Part 21: Birthday

396 8 0
                                    

Part 21 (Birthday)

Days passed and Luis kept on showing me sweet gestures at hindi ako sanay. Seriously, ngayon pa lang ako nagkaroon ng seryoso na ligawan. Hindi ko naman alam kung ano ang ire-react dahil sanay akong makipag-laro.

Today is August 11 and it's my birthday. Walang pasok kasi sabado. Puspusan ang mga kasambahay namin sa paghahanda para sa birthday party ko mamayang gabi. Seriously, ayos lang naman sa 'kin ang walang party e. Hindi na naman ako bata. I'm already 17. Ugh. Ayos lang sa akin ang simpleng family gathering. Pero mukhang si Mommy, gusto niya talaga ng party.

"Ria! Where are you?!"

Rinig ko ang boses ni Theresse mula dito sa hallway sa taas. Ang ingay talaga ng babaeng 'to. Parang nakalunok ng microphone e.

Naglakad ako papunta sa stairway at nakita sina Theresse, Tristan, Dexter, Jeshua, Rhea, Addy, Jaxon na naka-upo sa sofa at isang lalaking naka-dungaw sa akin sa dulo ng hagdan.

Luis.

I smiled at the man at the end of the staircase. He smiled back. With a bunch of flowers in his hand, I slowly stepped on each of the stairs towards the last stair.

Ng maapakan ko na ang pinaka-huling hagdan ay kaagad na lumapit si Luis sa akin.

"Happy birthday." Bulong niya sabay bigay sa akin ng bulaklak.

"Thank you." Naka-ngiti kong sabi.

He kissed my cheek and offered me his hand. Tinanggap ko ito at sabay kaming naglakad sa kinaroroonan ng iba pa naming mga kaibigan.

"Wow! At harap-harapan talaga?! Respeto naman sa mga single, oy!"

Natawa ako sa sinabi ni Dexter. Pati sina Theresse at Rhea ay napatawa.

"Sagutin mo na kasi si Shammah!" Banat naman ni Jeshua.

"Pakyu." Tugon ni Dexter.

Kahapon ko lang din nalaman na may gusto pala si Shammah kay Dexter. At ito namang si Dexter, panay taboy kay Shammah. Kaya ang eksena tuloy, parang si Shammah ang nanliligaw.

"Happy birthday, Ria!"

Isa-isang bati nila sa akin. Nakipag-beso beso sina Theresse at Rhea sa akin at niyakap naman ako ng mga lalaki.

"Thank you." Sabi ko sa kanila.

"Mamayang gabi na ang gift, ah?" Sabi ni Tristan.

"Sige ba." Sabi ko at tumawa.

"Oh? Nandito pala kayo."

Napalingon kami sa bandang kusina at nakita si Mommy na naka-apron at may dalang tray ng pagkain. Lumapit ako sa kaniya at tinulungan siya sa pagdala.

"Maaga kaming nag-punta para bumati kay Ria ng personal, Tita." Sabi ni Rhea.

Nilapag ko ang tray sa glass table. Lumapit si Luis kay Mommy at nag-mano.

"Oh? Luis, hijo. Nandito ka rin pala." Ngumiti si Mommy sa kaniya.

"I just wanted to see Ria."

Napalingon kami kay Dexter ng bigla itong mabilaukan.

"Dexter, ano ba naman 'yan! Ang takaw mo talaga!" Suway ni Theresse sa kaniya sabay abot ng tubig.

Ngumiti si Mommy kay Luis.

"Hijo, can I talk to you for awhile?"

Napalingon ako kay Mommy. Ano'ng pag-uusapan nila? Napalingon si Luis sa akin at lingon ulit kay Mommy.

Unwavering (Montediragon Series #2)Where stories live. Discover now