Chapter 4: MINE!

1.3K 15 0
                                    

Maaga akong nagising at halos takbohin ko ang malapad naming hagdan na gawa sa mamahaling kahoy. Wala kaming pasok ngayon dahil rest day mula sa isang linggong nakakapagod na intramurals.

'Hija? Careful at baka madapa ka' salubong ni mama sakin na may hawak na tasa ng tea at papunta sana sa garden area..'magbreakfast kana Alli'

'It's okay ma.. maaga akong pupunta kina Shane' nakangiting saad ko.

'Ohh I see..' aniya. 'Pero bat bihis na bihis ka?' Tanong niya habang tinitignan ang sout kong f21 off shoulder satin top paired with distressed cuffed denim highwaist short. Oh and a pair of faux suede ankle wrap sandal.

'Ahh mag-mo-malling po kami ma, we'll watch movie kasi' I replied.

'Do you have enough budget for that?' She asked.

'Yes ma..' ngumiti lang siya at agad akong nagpaalam sa kanya. Nagpahatid lang ako sa mansyon ng mga altamirado at pinabalik ko na ang sasakyan samin. Inabutan kong hinihintay ako ni Shane sa may pinto nila at halata ang pagbusangot nito.

'Problema mo?' I asked at bago paman ito makasagot ay inakbayan ako ni Jerric na nakabihis din.

'Lets go girls?' Nakangising saad ni Jerric.

'Sasama ka?' I curiously asked. 'Romantic movie ang panonoorin namin Jerric. You'll find it boring lang.' sabi ko pero ngumisi lang siya.

'It's okay Alli.. I just want to spend a day with you!' Buong pagmamalaking sagot niya.

'Ha? Eh-' bago paman ako makasagot ay hinila niya na ako palapit sa kotseng gagamitin at padabog na sumunod si Shane samin.

'Kuya, bat ka ba kasi sasama? Babakuran mo lang tong si Alliyah eh.' Naiinis na tanong ni Shane 'as if naman may pag-asa ka!' Asik nito kay Jerric na bahagyang dumilim ang mukha.

'Tama na Shane! Okay lang naman.' Nakangiting sagot ko para di na magkatensyon ang dalawa. Alam ni Shane na iiwas na dapat ako kay Jerric dahil ayoko namang paasahin to sa wala.

'So? San ka after ng movie Alli?' Pagbabalewala ni Jerric sa kapatid.

'Ah may bibilhin lang ako' tipid kong sagot.

Masaya naming tinapos ang movie ni Shane habang tulog naman si Jerric sa loob ng sinehan. Dumiretso na kami sa yellow cab at kumain ng pizza panay naman ang tukso namin kay Jerric na tinulugan lang ang buong movie..

'Uuwi na ba kayo after here? May ichecheck pa kasi ako' I asked.

'Sasamahan nalang kita Alli' nakangising sagot ni Jerric na kinainis naman ni Shane.

'Hay naku kuya.. ang desperado mo!' Tumawa lang kami ni Jerric kaya sinamahan na nila ako. Papunta na kami sa f21 na store ng mabunggo namin ang kasalubon namin, we did not see them kasi may pinagtatawanan kami sa phone ko.

'Aray! Ano bang-' My jaw dropped when I realized the guy standing infront of us na halos magkalevel na ang mga kilay sa inis, nagtagis ang bagang nito at matalim ang titig sakin. Hinawi ko kaagad ang mga braso ni Jerric na nakaakbay kanina. Nagulat pa ito sa ginawa ko kaya tinitigan nito si Zach na hindi nagpatinag sa titig niya.. mas matangkad si Zach sa kanya pero halos pareho lang ang built ng katawan nila.

'Z-Zach?' Dun niya lang nilipat ang paningin sakin na para bang bubugahan niya na ako ng apoy, God my knees are shaking at pakiramdam ko abot hanggang paa ang pawis ko kahit ang lakas ng aircon sa mall. Kahit inakbayan na siya ng isang lalaki na nakilala kong si Montes, one of his teammate ay hindi parin nawawala ang titig niya sakin.

LOVE ME AGAINKde žijí příběhy. Začni objevovat