PMS2-16.1

15K 321 7
                                    

PMS2-16.1

"JK! You don't know how to dance? Come on. Just shake your booty sweety," turo pa ni Rei sa kanya. Panay ang pag-iling niya sa kapatid. She can't really dance right now. Kahit maganda pa ang tugtog ay wala talaga siya sa mood. 

"Ikaw na lang muna. Balik muna ako sa table natin," aniya pa sa kapatid. 

Nag-thumbs up sign lamang ito. Tinungo niya na ang table nila but she stop. Dumiretso siya sa bar counter at nag-oder ng isang bote ng Tequila. This liqour is new to her but who cares! Gusto niyang maglasing at magpakalunod sa alak para maibsan man lang ang bigat ng kanyang dibdib. Right after she ordered, lumabas siya sa crowd at naglakad-lakad na lamang sa dalampasigan while slowly sipping the bottled alcohol she was holding. Natatawa siya sa kanyang sarili. Para siyang lasenggera na ewan. But then who cares! She wants to enjoy her night kasama ang bote ng alak. Mas gusto niya pang kasama ang bote kaysa sa kapatid niya. Hindi siya umiinom talaga pero trip niyang maging lasenggera ngayon gabi. 

She walk and walk and walk. Her bare feet are playing the white sand. She even kick the small shells at the shore or skipping her steps. Para pa siyang baliw na nakikipaghabulan sa alon at tumatawa mag-isa. She feel free. But then she suddenly stop. Napaupo sa buhanginan habang sinasalubong ang maliliit na alon ng dagat. Wala siyang pakialam kahit nababasa na ang kanyang suot na damit. Nakatulala lamang siya sa kawalan. Then out of a sudden? She's starting to shed tears. Iyak siya nang iyak. Alcohol is hitting her pero hindi niya maramdaman ang kalasingan. Sige lang siya sa pag-iyak. Miss na niya ang kanyang inay Gina at ang kanyang kuya Elven.

Napasinghot siya at napatingala sa kalangitan. Napaiyak siya ng matindi. Pati yata bituin sa langit ay pinagtataguan siya at ayaw siyang damayan sa matinding kalungkutan.

"'Nay, nandiyan ka ba?  Ayos ka lang ba diyan? Nakikita mo ba ako? Heto ako oh! Sawi!" Humagulhol siya ng matindi. 

"Ang tanga-tanga ko 'nay 'di ba?" aniya sa kawalan. 

Tinungga niya muli ang bote. Ngunit laking gulat niya nang biglang may umagaw dito. 

"What the hell are you doing Krimy!?" bulalas ni Connor. 

"Ikaw! Ibigay mo sa akin iyan!" 

Pilit niyang inaagaw ang bote sa binata. 

"Lasing ka na," anito at itinapon sa malayo ang bote. Akmang hahawakan siya nito pero tinabig niya ang binata. 

"Huwag kang lalapit! Nandidiri ako sa iyo!" 

"What!? What I have done to you? Maayos tayo noong umalis ako." 

Natawa siya habang ang kanyang mga mata ay patuloy pa rin sa pagluha. Tumayo siya at kahit parang matutumba na siya'y pinilit niya pa ring makatayo ng maayos. 

"Maayos? Naman! Maayos tayo! Ayos mo rin e!" Napaatras siya. Muntik na siyang matumba pero maagap si Connor sa paghawak sa kanyang baywang. Naisandal niya ang kanyang ulo sa dibdib ng binata. She inhaled his masculine scents. How she loves to smells him like this, before. 

"Krimy," anas ng binata. Napahagulhol siya. Miss na miss niya ito ng sobra, lalo na ang tawagin siya sa ganoong palayaw.

"Nasaan ka noong kailan kita?" umiiyak niyang tanong.

"I was away, I know it's my fault. Please Krimy, listen to me first. I'm begging you." 

Tumingala siya upang makita ang mukha ng binata. 

"Hindi mo ako binalikan agad! Mag-isa ako Con! Iniwan ako ni inay! Wala na siya Con! Gusto kong tumakbo sa iyo pero wala ka! Hindi kita matawagan! Hindi ko alam kung paano kita makakausap! Tapos ngayon babalik ka? Sinungaling ka! Napakasinungaling mo!" 

"Krimy, please, listen to me. Hindi ko alam kung bakit ganyan kalaki ang galit mo sa akin. Hindi ko alam na wala na ang ina mo. Nasa malayong isla ako. I was stuck there. I swear to god, I tried every single way just to get back to you!"

Itinulak niya ang binata. 

"Sinungaling! Kasama mo lang ang babaeng iyon! Bakit? Mas maganda ba siya sa akin? Mas magaling ba siya sa kama!?"

"What!? I don't know what you are talking about. Sinong babae!? Look Krimy, wala akong iba, I swear. Tamara set me up. Please hear me out."

Tinakpan niya ang kanyang mga tainga. Ayaw niyang makinig sa mga kasinungalingan nito. Ayaw niya nang maniwala. 

"Lumayo ka sa akin!" 

"No! Tell me what happen to you!" 

Bago pa man siya makasagot ay bigla nang umikot ang kanyang paningin at natumba. 


PRETTY MAN SERIES 2: CONNOR EROS VILLARAZAWhere stories live. Discover now