Chapter 18: Your birthday

928 13 0
                                    

Nagising ako dahil sa paggalaw ng kama, Kinusot ko ang mga mata ko at nakita ang kahihigang si Zach na otomatikong yumakap sakin.

'A-anong oras na?' Alanganin kong tanong, bakas sa mukha niya ang pagod at antok. Ungol lang ang sagot nito kaya inabot ko ang cellphone ko, 12:36, at ngayon pa siya matutulog? Anong oras kaya ang flight nito bukas.
Siguro sa pagod nito ay nakapikit na ang mga mata niya. Malaya kong pinagmasdan ang perpekto niyang mukha at tila ang katiting na kagustohan kong paghigantihan siya ay nawala, my does he always have this effect on me? Na kahit gustohin ko siyang saktan din ay hindi ko magawa. Mahina ako pagdating kay Zach. Mahina ang puso kong mamuhi sa kanya sa tuwing kaharap ko siya. Hinaplos ko ang mukha niya at tinitigan ang strong feature niya, gwapo naman na siya noon paman kaya nga halos magpakamatay na ang mga estudyante ng malamang ako ang girlfriend niya eh pero mas gumwapo siya ngayon dahil mas naging mature siya and I always adore him in his business suits. Napasinghap ako ng bigla siyang dumilat.

'Go back to sleep Miss Esquibelle or i'll never let you sleep again' kaya naman atubili akong gumalaw para talikuran siya at pinilit na ipikit ang mga mata ko pero mas humigpit ang yakap niya sakin mula sa likuran. 'Good night Alli'

'G-good night Zach' and I went to sleep peacefully for the first time since we met again.

Maaga akong nagising para ipaghanda siya ng almusal. I brewed coffee for him also. Hindi na ako pamilyar sa mga gusto niyang kainin ngayon kaya nagbakasakali nalang ako sa gusto niya noon, I made him his favorite cheesy bacon sandwich.

'Morning..' napabalikwas ako ng tayo ng lumabas siya ng kwarto na inaayos ang basa pa ang magulo nitong buhok. I swallowed real hard when I saw him topless and just a piece of towel is covering the lower part of his body. 'You should have just ordered food' he walk towards me staring at me from head to foot. Sout ko ang maluwang niyang tshirt na pambahay at malaking tsinelas.

'O-okay lang, maaga naman kasi akong nagising.' Bahagya akong napaatras ng bigla niya akong hinalikan sa labi. It was just a smack but it did made me feel like a blushing teenager. Sinubukan kong kumalma at umupo para sabayan siya sa pagkain.

'It's a 3-day convention for architectural firm owners Alli' he said.

'Mmmm.. k-kasama mo si Trina?'

Lumunok muna siya at uminom ng kape bago sumagot. 'No, I need her in my office.'

'You're going alone?'

'No..'

'With Inggrid' Bulong ko sa sarili at pinagpatuloy nalang ang pagkain kahit hindi ko na halos malunok dahil sa pait ng panlasa ko pagkatapos mabanggit ang pangalan ng bruhildang yun.

'I miss your sandwich' Siguro kung hindi ko lang nabanggit si Inggrid ay gaganahan ako sa sinabi niya. Nginitian ko lang siya at tumango, uminom siya ulit ng kape bago tumayo. 'Sumunod ka sa kwarto kung tapos ka na.' Tango ulit ang sagot ko sa kanya at nag angat lang ako ng tingin ng marinig ko ang pagsara ng pinto. Bakit kasi sa tuwing kasama ko siya nakakalimutan kong magpapakasal lang kami dahil sa negosyo. Matapos kung magligpit at maghugas ng kamay ay sinundan ko na siya sa kwarto kaya lang akala ko nakabihis na siya pero ganon parin ang ayos nito, nakatalikod siya sakin at may kausap sa telepono, malaya kong nilandas ang malapad niyang likod na mejo basa pa. Nakapameywang ang isang kamay nito.

'No, you can't come. I've already told you about this na hindi ka pwedeng sumama. Mapilit ka lang.. you can't come because of her.' Lumakas ang pintig ng puso ko habang nakikinig, alam kong maling makinig pero di ko naman sinasadya. 'She's not coming and neither are you.' Yun ang huli niyang sinabi bago niya tinapos ang usapan. 'I need some business suits and casual attire, can you pack it for me?' Akala ko hindi niya napansin ang presensya ko, hindi parin siya humaharap sakin, abala parin siya sa cellphone niya kaya tumalima ako sa utos niya. Pumipili ako ng ilang suit, gray ang black suits ng maramdaman ko ang pagyakap niya mula sa likuran.

'Z-zach' Stop it, hindi ako makapagconcentrate. I want to add but I chose not to.

'Mmmm.. you always smell good Alli.' I bit my lower lip and tried to focus in what i'm doing kahit nanginginig na ang tuhod ko. 'She wont come. I'm with Brian, one of my architects.'

'W-why? Architect din naman siya'

'Because you don't want to' simple lang ang sagot niya pero parang gusto kung tumalon sa tuwa.

'Hindi ko naman sinabi yan'

'I know you don't want to Alli.' Pagmamatigas nito. 'And I don't want you to think too much.' Hinarap niya ako kaya napilitan akong yumuko, ayokong makita niyang pinamumulahan ako sa mga sinasabi niya. But he lifted my chin and made me stare at his beautiful eyes. 'She's important because she's a friend Alli. No more, no less. Yan lang ang palagi mong isipin.' Kaya ko na ba talaga siyang paniwalaan? 'Importante siya pero mas importante ka' hindi na ako makasagot dahil inangkin niya ang labi ko, this time his lips stayed on mine. Pamilyar na sensasyon na naman ang bumalot sa buo kong katawan. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang labanan ang nararamdaman ko para sa nag iisang lalaking minahal ko. The next thing I know is we are both naked in his bed.

Pinatapos niya muna akong maligo at magbihis habang may inaayos siya sa office niya. Naka pants at simpleng polo shirt lang sya but God, he is still smokin' hot.

'I'll be away for 3 days so I need you to stay in my condo. I wan you here when I'm back.' Tumango lang ako sa sinabi niya. May inabot siyang hard drive sakin. 'I downloaded some movies there para di ka mabagot and if you want to go out, make sure to call me.'

'Baka madisturbo ko ang convention niyo.'

'I don't care where or what I'm doing Alli but i'll always answer your goddamn call so make sure you'll call me bago ka lumabas.' Gusto kong ngumiti sa mga bilin niya. Nababaliw na ata ako. 'Stay away from men Alli. This building is full of bastards.'

'God! It's not like i'm here for them'

'I know' nginitian niya ako bago siya tumayo. 'And one last thing..'

'Seriously Zach?' Gusto ko na tuloy mairita sa kanya.

'Please stay Alli.' Nawala ang iritasyon ko at napalitan ng kakaibang pakiramdam, mainit na pakiramdam. 'Just stay' lumapit siya sakin at hinalikan ako sa noo. 'I have to go' sinundan ko siya hanggang sa may pinto.

'Zach?' Lumingon siya sakin at hinihintay ang sasabihin ko. Gusto kong sabihing mamimiss ko siya. 'Call me when you're in Davao' malapad na ngiti ang isinukli niya bago siya lumabas sa pinto. And i'll miss you.. Maya-maya lang ay nagvibrate ang phone ko sa table.

(Zach: i'll miss you Alli. Wait for me here..) hihimatayin na nga yata ako sa saya.. Oh God.

(Me: Bilisan mo lang..) nasa building pa kaya to? Mamaya pa to magrereply siguro..

(Zach: I will. i'm driving by the way,I'll call when I get there.) Hindi na ako nagreply dahil ayokong makastorbo sa pagda-drive niya, ginigul ko nalang ang sarili ko sa panonood ng movies.

(Ara: Shane and I are bored. Let's go shopping. We'll wait for you here) nagdalawang isip ako kung sasama ako sabi baka kasi magalit si Zach.

(Me: now na?)
(Ara: yes.)
(Me: ill be there in an hour) tumayo ako at nagbihis saka dinial ko ang cellphone ni Zach at nilagay sa speaker.

'Yes?' That was fast.

'I'm going out.. with Ara and Shane' katahimikan... Oh no.

'Alright. Just don't go to a bar.'

'Sure'

'Alli.. malalaman ko kung nagbar ka.' Seryoso ang pagkakasabi nito.

'How?' Natatawa kong tanong, how will he know?

'I have my ways of knowing your whereabouts Alli.' Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng sasakyan at ang pagsara nito.

'You're just scaring me'

'I'm not. I'll call you later. I have to go..' wala na siya sa kabilang linya kaya agad na akong lumabas ng condo. Naisara ko na ang pinto ng maalala kong hindi niya nga pala binigay sakin ang passcode ng unit.

(Me: Zach, i don't know your passcode) ibinalik ko sa bag ang cellphone at pumasok na sa elevator. Palabas na ako ng magvibrate ito.

(Zach: it's your birthday)

LOVE ME AGAINWhere stories live. Discover now