahina niya pang ani. Ngumiti lang din naman ang binata sa kanya.

"Nasaan nga pala ang inay at kuya mo?"

"Si inay, nasa palengke. May puwesto kami ro'n e. Si kuya Elven naman, nasa planta ng sagingan. Sa susunod na linggo pa 'yon uuwi rito."

"How about your father?" Natameme siya at bumuntong-hininga.

"Hindi ko alam. Tara, ipapasyal kita," pag-iiba niya ng usapan.

Tumayo siya at iniwan saglit ang binata para makapagbihis. Nang matapos siya'y mabilis niyang hinatak ang binata at dinala sa Lianga Bay. Tahimik lang silang dalawa. Nahihiya rin naman siyang kausapin ito at magsimula ng topic. Until now she still feel that this is not happening for real.

"Gusto mong sumama?" wika nitong bigla sa kanya.

"Ha? Saan?"

"Sa bayan, wala na kasi akong isusuot na sapatos."

"Ha? Kulang ba dinala mo?" usisa niya pa.

"Parang oo," nakangiti pa nitong ani.

"Magpaalam muna tayo sa inay mo," dagdag nito at biglang hinawakan ang kanyang kanang kamay. Now she suddenly felt the spark. Kapag crush nga naman, kahit 'di naman ramdam ng karamihan, ipipilit talaga, mag-meant to be lang.

NANG dumating sila sa palengke ay agad namang ipinagpaalam si Jarsey ng binata. Wala rin naman naging pagtutol ang kanyang inay Gina.

"Bakit mo naman pinakyaw ang lahat ng paninda ni inay?" bulalas pa ni Jarsey kay Connor nang papunta na sila sa sasakyan nito.

"Ayaw mo ba no'n? Maaga makapagpapahinga ang inay mo."

"Sabagay. Salamat ha." Pinisil naman nito bigla ang tungki ng kanyang ilong. Nakagat niya ang kanyang labi at pasimpleng nahimas ang kanyang ilong. Binuksan naman ng binata ang likurang bahagi ng sasakyan nito. Tumambad sa kanya ang mga box ng sapatos nito, mga naka-hanger na damit at kung anu-ano pa. Kumunot ang kanyang noo.

"Akala ko ba'y wala ka ng maisusuot?" Ngumisi naman ito.

"My hobby is to collect shoes wherever I traveled." Tumango na lamang siya. Bigla namang may dumaang traysikel kaya agad siya kinabig ni Connor. There's no space between them. At dahil matangkad ang binata sa kanya ay napaliyad pa tuloy siya ng todo.

"How about you Krimy? Am I your hobby?" anas nito. Napaawang ang kanyang bibig at bahagyang umiwas sa mga mata nito.

"'Di ah!" tanggi niya pa kahit na totoo naman. Lumuwag ang pagkakahapit nito sa kanya. Agad siyang nagpatiuna sa paglakad. Agad din naman itong sumunod sa kanya.

"What are your hobbies then?" pangungulit pa nito.

"'Di ka talaga titigil?" Agad itong umiling. Binasa niya ang kanyang mga labi.

"Hobby ko magsulat ng kung anu-ano, mag-drawing, painting, manood ng mga movies, mangulekta ng book at mahilig ako sa mga light sports." Tumango-tango naman ito.

"Ikaw ba?" balik niya rito.

"Me? Aside from collecting shoes, I so fond of helping other people in my simple way of taking care of their eyes."

"Mahal na mahal mo talaga profession mo 'no?"

"Of course! If it wasn't this?" turo pa nito sa mga mata nito.

"I won't see how beautiful the world is and I won't see this pretty young lady standing right next to me," anito at kumindat pa sa kanya.

"Baliw!" Pero ang totoo sabog ang obaryo niya sa sobrang pagpapakilig nito. Bigla naman siya nitong hinila at sabay silang napatakbo. Jarsey seeing this moment was like a slow motions. She could even hear her heart beating so healthy but so wild. She never thought that she could experience this. Sa taong gustong-gusto niya pa.

PRETTY MAN SERIES 2: CONNOR EROS VILLARAZATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon