Chapter 13: Akin ka!

999 9 0
                                    

Parang tumatahip ang dibdib ko sa sinabi ni Zach. Hindi ko tuloy maiayos ang paglalakad ko ng pababa na kami ng building, hawak hawak pa rin ni Zach ang kamay ko kahit sa loob ng elevator at may mumunting boltahe parin ng kuryente ang umaatake sa puso ko sa tuwing maglalapat ang mga balat naming dalawa.

'I hope you're not going out tonight.' He said while we're walking.

'I don't think so..' tipid kong sagot hanggang sa makarating kami sa kotse niya.

'Good' hindi na siya ulit nagsalita hanggang sa makarating kami sa condo ko, he just assisted me as I got out of his car. Hindi ko na siya hinintay na makaalis at agad na akong naglakad papasok sa building, I'm on my way to the lift when my phone vibrated.

'Hello?'

'Hiiiiii!!!!!' Muntik na akong matawa sa tili ng nasa kabilang linya.

'Ethan!' Paanong hindi ko makikilala ang boses niyang baklang bakla.

'Available ka ba tonight?' I entered my code and the door automatically opened.

'Why?' I removed my shoes and went directly to my fridge and took a bottle of mineral water. '

'Nagkita kasi kami nila Ara and Jerric. I invited them out tapos sasama din si Shaneia! Let's hang out naman and let's plan for a short vacay.'

'Well..'

'Pleaseeeeee' I can picture him out pleading like a child.

'Fine. I'll just rest ha? Dinner ba tayo magmi-meet?' Tanong ko.

'Yes.. maybe 9?'

'Alright. See yah!'

'See yah soul sistah' I laughed with the way he called  me soul sistah. Baklang bakla, hindi ko tuloy maimagine kung malalaman ng daddy nito na bakla siya.  Actually, siniset kami ng mommy nya at ng mommy ko into marriage at lagi naming nilulusutan dalawa pero aiguro kung hindi lang bakla tong si Ethan ay pinatulan ko na.. He's really a good catch..

Pasado alas 8 na ng magising ako kaya agad akong naligo at pumili lang ng isang lace romper para isout. Chineck ko ang cellphone ko at nakatatlong misscall na si Jerric kaya tinawagan ko na.

'Oh? Wag niyo na akong sunduin ni Ara. I'll use my car saka para isasabay ko nalang sila pag uwi namin. Okay, see you' Wala na sa kabilang linya si Jerric kaya nagmadali na akong lumabas.

They waved at me when I arrived in the restaurant. Pareho pang nakacorporate attire sila Ara, Jerric and Shane while Ethan is wearing a pink polo shirt and slimfit pants.

'Nagladlad ka na ba?' Natatawang biro ko ng makaupo na ako sa tabi nito.

'Remember? Wala si daddy kaya free-free' nagkatawanan tuloy kaming lahat dahil sa tinuran nito, wala kaming ibang ginawa kundi magtawanan hanggang sa dumating na ang orders namin.

'Pero ha, gwapo talaga si papa Fiancée' muntik na tuloy akong nabilaukan dahil sa sinabi nito.

'Oh.. tubig bes' natatawang agap ni Shane sakin.

'And super hot' ani Ethan na tila kinikilig.

'Hindi bagay sayo ang kiligin.'

LOVE ME AGAINWhere stories live. Discover now