PMS2-18.1

16.7K 382 43
                                    


PMS2-18.1

HER eyes are blurry. Pakiramdam niya'y nakalutang siya sa ere. Pilit niyang inaaninag ang lalaking kumarga sa kanya.

"J-jay?" anas niya nang makilala niya ang lalaki.

"Pasensiyahan tayo Jarsey pero napag-utusan lang naman ako. Ang laki ng offer at saka paghihiganti ko na rin ito sa iyo dahil sa hindi mo pagtanggap sa pag-ibig ko."

"A-ano?" 

Nahihilo pa siya. Hindi siya makakilos ng maayos. Kahit malabo ang paningin niya ay kita niya pa rin kung saan siya ipinasok ng lalaki. Sa isang silid kung saan walang bintana at tanging bombilya lang ang mayroon. Ibinaba siya ng binata sa sahig. At ang tanging huling narinig niya ay ang pagsara ng pinto ng silid. 

Dahan-dahan siyang napabangon at sinapo ang kanyang batok. Wala naman siyang sugat na natamo pero nahihilo pa rin talaga siya. Dala siguro ng malakas na paghataw sa kanya. Mariin siyang napapikit at nang mahimasmasan siya ay dahan-dahan siyang tumayo. Agad siyang lumapit sa pinto ngunit ayaw bumukas kahit anong pihit niya sa doorknob. Humingi siya ng malalim. Nagsisimula na siyang mag-panic. Humanap siya ng kung anong puwedeng maipukpok sa doorknob upang ito ay masira. Hula niya'y nasa basement siya. 

Nasapo niya ang dibdib. Nang masiguro niyang wala talaga siyang magagamit at worst ay wala pang bintana at tanging maliit lamang na butas ng mga decorative tiles ay agad siyang tinubuan ng takot.

"'Tay! Tulong! Ate!" sigaw niya. Sigaw siya nang sigaw upang humingi ng tulong ngunit wala man lang nakakarinig sa kanya. 

Nasapo niya ang kanyang dibdib. Inaatake na siya ng kanyang phobia, ang Claustrophobia. Nahihirapan na siyang huminga. Napasandal na siya sa pinto. 

"'Tay! Ate!" muling hingi niya nang tulong. Nag-unahan na sa pagbagsak ang kanyang mga luha sa mata. 

"Connor!" sigaw niya sa pangalan ng binata. 

Hinubad niya ang kanyang sandals at ipinupok sa pinto upang makagawa ito nang malakas na ingay sa labas. 

"P-pakiusap! T-tulong!"

Habol na niya ang kanyang hininga. Hindi na niya kaya pero sige pa rin siya sa pagpukpok sa pinto hanggang sa tuluyan na siyang bumagsak at halos hindi na makahinga.

"C-connor..." anas niya.

HE'S searching for Jarsey. Hinabol niya kasi ang dalaga kanina ngunit nawala ito agad sa kanyang paningin. 

"Rei! Have you seen Jarsey!?" aniya nang makita ang dalaga.

"No! Hinahanap ko rin siya Con. Now I really do believed..." Hindi na niya hinintay pa ang sasabihan ng dalaga dahil agad niya itong iniwan. 

He is so worried. Kung hindi kasama ni Rei si Jarsey, ay mas lalong hindi ito kasama ni Tito Romel dahil nakita niya pa itong maraming kausap na business partners. 

He searched every where when he suddenly bump on someone. 

"Sorry," aniya pa. 

It passed by him without saying anything. Pero agad din naman siyang natigilan nang maalala kung sino ang lalaking nakabangga niya. It's Jay! Ito iyong lalaking nakaaway niya noong hindi niya pa nobya si Jarsey. Mas lalo siyang kinabahan.

"Jarsey! Oh god! Answer me!" sigaw niya. Pinagbubuksan na niya lahat ng mga kuwarto sa mansyon. Umabot na rin siya sa kuwadra ng mga kabayo pero wala. Hindi niya nakita ang dalaga. But the he stops when he remembered that there is still one room the he never went. Ang basement! Agad siyang dumaan sa kusina at bumaba sa hagdan. 

"Jarsey!" sigaw niya ngunit naka-lock ang pinto. Umatras siya ng konti at sinipa ang pinto. Nang mabuksan niya ito ay agad niyang nakita ang dalaga na wala nang malay sa sahig. Agad siyang sumaklolo rito. 

"Krimy! Wake up! God Krimy!" bulalas niya. Agad niyang inalam kung humuhinga pa ba ang dalaga. His eyes got widen when her pulse is too low. Agad niyang naalala na claustrophobic pala ang dalaga. Agad niyang sinimulan ang cardiopulmonary resuscitation.

"Breathe Krimy! Come on!" He press her chest. His tears are starting to fell.

"Please breathe!" Isa pang buga sa bibig nito ay tuluyang nagising ang dalaga at napaubo. 

"Oh god!" agad niyang niyakap ang nobya. 

Nang mahimasmasan ito ay bigla na lang sumigaw ang kanyang nobya. Tinubuan na naman ito ng matinding takot. 

"Look at me Krimy! Look at me!" 

Nanginginig ito at pinagpapawisan ng matindi. Kapag sa ganitong sitwasyon ay hindi niya malaman kung paano pakakalmahin ang dalaga. 

"A-yoko k-ko r-rito!" pagwawala nito. Agad niyang niyakap ang dalaga at lumapit sa pinto ngunit ganoon na lang ang gulat niyang nang naka-lock ito. Fuck the door lock!

"L-lock!?" sambit ng dalaga at ayaw pa rin mawala ang matinding takot. 

"No! It's not! Look at me Krimy!" Hinawakan niya ang mukha ng dalaga. Takot na takot ang pakiramdam nito habang umiiyak. Hinahabol na naman nito ang paghinga. Kapag nagpatuloy ang matinding takot ng dalaga ay posibleng ma-suffocate ito.

"Look at me!" singhal na niya kahit ayaw man niyang sigawan ito. He must divert her feelings. 

She keeps on crying while shaking. 

"Con, ilabas mo ako rito. Ayoko ko rito."

"Look at me Krimy. You need no calm down. Please!"

"Ayoko! Ilabas mo ako rito!"

"I will but please, your pulse is at risk, please, calm down. Hindi kita iiwan."

"Con..."

Magsasalita pa sana ang dalaga pero agad niya itong hinalikan. Wala na siyang ibang choice kundi gawin ang nasa isip niya ngayon. Kapag hindi niya ginawa baka pagsisihan pa niya. Kailangan niya ito para ma divert ang isipan ng dalaga at para huwag makaramdam ng matinding takot. 

"Con..." sambit nito.

"Just kiss me back," sagot niya at hinapit sa baywang ang dalaga at mas pinailalim pa ang halikan nilang dalawa. No choice siya. Mas gusto niya pang buntisin ang dalaga kaysa ang makita itong nakaratay sa kabaong. No way!

PRETTY MAN SERIES 2: CONNOR EROS VILLARAZAWhere stories live. Discover now