Chapter 35: Surprises

1.5K 23 28
                                    

Hindi matapos tapos ang kilig ko habang kinikwento kina Ara at Shane ang nangyaring proposal ni Zach sakin sa Batangas, yung dalawa naman akala mo binayaran sa pagiging supportive. Ilang beses din nilang kinunan ng picture ang daliri kong may engagement ring. I gained thousands of likes in my instagram account.. at dumami rin ang bashers ko. Mga palakang to! Halata namang patay na patay kay Zach, akala mo naman ang gaganda.

'Im sure retokada yan!' Tawang tawang saad ni Shane habang binabasa ang mga bashers ko. 'Naloloka ako sa mga bashers mo ha!'

Sinimangutan ko rin si Ara na walang ibang ginawa kundi atupagin din ang mga death threats ko. 'Grabe naman tong mga to!' Kaibigan ko ba talaga ang mga to? Tawang tawa pa sila sa mga death threats na natatanggap ko? 'Businessman lang tong si Zach ha paano nalang kung nag-artista na to.' Padabog kong kinuha pabalik ang cellphone ko at inirapan silang dalawa.

'Ang babait niyong mga kaibigan.. death threats tapos pinagtatawanan niyo lang ako' Kahit naman alam kung hindi totoo tong mga bash sakin ay apektado parin ako, nasasaktan parin ako sa mga lecheng to!

'Wag kang masyadong paapekto Alli.  These bitches are just insecure! Hindi lang nila matanggap na ikakasal na ang dream guy nila' saad ni Shane habang sinusubo ang pasta.

'Oo nga!' Pampalubag loob ng mga to, halatang halata.

Pagkatapos naming kumain ay nagpasalon na kami dahil mamayang gabi na ang birthday ng mommy ni Zach, sila mama at daddy ay nagpi-prepare na rin. Kaya heto kami at nagpapa-ayos ng buhok dahil pagod ang dalawa para ayusan ako, dito na rin idedeliver ang susuoutin naming gown. Hindi na ako nagpasundo kay Zach, alam kong abala siya dahil kaarawan ito ng mommy niya. Sa Le Manoir gaganapin ang party, sigurado akong maraming politicians, business tycoons and some actors and actresses ang aattend sa party. It's always been like that, kilalanh philanthropist ang lolo ni Zach at ang mommy niya naman bilang nakapangasawa ng isang Dela Silva ay otomatikong naging myembro ng mga alta sa syudad.

'So darating ang mommy mo?' Shane suddenly asked while having her hair fixed.

'I don't know, hindi naman siya nagconfirm.' Sagot ko habang namimili ng magandang nail polish na babagay sa silver kong gown.

'Kung pupunta siya, sana hindi siya mag-cause ng gulo ha..' Nakataas kilay na saad ni Shane. 'No offense Alli but we both know your mom, she's really against Zach.'

'Hindi naman siguro.. I mean, after all she's Alli's mom. Ipapahiya niya ba ang sarili niyang anak?' Pagtatanggol ni Ara kay mommy. 'Let's just be positive na hindi siya manggugulo'

'Pero mas okay kung hindi nalang siya pupunta' napatakip pa sa bibig ang taklesang Shane. 'I mean, come on.. Prevention is better than cure' she winked at me like she's not talking to my mom's daughter. Ngumuso lang ako kasabay ng pagbigay ko sa napili kong nail polish. 'By the way, is Inggrid going?'

'Hala.. magpapahuli ba naman yun? Kahit siguro ipagtabuyan na siya ng pamilya ni Zach kakapalan niya parin ang mukha niya..' si Ara.

'Let's just hope na maging civil kaming dalawa for the sake of Zach's mom.' Sagot ko.

'We hope so..' halos sabay na sambit ni Ara at Shane. Ilang saglit lang at hindi na kami nagkibuan dahil nakipag-usap na kami sa mga hair stylist namin, I'm wearing a backless gown kaya gusto kong naka-bun ang buhok ko, I want a classical look tonight. Tamanng tama lang ng matapos ang pag-aayos ay dumating na ang mga gowns namin, Ara and Shane are both wearing a sexy black gown. Ako lang ang magsisilver. Hindi na ako magpapasundo kay Zach kaya sasabay na ako kina Shane. Tumawag na si mama na sa Le Manoir na nila ako hihintayin. Tinulongan kami ng mga stylist na magbihis, umikot ako sa harap ng salamin just to make sure that everything's perfect. 'Such a classical beauty' bulalas ng manager ng salon na si Ynes.

'Thanks Ynes..'

Hindi rin naman kami nagtagal sa salon dahil maya-maya lang ay dumating na sila Ethan at Jerric, kay Shane at Ethan ako sumabay samantalang si Ara at Jerric ay nakasunod lang samin. Hindi ko alam kung bakit kabadong kabado ako habang hawak-hawak ang clucth ko. I felt so uncomfortable, siguro dahil ngayon lang ako ulit naka-attend ng party ng pamilya nila Zach.

'You looked so tensed.' Puna ni Shane kaya nilingon kami ni Ethan sa rearview mirror.

'Oo nga.. relax!' Tumatawang saad ni Ethan.

'I don't know! Pero kabadong kabado ako..' Yung heartbeat ko sobrang lakas lalo na ng dumatinv kami sa location at nakaabang ang maraming media sa labas ng enggrandeng restaurant.

'Smile girls ha?' Paalala ni Ethan bago siya bumaba, pinagbuksan naman kami ng staff ng hotel, agad kaming napansin ng mga photographers at idinerekta samin ang mga cameras nila pero bago paman ako nakangiti ay nahati ang nagkukumpulang photographers at nagbigay daan kay Zach, Jesus! Ilang beses ba akong mapapamura sa tuwing nakikita ko ang gwapo niyang mukha, he looked so dashing in his tuxedo. Nakangiti siyang naglalakad patungo samin at nakasunod sa kanya ang flashes ng mga camera.. he extended his arm for me and I involuntarily accepted it. Nakalimutan ko na ang mga camera na nakapaligid samin ng iginiya niya ang kamay ko sa braso niya.

'Gorgeous as ever Alliyah!' Para akong bumalik sa pagka-highschool sa sinabi niya. Any compliment from him can really make me tremble. Some photographers really has no shame, then
one photographer tried to grab me just to take a photo, pero naunahan siya ni Zach. 'What company are you working for?' His voice is filled with authority that no one dared to butt in.

'S-sorry-'

'Hijo..' Thank God.. lumabas ang mommy ni Zach na nahalata ata ang tensyon sa pagitan ni Zach at ng reporter kaya ito naman ang pinagkagulohan.. walang tigil na greetings and camera flashes ang sumalubong sa mommy ni Zach kaya lumapit na ang mga bodyguards. 'Alli..'

'Tita..' Ang mommy na ni Zach ang nakipag usap sa mga photographers kaya hinila ko na siya papasok sa loob ng restaurant. Ayokong mas lumala pa ang tensyon dahil abot hanggang langit ata ang pagiging seloso nitong si Zach.
'Relax Zach' saad ko sa kanya.

'Stay close and I will..' Ano na girl? Hihinga pa ba tayo?

Napakalakas ng palakpakan ng inannounce na ng emcee ang pangalan ng mommy ni Zach, kahit saang anggulo tingnan ay napakaganda niya parin. Parang hindi naman tumanda, siguro dahil puno ng pagmamahal ang puso ng mommy kaya kahit may edad na ay maganda parin. Luminga ako sa paligid at pawang mga bigating tao sa business world at politika ang dumalo, I saw my dad with a bunch of businessmen and mama with their wives. You can really tell that this is not just your ordinary grand party lalo na ng mapansin ng mga mata ko ang pagpasok ng mommy ko na nakasout na long black gown na at kasunod si Inggrid na halos hubo't hubad na sa sout nitong dark red na gown and someone's familiar is accompanying her.. her mom.
Nakadama agad ako ng tensyon lalo ng nakatoun agad ang atensyon ni Inggrid kay Zach at tila di alintana ang presensya ko.

'Zach..' Tila nabigla rin si Zach sa biglang paghalik ni Inggrid sa kanya sa pisngi kaya di ito agad nakareact.
'Si tita?' She's referring to Zach's mom.

'She's with lolo..'inginuso ni Zach ang kinatatayuan ng mommy ni Zach na nakikihalubilo sa mga kapwa nito asawa ng mga bilyonaryo, tanaw ko rin ang lolo ni Zach na nakangiting tumango ng mag-abot ang mga titig namin.

'Zach i'll just-' Pero bago paman ako nakapagpaalam na mag-ccr lang ay naaninag ko na ang pamilyar na mukha..

'So here's my favorite daughter..' Mommy.. huminga ako ng malalim bago ko siya sinalubong ng halik sa pisngi. 'With my not-so favorite future son in law' sabay irap kay Zach..

'Ooohhhh' i heard Inggrid's mom whispered to her.

'Tita..' Zach smiled bitterly as he raised the wine glass to welcome my mom's presence.

'This party is getting boring hija..' My God, wala talagang makakapigil kay mommy. Hinawakan ko nalang ang kamay ni Zach kahit ihing ihi na ako..

'Don't worry tita..' Nilingon ko si Inggrid na nakangising aso.. 'You'll surely get surprised before this party ends.. you'll see'

What the fuck?????

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 22, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOVE ME AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon