Part 4: Boyfriend

624 7 0
                                    

Part 4 (Boyfriend)

Padabog akong nag-tungo pabalik sa nilatag kong kumot sa damuhan. Umupo ako doon at pinag-diskitahan ang mga pagkain sa loob ng basket na dala ko. Bwisit! Nakakainis 'yung lalaking 'yun. Sino ba siya para ganunin ako? Duh.

"Oh? Bakit naka-simangot ka diyan?"

Hindi ko namalayan na nakalapit na pala si Rhea sa akin. Suot niya ang isang kulay pink off shoulder floral dress na abot hanggang tuhod. Conservative naman niya masyado.

"Bakit nandito ka?" Sa halip ay tanong ko sa kaniya.

Umupo naman siya sa tabi ko at kumuha ng apple mula sa basket. Nagkibit-balikat siya.

"Palagi akong nagpupunta dito tuwing umaga at tuwing walang pasok. Ikaw? Bakit nandito ka?"

Kumagat na rin ako sa tuna sandwich na hinanda ko kanina. I know how to cook. Sinasamahan ko kasi palagi si Mommy sa tuwing nag-luluto siya sa kusina.

"I just discovered this place. Atsaka, kita mula sa balcony ng kwarto ko itong lugar na ito. Nagustuhan ko kaya pumunta ako."

Tumango naman siya sa sinabi ko.

"Maganda talaga dito sa lugar na ito. Bukod sa nakaka-relax at mahangin ay malaya kang nakaka-kuha ng mangga." Humagikgik siya sa sinabi niya. "Favorite ko ang hilaw na mangga samahan pa ng sawsawan na toyo at suka."

Is this what province life is? Hindi ko pa natitikman ang ganoon na pagkain sa buong buhay ko. Masarap kaya?

"Gusto mong i-try?"

Nagulat ako sa sinabi ni Rhea. Is she serious? Pero, wala naman kaming toyo at suka dito. Atsaka, ang taas ng puno at baka malaglag siya kung sakaling akyatin man niya ito. She's also wearing a dress kaya hindi pwede. Mabilis akong umiling.

"Huwag na. Next time nalang siguro," kinuha ko ang tupperware sa loob ng basket na naglalaman ng ulam at kanin at nilapag sa kumot. "Try this one. Masarap 'to. Ako ang nagluto." Sabi ko sabay kindat sa kaniya. Tumawa naman siya.

"Fine, fine. Samahan mo ako sa pag-kain."

Sumang-ayon ako at kinain na rin ang dala kong ulam at kanin. Habang kumakain kami ay panay rin ang kwentuhan at tawanan namin. Buti nalang at dumating si Rhea. Kung hindi, hanggang ngayon ay marahil naiinis pa ako.

"You're only sixteen right? And yet masarap ka mag-luto." Sabi ni Rhea habang nginunguya ang pagkain. Mahina akong tumawa.

"Natuto akong mag-luto dahil kay Mommy. She always do the cooking. Being the girl in the family, syempre, tinutulungan ko siya."

"Tita Leticia is really a good cook!"

Inubos namin lahat ng pagkaing dala ko. Pagkatapos naming kumain ay nag-desisyon kami na mag-picture taking. Good thing ay dala ko ang aking DSLR kaya mas ginanahan si Rhea sa pagpi-picture.

Pauwi na kami ngayon sa bahay. Siya ang may dala sa kumot na dinala ko habang ako naman sa basket. Panay din ang lingon niya sa paligid. Tila may hinihintay. Sino naman kaya?

"Do you have boyfriend?" Hindi ko maiwasang mag-tanong. Baka boyfriend niya ang kaniyang hinahanap.

Napatingin siya sa akin at nagulat sa tanong ko. She stared at me for a minute. Ako na ang unang bumitiw sa titig namin dahil bigla akong na-conscious.

Pagkatapos ng ilang minutong titig niya sa akin ay tsaka siya humagalpak ng tawa. Kumunot ang noo ko. May topak ba itong pinsan ko na 'to?

Nag-punas pa siya ng kaonting luha sa mata niya dahil sa kakatawa bago tumigil at nilingon ako.

Unwavering (Montediragon Series #2)Where stories live. Discover now