Chapter 16: Future wife

1K 12 0
                                    

'Ayyy' napabalikwas ako ng bangon dahil sa hiyaw ni Ara kaya agad akong lumabas at muntik pa kaming magkabunggoan ni Shane dahil nagmadali din siyang lumabas.

'What happened?' Balisang tanong ni Shane

'Ay shit' napamura ako ng hindi ko nasabi sa kanila na dito ko pinatulog si Zach dahil lasing na to para magmaneho.

Parang namatayan kami habang nag-aalmusal, tahimik kaming kumakain kasama si Zach na wala ring imik dahil siguro naaasiwa din siya na magkasama kaming apat sa mesa.
'So.. bigla kang nawala sa restaurant tapos magigising nalang kaming nasa sofa natutulog si Zach?' May himig panunuksong tanong ni Ara.

'At isasama mo pa kami sa photoshoot niyong dalawa para sa isang magazine? Hmmm'

'Mali ang iniisip niyo. We actually had a fight'

'Kaya dun siya natulog?'

Binalewala ko nalang ang sinabi nila hanggang sa makarating kami sa sa isang garden restaurant na malapit lang din sa BGC.

'Pinaexclusive ang buong restaurant?' Namamanghang tanong ni Shane.

'Enggrande' ani Ara.

Abala ang mga tao ng dumating kami, ang iba inaayos ang set ang iba naman ay may tinitignan sa laptop tapos siguro limang photographers ang nandoon.

'Miss Esquibelle?' Sinalubong ako ni Trina kaya pinakilala ko sila Ara at Shane sa kanya at napansin ko rin ang ibang staff na nagbubulongan at ang ibang photographers ay nakatoun ang lenses sakin. Bago paman makakuha ng pictures ang mga photographers ay iginiya na kami ni Trina sa isang VIP room at nagulat pa ako ng abutan si Zach na nakaharap kay Inggrid at ang bruhita naman ay inaayos ang necktie ni Zach. Tumikhim si Trina kaya nilingon kami ni Zach medyo naasiwa naman ako sa titig ni Inggrid sakin bago nito binigyan ng daan si Zach.

'Pabibo masyado ang  Inggrid na to ha' bulong ni Ara.

'Hi' bati ni Zach sa kanila bago bumaling sakin. 'Alli..' tumango lang ako dahil hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong selos sa dinatnan namin

'Miss Esquibelle? Magmi-make up na daw po'

Bahagyang kinulog lang ang short hair ko at simpleng make up lang, they gave me a fuchsia colored backless dress na may slit kaya konting galaw lang ay marereveal ang mahaba kong legs.

'Isn't she pretty Inggrid?' Narinig kong pang-iinis ni Shane kay Inggrid na inirapan lang siya.

'We will have a short interview after the photoshoot.' Bulong ni Zach sakin ng lumapit siya para alalayan ako.

'Hindi mo sinabi'

'You didn't asked' hinawakan niya ang kamay ko pero agad kong binawi.

'This is an announcement for our wedding, care to be a little sweet?' I rolled my eyes on him pero bago paman ako makasagot ay kinuha nya na ang kamay ko. 'Smile. Make our love realistic'

Paglabas palang namin sa VIP room ay kanya-kanyang kuha na ang mga photographers ng pictures kaya smile lang ako ng smile, I was born faking a smile for a photographer. I'm an Esquibelle at walang malalaking party akong hindi nadaluhan dahil sa powerful kong magulang.

'Okay, we'll start the shoot' sigaw ng tila main photographer. 'We'll begin lovers.. okay give me a happily engaged couple now' napalunok ako ng inurong ako ni Zach sa tabi niya ay nilagay ang kamay sa beywang ko. Kanya-kanyang kuha ang mga photograpers, ang iba nagvi-video rin.

LOVE ME AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon