Chapte 15: Let's break-up

934 7 0
                                    

Mabilis na dumaan ang isang taon sa relasyon namin ni Zach well actually magcecelebrate palang kami ng anniversary namin next week at kasabay ng pagtagal ng relasyon namin ay ang pagbalik ng biological mother ko sa bansa dahil kinumkumbinsi niya akong sumama sa kanya sa France pero matigas ang desisyon kong manatili dito, I'm not leaving mama and Zach.

'Mom..' nasa loob kami ng isang coffee shop sa labas lang ng university namin.

'Come on Alliyah, can't you just give me this chance? Sumama kana sakin hija' pagsusumamo nito. Tinitigan ko siya at medyo hawing niya nga ako, yumaman siya dahil nakapangasawa ng mayamang french businessman sa France, it's evident in her jewelries, signature bag and clothes. Nakajackpot!

'Nag-aaral ako dito mi and my life is here.. my family is here' She froze after my last words but she recovered.

'I'm your mother'

'I can't leave mama' yumuko ako at pinaglaruan ang keychain ng bag ko para hindi makita ang reaksyon niya.. No I can't leave mama dahil lang bumalik ka.. mula baby pa ako ay si mama na ang nasa tabi ko para alagaan ako and I can't abandon her just because the woman who gave birth of me is back.

'You know why I left you right? Your grandparents did not approved of me to be your dad's wife and I've got nothing.. mahi-'

'Mom.. stop okay? Alam ko naman at naiintindihan ko pero hindi ganun kadali ang hinihiling mo. You're asking for too much. You're asking me to leave my life here' magsasalita pa sana siya pero nagvibrate ang phone ko sa table. A message from Zach.

'And you can't leave him right?' Nakita kong galing sa phone ko ang mga mata niya.

'Labas si Zach sa usapan mi'

'You're too young for godsake Alli. Ano bang akala mo? Na magiging kayo ng lalaking yan habangbuhay?'

'This has nothing to do with Zach mom'

'Of course! Tell me Alli kung wala ba ang lalaking yan ay sasama kana sakin? I'm still you're mother Alli.'

'You're never a mother to me' Bahagya siyang nagulat sa sinabi ko at sumandal sa upuan niya.

'Kaya gusto kitang isama para makabawi ako'

'That's just.. that's too selfish'

'Magpapakaselfish ako para sa nag-iisang anak ko. This is my chance to give you everything Alli, this is my chance para mabawi ka'

'You're making it sound like it was dad and mama's fault that you lost your chance to take care of me mom.. I'm sorry' tumayo ako pero nahawakan niya ako sa braso.

'I'm leaving next week but I'm not leaving without you. Ikaw ang rason kung bakit ako nagsikap and I'm taking you with me'

'No..' binawi ko ang braso mula sa pagkakahawak niya. 'I'm staying'

'We'll see 'bout that' inis ko siyang iniwan sa table pero hindi paman ako nakakalabas ng coffee shop ay may humawak na sa beywang ko. Zach! Kahit hindi ko siya tignan ay alam kong siya ang nasa tabi ko, my waist is his favorite place.

'You okay?' Mahigpit ang pagkakahawak niya sa beywang ko ng pinagbuksan niya ako ng pinto ng shop.

'I can't believe her. Siguro kaya hindi sya pinili ng daddy ko dahil selfish siya' naiirita kong saad.

'Shhh.. she's still your mother babe' Saway niya sakin bumitaw lang siya sa paghawak sa beywang ko ng sinalubong siya ng high five nila Montes. Dinala niya ako sa tambayan nila sa ilalim lang ng Malaking puno sa loob ng university. Andun ang mga kasamahan niyang abala sa pagpapasahan ng bola ang iba naman ay kasama ang mga nobya nila.

LOVE ME AGAINWhere stories live. Discover now