Part 13: Saviour

391 6 0
                                    

Part 13 (Saviour)

Nakabalik naman sila kaagad pagkatapos ng ilang minuto. Naka-kunot pa rin ang noo ni Luis. May pinag-uusapan si Tristan at Dexter habang nagtatawanan pero mukhang hindi nakikinig si Luis sa kanila.

"Thank you," sabi ko ng nilapag ni Luis ang order ko sa lamesa.

He just stared at me and then went to his seat. I rolled my eyes. Ewan ko sa 'yo.

"Ria?"

Napalingon ako sa may pintuan ng kainan at nakita sina Rhea, Jaxon at Tyler doon. I smiled to her at kumaway.

"Rhea!" Masigla kong bati.

Lumapit sila sa amin. Nakita ko si Jaxon na nakipag-high five kay Luis.

"You guys want to join us? Kumakain kami ng lunch." Sabi ko.

"Can we?" Tanong ni Rhea.

Tumango kami ni Theresse. "Ofcourse."

Pagkatapos mag-order ay umupo si Rhea sa gitna namin ni Theresse. Nandoon kay Tyler ang kaniyang pagkain kaya kinakailangan pang ilapag ito ni Tyler sa harapan ni Rhea.

"Thank you," nakangiting sabi ni Rhea.

Napalingon ako kay Luis. Naka-kunot ang kaniyang noo habang nakatingin sa kanila ni Tyler at Rhea. Suddenly, it felt awkward.

Umupo naman kaagad si Tyler sa tabi ni Dexter habang si Jaxon naman ay nasa tabi ni Luis umupo.

Nag-uusap sila pero hindi ako nakikinig. Bigla nalang akong nawalan ng gana dahil sa nakita kanina. Ewan ko kung bakit. I shouldn't feel this way, right? We hate each other. And I should stick with that thought. Naiinis ako sa kaniya at siya sa akin. No freakin' way that I would like him.

"Wala kang gana kumain?"

Napabalik ako sa kasalukuyan ng biglang nagsalita si Rhea sa tabi ko. I didn't know that I was spacing out.

Napatingin ako sa pagkain ko. Kanina ko pa iniikot ang pasta pero hindi ko kinakain. What's wrong with me? Napalingon ako sa kanilang lahat at nakatingin na pala sila sa akin. I awkwardly smiled at them.

"Excuse me."

Nagtungo ako sa comfort room sa loob ng kainan. Bumuntong hininga ako at sumandal sa pintuan ng cr pagka-sirado ko nito. Hindi ko na alam kung ano ang nararamdaman ko.

Napa-tingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito. It's from an unknown number. Kumunot ang noo ko. Who's this?

Sinagot ako ang tawag pagkatapos titigan ang screen ng cellphone.

"Hello?"

Hindi sumagot ang nasa kabilang linya. Mas lalong kumunot ang noo ko. Is this some kind of prank?

"Hello?"

Sabi ko ulit gamit ang mataas kong boses. I'm getting pissed.

"Is this Katie?" Tanong ng isang baritonong boses mula sa kabilang linya.

Katie? I think he got a wrong number.

"I'm not Katie. It must be a wrong number. I'm sorry."

I was about to end the call when he stopped me.

"Wait!"

Naiinis na ako sa lalaking 'to. Wala akong panahon para dito. And I don't talk to stranger.

"Look, I'm not Katie okay? So, stop pestering me." Naiinis kong sabi.

"I knew it."

Napatigil ako sa pagbaba ng tawag. Wait, what? His voice look familiar. He chuckled.

Unwavering (Montediragon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon