Chapter 26: Heart attack

890 8 0
                                    

Dapat sana ay pag-uusapan pa namin ni Zach ang sinasabi niyang ginawa ni mommy noon pero hindi natuloy dahil may tumawag sakin, nasa hospital daw si mommy dahil inatake sa puso. I didn't know na may sakit siya sa puso.

'Okay na po ba kayo?' I asked habang nakahiga siya kama, nasa bahay kami na nirentahan ni mommy sa isang subdivsion. Hinatid lang ako ni Zach dahil babalik muna siya sa kompanya niya, marami pa kasi siyang gagawin.

'I'm obviously not. Kung hindi ka kasi nagpa-iwan kagabi hindi sana ako aatakehin.' Singhal nito sakin.

'Sorry na po.'

Inirapan niya muna ako bago nagsalita. 'See? Inuna mo na naman ang lalaking yun kaya hindi nahihiyang lokohin ka kasi madali kang mauto' bumuntong hininga lang ako sa sinabi niya.

'Mom hindi niya ako niloko.' Natigilan si mommy at tinitigan ako. 'Sabi niya may gusto lang manira samin noon' This time I stared at her, at siya ang nag-iwas ng tingin. 'May kinalaman ho ba kayo?' Diretsang tanong ko.

'Yan bang sinabi niya?' Nakipagtitigan ako kay mommy. 'At naniwala ka naman na may kinalaman ako? My God Alli. Don't be such a fool. Lalaki siya naghahanap lang siya ng lusot. Sino bang lalaki ang aamin sa kasalana nila?' I breathed deeply before I turned to face her again

'Mom.. wala po siyang sinabi sakin' My mom's lying.. I can see it. 'Wala pa.. magpahinga na po kayo mommy baka mapasama pa sayo ang mastress'

'Alam mo pala pero ginagalit mo ako!' Gusto ko siyang sagutin pero ayokong atakehin siya ulit, I'll keep my mouth shut until magkausap kami ulit ni Zach. 'Get your things, dito kana muna sakin hanggang hindi pa tayo bumabalik sa France' Hindi ako makapaniwalang sinasabi niya to sakin ngayon, he's trying to manipulate me again.

'Mom.. I can't stay here. Masyado tong malayo sa Taguig and you know I'm busy with my upcoming wedding.' Come on mommy, wag ngayon.

'Mas uunahin mo pa ang kasal mo kesa sa kalagayan ko? Is that what he told you?' Asik nito sakin.

'Mommy stop blaming him. Hindi niya sinabi yan'

Nastress ako sa alitan namin ni mommy kaya nakipagkita muna ako kay mama, sobrang naging busy kasi ako kaya di ko na rin siya nakakausap.

'Yang mommy mo Alli ha? Baka manggulo na naman yan sa inyo ni Zach' Paunang saad ni mama.

'Ma, may sinabi sakin si Zach.' Seryoso akong hinarap ni mama bago niya dinala sa bibig ang kape, nasa isang sikat ma coffee shop kami malapit lang sa subdivision.

'What did he said?'

'He told me that he never cheated on me and that mommy got something to do with what happened..' Medyo tumaas ang kilay ni Mama at nilapag ang tasa, sumandal siya sa upuan at humalukipkip.

'Bakit niya sinabi yan? Alli hindi naman sa pinagdududahan ko si Zach but hindi kaya nilulusutan niya lang ang nangyari noon?'

'No ma, Ive known Zach and we used to date for almost a year and he never lied to me. He's known for being the campus crush but I never ever caught him with other girls. He always had an eye for me, I can't explain pero feeling ko mali ang ginawa ko kay Zach. Feeling ko may hindi sinasabi si mommy sakin.' Huminga ako ng malalim at tumitig sa labas ng coffee shop. 'I'm scared ma, paano kung mali ako? Paano kung ako pala ang sumira ng relasyon namin?'

'Alli..' hinawakan ni Mama ang kamay ko at marahang pinisil. 'Zach loves you.. hanggang ngayon kaya kung ano man ang nangyari noon at kung may alam man si Zach sigurado akong hindi ka niya sinisisi.'

'Baka hindi ko mapatawad ang sarili ko ma, if I'm right then it only means one thing, I've hurt the only man I've loved.. nagself destruct siya ma nung iniwan ko siya tapos..' nangilid ang mga luha ko pero bago paman tumayo si mama paa lapitan ako ay may humawak sa balikat ko kaya napatingala ako. 'Z-Zach'

'Mrs Esquibelle..' He greeted mama first before he turned to me. 'Alli..' umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko na nakalagay sa binti ko.

'Good thing that you're here Zach. Aalis na ako.'

'We'll have dinner po, bat di na kayo sumabay samin?' Anyaya niya kay mama.

'Thanks but I have to join my husband for dinner Zach' mama smiled at him. 'I wont keep you for long. Mauna na ako'

Nagpaalam na si mama kaya ako naman ang hinarap ni Zach. Hindi ko maiwasang mainis sa mga babaeng obvious na tumititig sa kanya, nagpakawala ako ng malalim na hininga at hindi iyon nakaligtas kay Zach. 'Hey?' I turned to face him, ewan ko ba bakit naiinis ako. Dapat naman na akong masanay na kahit saan ako magpunta ay may kahati ang mata ko sa kagwapohan ni Zach. He's like a greek God and I can't blame these women for swooning over him.

'Zach.. what happened before?' I asked, he stared at me but his reaction is unreadable. He sighed before he snake his arm in my waist.

'Let's have dinner first..'

'Zach..' akmang pipigilan ko siya pero nanigas ako nang isinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko, binalewala ang nanghihinayang na mukha ng mga babaeng nandito. Ang iba umiiling pa, ang isa para pang nakuryente sa panghihinayang.

'Let's date without worries sweetheart. Just for tonight then I promise you we'll talk tomorrow alright?' I can see that he's also stress. May hinahawakan siyang kompanya tapos pinoproblema niya pa ako.

'How can I say no to you?' I gave him my sweetest smile.

'There you go.. smile for me always Alliyah!' Tumango lang ako dahil hindi ko na ata maramdaman ang sarili ko dahil mas nakakatuliro ang mainit niyang hininga sa leeg ko. God Zach kung alam mo lang kung anong klaseng sensasyon ang pinaparamdam mo sakin. 'Let's go.' Tinanggap ko ang kamay niya.

'God, ang swerte naman ng babaeng yan pero mas maganda pa nama ako' bulong ng babaeng nadaanan namin. Grabe, san siya kumuha ng kumpyansang sabihin na mas maganda pa siya sakin? Hambalusin ko tong haliparut na to eh.

Pati ang babaeng nagserve samin sa restaurant kulang nalang lumuhod na sa harapan ni Zach at sambahin siya. Nakakastress tong mga malalanding to.

'You're not eating Alli' seryosong nakatitig si Zach sakin.

'You're getting too much attention Zach!' Diretsang sabi ko.

'But you've got all my attention sweetheart, now please eat. You'll need energy for tonight'His devilish smile brought shivers to my nerves, nakakawala ng ulirat.

'Zach' hindi ko sinasadyang maging malambing ang boses ko sa pagsaway sa kanya kaya bahagya siyang natawa. 'Stop laughing at me Mr. Dela Silva.' Pinamulahan kong saad.

'Let's just eat okay?'

Natapos kaming kumain pero hindi natapos ang bulongan ng mga babaeng nakapaligid samin. Akala ko si Inggrid lang ang poproblemahin ko.

'We'll start the preparation for our wedding next week' saad niya habang nagmamaneho.

'T-talaga?' I'm excited. Ikakasal ako kay Zach, sa dream guy ko at sa dream wedding ko.

'Yes sweetheart. I'll take my leave in the office. I'll assign someone to stand as an acting president while I'm busy with our wedding..' diretsang sagot niya sakin, ang swerte ko kay Zach.

'You don't have to. Pwede naman kasing ako nalang Zach'

Huminto siya sa red light at lumingon sakin. 'It's our wedding Alli, we'll do everything together'

'Pero paano kung magkaproblema sa kompanya, baka mas may importante pang-'

Pinutol niya ang sinabi ko sa pamamagitan ng paghawak sa kamay ko. 'Sa tingin mo may iba pang mas importante kesa sayo Alli?'
Napalunok ako sa klase ng titig njya sakin.

'Z-Zach..'

'I'll leave everything behind if it means having you Alliyah.' He stared at me, his gaze is like staring directly to my soul. 'Loving you is what matters most, Susugal ako para sayo kahit walang kasiguruan, kahit ako pa ang masaktan.'

LOVE ME AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon