Chapter 29: Esquibelle's possession

838 7 0
                                    

Nauna akong dumating sa Le Manoir na restaurant, hinihintay ko ang business partner ni mommy sa restaurant na sinasabi niya pero mag-ti-20 minutes na pero wala pa siya, I checked my wristwatch again.. napabuntong-hininga ako at tatayo na sana para tawagan si Zach at magpasundo kaya lang may dumating sa harap ko.

'I'm so sorry I got stuck on t-' napatunganga ako sa kanya, him again.
'I know you' Of course you do. 'Alliyah right?' What's his name again? Oh come on Alli.

'A-and you are-'

'I am that forgetable pala' he chuckled kaya naman pinamulahan ako sa sinabi niya. 'Dustin, Dustin Monflacor.' Oh yes, Dustin.

'I'm sorry. Hindi talaga matalas ang memory ko.' I shyly smiled at him. 'And you are a chef?'

'And you're-'

'Yes, i am her daughter.' Pinaupo niya ako ulit at hindi ko na ata mabilang kung ilang pras siyang nagsorry sa pagiging late niya.

'Naninibago pa kasi ako sa traffic dito' He murmured.

'Hindi ka pala talaga dito naka-stay?' I asked

'No, I have my own restaurant in Singapore..' Nagkakilala daw sila ni mommy sa isang wine conference sa Singapore, may sariling winery ang stepdad ko.

'Well we are planning for a restaurant that both caters Asian and European cuisine.' Panimula niya.. 'At plano naming kunin kang interior designer ng restaurant.' Hindi to sinabi ni mommy sakin. 'Hindi ka niya ininform?' I smiled awkwardly at him, medyo kasi uncomfortable ako sa mga titig niya, gwapo naman siya, matangkad at maganda rin ang pangangatawan. Medyo tanned ang kulay ng kutis niya.

'Well, akala ko kasi makikipagmeeting lang ako about the business alone' If matutuloy nga to ay eto ang magiging unang pagkakataon na magagamit ko ang natapos kong kurso. 'I-I'm not sure. Hindi ko pa kasi nata-try. I don't want to disappoint you and mom'

'Your mom is confident that you wont disappoint us' Nabigla ako ng hinawakan niya ang kamay ko sa ibabaw ng mesa at marahang kinapa, sa pagkagulat ko ay agad kong binawi ito at tumikhim pero bago paman ako makasagot ay nakita kong naglalakad si Zach palapit sa table namin at madilim ang gwapong mukha, balewalang humila ito ng upuan sa kabilang mesa at nilipat sa table namin, umupo siya ng hindi nagpapaalam at kinuha ang kamay ko at pinagsiklop ito. Napaawang ang labi ko sa biglaan niyang pagsulpot at ganun din si Dustin.

'You can talk to her without touching her' his jaw clenched as he loosened his tie. Napalunok ako dahil tila nag-aapoy ang mata niyang nakatitig sa kausap ko.

'Z-Zach..' pinisil niya ang kamay ko. 'P-paano mo nalaman na-'

'I just can't let you talk to strangers baby..' Ngumisi siya sakin pero bumalik sa pagiging seryoso ang mukha niya ng ibinaling ang atensyon kay Dustin.

'We're having a meeting here Mr. Dela Silva.' Umigting rin ang panga ni Dustin at halatang di nagustohan ang presensya ni Zach. 'Hindi ba nasabi sayo ni Alli yan?'

'First name basis huh..' it wasn't a question, he's being sarcastic. May pagka-stalker din tong si Zach.

'Nakiusap kasi sakin si mommy, nasabi ko naman sayo to diba?' Sinusubukan kong pakalmahin si Zach dahil baka bigla nalang makipagsuntukan to dito.

'I didn't know you're meeting this guy Miss Esquibelle.' May diin ang Miss Esquibelle, wala rin naman akong alam na siya ang imemeet ko no.

'Hindi niya rin naman alam' Sagot ni Dustin at pinilit na ngumiti sakin, nakonsensya naman ako kaya nahihiya akong ngumiti sa kanya. 'Let's just reschedule this meeting Alli.' Tumayo na siya at inayos ang coat kaya tumayo na rin ako.

LOVE ME AGAINWhere stories live. Discover now