Part 1: Who is He?

1K 10 0
                                    

Part 1 (Who is He?)

Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock na nasa bed side table ko. Shit. Hindi naman ako nagpa-alarm kagabi. Shit talaga. Si Kuya nanaman siguro ang may gawa nito.

Padabog kong pinatay ang alarm at sinapo ang noo. Gosh. Ang sakit ng ulo ko. Hang over sucks. Fudge.

Narinig ko ang mahinang pagbukas at pagsarado ng pinto. Inimulat ko ang kaliwang mata ko habang ang kabila ay nakapikit pa rin. Nakita ko si Kuya na may dala-dalang tray. Inilapag niya ang tray sa bed side table bago humalukipkip na tumingin sa akin.

"Good morning, sweetie. Breakfast in bed."

He sarcastically said. I groaned. Here we go again. Sesermunan nanaman ako nito.

"How sweet of you, Kuya. Breakfast in bed pa talaga."

Sabi ko sabay dahan-dahang umupo mula sa pagkakahiga at iniinda ang sakit ng ulo. Biglang naging seryoso ang kaniyang mukha.

"Pinagsabihan na kita, Ria. Huwag kang maglalasing! I gave your breakfast here in your bed because I don't want Mom and Dad to notice you being wasted."

I rolled my eyes.

"Thanks," Kibit balikat kong sabi at kinuha ang soup sa tray. Ng maamoy ko ito ay kumalam ang sikmura ko. Napabuntong hininga nalang si Kuya sa tabi ko.

"Finish that up. Kapag nahimasmasan ka na, pwede ka ng bumaba. And oh,"

Nilibot niya ang kaniyang paningin sa closet ko at nakita niyang nandoon pa lahat ng mga gamit ko. Binalingan niya ako ng seryosong tingin.

"Hindi ka pa nag-iimpake? Pack your things now, Ria. Aalis tayo pagkatapos mag-lunch. Don't be stubborn."

Sabi niya sabay talikod sa akin at labas ng kwarto. Bumuntong hininga ako at binalingan ang soup na gawa ni Kuya. Na-guilty tuloy ako. Ngayon lang kasi ako nagpaka-lasing ng todo. Paano ba naman kasi, last day ko na ngayon sa Manila at walang club doon sa Bais. Gusto kong lunurin ang sarili sa pagc-clubbing because I know that when we get there, I'll be totally missing this feeling.

Inubos ko ang soup pagkatapos ay napag-desisyunan na na mag-impake. I packed my things and it took me two hours. Tinitigan ko ang dalawang malalaking maleta na dadalhin ko. Pinagpagan ko ang kamay ko at nakapamaywang.

"I'm done!"

Pinahid ko ang tumulong pawis sa noo ko at kinuha ang tuwalya sa may towel rack.

Natagalan ako sa pagligo. Well, this isn't new. I usually finish taking a bath twenty to thirty minutes. Lumabas ako sa kwarto ng naka-tapis lang sabay pahid ng buhok ko ng isa pang tuwalya.

Hmm. What should I wear? Pumili ako ng mga natitira ko pang damit sa closet. I chose the brown tiger printed sleeveless cropped top and a colored cream high and low skirt. Tinernuhan ko ito ng aking kulay cream na wedge.

I looked at the clock above my door and it's already eleven thirty. Nag-tungo ako sa table ko na may nakalagay na mga make up kit at kung anong kolorete sa mukha at buhok. May malaking salamin din sa table na makikita ang kabuuan ang mukha mo.

Narinig kong may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Saglit ko itong nilingon at binalingan ulit ng tingin ang salamin.

"That's not locked."

Sabi ko. Kaagad namang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Mommy na nakabihis na.

"Tapos ka na ba diyan, anak?"

"Almost, Mom."

Sabi ko sabay kuha ng pencil eyebrow ko.

"Ano'ng oras ka ba naka-uwi kagabi? Are you and your friends had fun last night? Saan kayo nag-punta?" Sunod-sunod na tanong ni Mama sa akin. Napakagat ako sa labi ko.

Unwavering (Montediragon Series #2)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin