Chapter 33: Found her

878 8 0
                                    

Halos hindi ko maigalaw ang katawan ko at hindi ko maimulat ang mata ko pero ramdam ko ang pagkirot ng buo kong katawan at rinig ko rin ang ingay sa buong kwarto hanggang sa tuluyan na akong nakatulog ulit.

I woke up still feeling the pain in my body. I still cannot move freely without aching. I breathed heavily and they noticed my movement. 'She's awake!' That's Ara.

'Alli..' I opened my eyes and I saw them gathered around me. Zach's mom is there, my parents and mommy. Nasa harap ko rin sila Ara, Shane and Jerric. 'How are you?' I looked around but I don't see Zach. Dustin's here.

'W-where's Zach?' I asked.

'May pinuntahan lang siya..' Maagap na sagot ng mommy niya.

'See? Nahospital ka na pero nasan siya?' Humalukipkip si mommy sa harap ko at umirap.

'Are you feeling better now Alli?' Sinserong tanong ni Dustin. 'Dapat naman kasi hinayaan mo na akong ihatid ka' hindi ako agad nakasagot sa sinabi niya dahil sinusubukan ko pamg iprocess sa utak ko ang mga nangyari. 'Nagpumilit po kasi si Zach na sunduin siya, kung ako lang sanang naghatid sayo baka naagapan pa natin ang nangyari'

'Hindi ata tamang sisihin si Zach dude!' Sabat ni Jerric na tila nairita sa sinabi ni Dustin kaya naman natauhan ako sa pananahimik ko.

'Hindi naman sa sinisisi ko siya.' Asin ni Dustin. 'But Alliyah wouldn't be lying in this hospital bed if he didn't forced to fetch her.'

'Dustin!' Sabat ko pero naunahan ako ni mommy.

'See? Wala talagang magandang naidulot yang lalaking yan' Ako yata ang napahiya lalo na ng tumikhim ang mommy ni Zach.

'I'll just call Zach hija..'

Nakita kong gustong sumagot ni mama pero pinigilan lang siya ni Daddy na makipagsagutan dahil ayaw na rin siguro nito ng gulo at kahit gustong gusto ko ng ipagtanggol si Zach ay nanatili akong tahimik dahil alam kong may sakit sa puso si mommy. Si Dustin naman, ayoko siyang pag-isipan ng hindi maganda dahil puro kabaitan lang ang pinakita niya sakin at siguro ay concern lang din ang tao.

'From now on she'll stay with me' anunsyo ni mommy pero agad napatayo si mama.

'Mas makakabuti siguro kung sa mansyon na muna siya' Ayan na naman silang dalawa ni mommy, dinadagdagan pa ang tensyon.

'Wag mong kakalimutan na ako ang tunay na ina dito Clarissa! You're just her stepmom!'

'Mommy!' I butted in, I can't believe that they're still fighting over this matter.

'Totoo naman ah?' I'm you're mother kaya ako lang ang may karapatan-'

'Dalawang taon ka lang naman naging ina sa anak natin!' Parang kulog ang boses ni daddy kaya natahimik si mommy, maging si mama.

'No! She'll stay with me!' Sabay kaming lahat na napalingon sa kabubukas lang na pinto, iniluwa nito si Zach at ang mommy niya.

'I don't think that it's a good idea tita that Alli's gonna stay wi-'

'And I don't think you have a say on this Dustin.' Nagtagis ang bagang ni Dustin sa sagot ni Zach sa kanya, saglit lang siyang tinitigan nito bago ito lumapit sakin at hinawakan ang kamay ko. ''You're staying with me Alli. Kaya kitang alagaan.'

'Nadisgrasya nga siya dahil sayo tapos sasabihin mong kaya mo siyang alagaan?' Bumuntong hininga ako sa paulit-ulit na pambabastos ni mommy kay Zach.

LOVE ME AGAINWhere stories live. Discover now