Chapter 12: Change

991 12 0
                                    

Medyo marami ng tao sa Bar at maingay narin ang music sa loob. Nakahawak ang kamay ni Zach sakin habang hinahanap niya si Inggrid.

'There' turo ko sa di kalayuang couch. Andun si Inggrid at nakaupo lang at nakatitig lang sa isang baso ng alak.

'Inggrid' agad itong nag-angat ng titig pero nawala agad ang ngiti nito ng makita ako, I can see bitterness in her eyes when it traveled down to our hands, I don't know pero napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Zach, like I didn't want to let go. 'Sinong kasama mo?' Tanong ni Zach.

'I'm alone.. I thought you'd be alone too' mapakla itong ngumiti ng hindi man lang inaalis ang titig sa mga kamay namin.

'We had dinner with lolo and mom'

'Magkasama tayo kanina ah, you didn't informed me. I should have -'

'Let's go..' hindi niya na pinatapos si Inggrid at hinila ito sa kamay. Bahagyan akong natigilan ng binitiwan nito ang kamay ko at hinapit ang beywang ni Inggrid para suportahan sa paglakad. Kinuha ko ang clutch na naiwan sa couch at sumunod sa kanila, pinauna ko sila ng ilang hakbang at pinanood kung paano niya alalayan si Inggrid parang gusto kong manlumo sa nakikita ko, sino ba si Inggrid sa buhay ni Zach?

'Hi' natigilan ako ng may humarang sa daan ko, Hinanap ng mga mata ko si Zach pero nakalabas na sila ng bar. 'You alone?' Halatang lasing na ang lalaking kumausap sakin. Dalawa silang nakaharang sakin na pareho ng mamula mula ang mukha.

'I'm about to go home so can you please stay out of my way' I'm not in the mood to be nice tonight.

'Suplada mo naman gusto lang naming makipagkilala eh' tinapunan ko ng matalim na tingin ang mga lalaki pero hindi man lang natinag at sa pagkabigla ko ay hinatak nalang ako ng lalaki palapit sa kanya at akmang hahalikan sa leeg.

'Stop it! Ano baaaa!' Itinutulak ko siya pero tumatawa lang ito.. wala bang bouncer ang bar nato? 'Let go of me'

'Wala ka pala bro eh. Hindi ka makascore' muntik na akong mapatili ng hinila nila ako sa may table nila.

'Back off you bastards' pero bago ko pa man makita ang pinanggagalingan ng boses ay tumilapon na sa bakanteng table ang kasama nito, ang mainit na kamay ni Zach ang humila sakin palapit sa kanya at ipinwesto ako sa likuran niya, enough to cover me with his broad shoulders. 'Who gave you the right to touch her?' Singhal nito sa mga lalaki, akmang susugod ang kasama nito pero nalapitan at napigilan ito ng isang bouncer pero hindi nagpapigil si Zach at nilapitan ang nakahigang lalaki, pinaulanan ng sunod-sunod na suntok.

'Zach!' I tried to stop him pero malakas siya.

'Putang ina mo!' Napakapit ako sa upuan ng makita ang galit sa mga mata ni Zach. Nangyari na to noon, Nakita ko na ang mga galit na yan. Dumating ang ibang guards at pinigilan si Zach.
Pipiliin niyo ang babastusin niyo' singhal ni Zach sa kanila at hinila ako palabas ng bar.

Hinahabol ko pa ang hininga ko ng makalabas kami ni Zach sa bar.

'I told you to walk behind me' halos sigaw nito sakin at marahas na niluwagan ang tie niya.

'Hinarang nila ako..'

'You could have scream my name Alli!' Kita na ang ugat sa leeg niya sa galit. 'You could have shouted at me. Is that too hard to do?' Nasa labas na kami ng kotse niya.

'I-I tried to but-'

'Tried? If you tried then those bastards would have not touched you.. you could have tried harder' nakikita ko ang frustration niya sakin. 'You could have hold-'

LOVE ME AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon