Chapter 30: Deserve him

887 10 0
                                    

'Ako ng magbubukas' Ang hirap lang na parang wala ng narinig si Zach dahil sa pagpapatahan niya kay Inggrid. Dumiretso ako sa kwarto namin at umupo sa kama, I can still hear her crying pero wala akong makapang konsensya sa puso ko. Siguro masama ang ugali ko kasi pakiramdam ko nagpapaawa lang si Inggrid but I'm not in the position to judge her tonight. Bukas nalang.

'I'm sorry because I disapppointes you.' Narinig kong sambit ni Inggrid, sumilip ako sa pinto at nakita ko si Zach na nakatitig lang sa nakayukong Inggrid.
'Zach, alam kong nagalit ka sa lahat ng kinikilos ko these past few days but I can't helped it. I felt so alone.' Humihikbing sabi ni Inggrid. 'You're my only friend and I can't take it that you've been ignoring me but I can't blame you.' Pinunasan niya ang luha sa mga pisngi niya bago humarap kay Zach. 'She's back kaya wala na akong papel sa buhay mo. Andiyan na siya kaya hindi na ako mahalaga'

'That's not true Inggrid' Napapikit ako sa dahil sa sari-saring emosyon na nababasa ko sa mga mata ni Zach.

'Pero iyan ang pinapakita mo'

'Because you're being rude to her!' Kalmadong sagot ni Zach. 'She don't deserve that Inggrid. I am marrying her and you are my friend ka-'

'I'm more than just your friend Zach.. alam mo yan! I've been with you ever since. Through ups and downs. I never left your side.' Parang may kung anong hangin sa tiyan ko na hindi ko maintindihan. 'She left you remember?'

'Lower your voice Inggrid.' Matigas na utos ni Zach. 'You're drunk. Ihahatid na kita sa kabilang kwarto.'

'So this is the end of us.' Us! Ang bigat sa dibdib ng usapan nila.

'Importante si Alli sakin dahil siya ang pakakasalan ko and I love her' Sige pa Zach, punan mo pa ang puwang sa puso ko dahil sa eksena niyo ni Inggrid. 'Pero importante ka rin' Shit! Nakita kong nagliwanag ang mukha ni Inggrid. 'Importante ka because you are INGGRID, you're special to me'

'Will I still be special kahit ikasal na kayo?' Parang batang tanong nito.

'Yes so please sleep now' nawala na sila sa paningin ko dahil inihatid niya si Inggrid sa kabilang kwarto, humiga narin ako sa kama at nagkunwaring tulog ng pumasok na siya, naramdaman ko ang pagyakap niya at ang mainit niyang hininga sa leeg ko. Amoy na amoy ko rin ang perfume niya. 'I'm so sorry Alli..' he whispered, and what exactly is he sorry about? 'I'm so sorry that you saw what happened between me and Inggrid.' Alam niya kayang gising pa ako?. 'I hope you wont let it affect our relationship' Nagkunwari parin akong tulog kahit ilang beses niya ng hinaplos ang ulo ko. 'I love you Alliyah Esquibelle.' alam na alam niya ang nga dapat sabihin para mawala lahat ng dudang nararamdaman ko pero hindi ko pa kayang sabihin sa kanya na mahal na mahal ko parin siya, natatakot parin ako. Natatakot ako na baka iba ang piliin niya sa bandang huli. It would kill me. Nanatili parin akong nakapikit. 'Goodnight Alli.'

Tuluyan na nga ata akong nakatulog kaya napabalikwas ako ng bangon ng maramdamang ako nalang mag-isa sa kwarto. Hinanap ng mga paa ko ang mga tsinelas ata agad na lumabas pero natigilan ako ng makita si Inggrid na naghahanda ng breakfast. Plano ko pa namang ipagluto si Zach ngayon, akala ko umuwi na siya.

'You're still here' Malamig kong saad.

'He asked me to stay' Nakataas kilay niyang sagot. 'I cooked breakfast for Zach. Late kana kasing nagising'

'Hindi ako late masyado ka lang maaga' Papansin ka kasi, I wanted to add but I kept my cool. Masyado pang maaga para mabweset ako sa kanya, Kalma Alli.

'Nagjogging siya' Oh edi ikaw na, saglit lang akong nakipagtitigan sa kanya pero agad din naman akong tumalikod para bumalik na sa kwarto ni Zach. 'You cant take him away from me' natigilan ako pero hindi ko siya hinarap. 'I am that one part of his life that he wont let go of.' Nanginig ang kamay ko at nanghina ang tuhod ko. 'At kahit anong gawin mo, mas importante ako kay Zach. Kaya wag na wag mong iisipin na mawawala nalang ako dahil bumalik ka. You don't deserve him'

'And you think you do?' Ganting sagot ko pero hindi ko siya hinarap.

'Yes because I never left his side when you chose to leave him. I stayed with him at kahit ano pang mangyari hinding hindi ko siya iiwan..' Sasagot pa sana ako ng bumukas ang pinto. Pawisan si Zach ng pumasok siya, nagpalipat lipat ang titig niya samin ni Inggrid. 'I cooked breakfast' Malambing na saad nito. 'Inaya ko na si Alli pero busog pa daw siya, tayo nalang munang mauna Zach baka ma-'

'I never said that.. and you never offered' Hindi ko na alam ang naging reaksyon ni Inggrid sa sinabi ko dahil hindi ko naman siya nilingon pero kumunot ang noo ni Zach na tumitig sa kanya at nang dumako ang mga mata nito sakin ay lumambot ang ekspresyon ng mukha niya. 'Maliligo na ako' hindi ko na hinintay ang magiging sagot niya at pumasok na ako.

'Mauna kana Inggrid.' Yun lang ang narinig kong sinabi ni Zach bago sumunod sakin. I heard him open and closed the door. 'Gusto mo bang sa labas kumain?'

'No.. bakit naman?' His mouth is slightly open when I turned to face him. 'I'll just take a bath then i'll go out.'

'I'll wait for you here.' Tumango lang ako at pumasok na sa banyo. Nakasandal siya sa sofa at nakapikit ng lumabas ako, tuyo na rin ang pawis niya at nakapalit na siya ng damit, mamaya pa siya maliligo pagkatapos ng breakfast dahil katatapoa nya lang magjogging.

'Zach?' He opened his eyes and stares at me.

'Come here' Sumunod naman ako at lumapit sa kanya pero muntik pa akong mapatili ng bigla niyang hinapit ang beywang ko at pinaupo ako sa binti niya. 'She'll leave after breakfast.'Napalunok ako ng isinubsob niya ang mukha sa leeg ko, I can feel him breath. 'I'll take my first day of leave today then we'll go straight to our wedding organizer.' Ngayon ba yon?

'Okay lang na nandito siya, you can't make him leave. Importante siya sayo diba? Edi wag mong paalisin' ayan na sumubra ata ang kadaldalan ko. Nyeta!

'How many times do I have to tell you na mas importante ka Alliyah' seryoso siyang tumitig sakin.

'Pero importante parin siya..'

'She's my friend.. lahat ng kaibigan ko importante sakin but their values cannot be compared to yours.' Mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa beywang ko.

Bumuntong hininga ako bago ako nagsalita. 'Let's eat Zach.' Tatayo na sana ako pero maagap niya akong nahawakan at siniil ng mabilis na halik.

'My love for you wont change just because of Inggrid dahil kung mangyayari yan dapat noon pa nung hindi ka pa bumabalik pero hindi nangyari...' gusto ko na namanag umiyak dahil sa nararamdaman kong senseridad ni Zach. 'My heart belongs to you Alli.. and no one has ever taken it away from you even you left and broke it' Bakit ba ganito? Bakit ba pakiramdam ko kasalanan ko pa kung bakit nagkahiwalay kami. Sana masabi na sakin ni Zach ang lahat.

'Z-Zach..'

'Baliw ako sayo Alliyah.. baliw na kahit ilang beses mo akong saktan ay ikaw parin ang babalikan ko. I'd always choose you'

Even if Inggrid is here. Even if she shook my heart and twisted my mind with her words and even if she'll never leave I know for a fact, no! I know in my heart that everything that Zach told me were true and his feelings are real.. Lahat ng pagdududa ko kagabi ay nawala nalang na parang bula.. Sabihin na nilang bulag at pipi ako pagdating kay Zach pero isa lang ang alam ko mula noon hanggang ngayon...

'I love you Zach.. I still love you..' There,  I finally said it.

LOVE ME AGAINKde žijí příběhy. Začni objevovat