Part 18: Confess

424 2 0
                                    

Part 18 (Confess)

Hindi ako makatulog kakaisip sa nangyari sa amin ni Luis kanina. Parang napukaw ang natutulog kong emosyon. Nahimasmasan na rin ako sa nainom kong alak dahil sa nangyari. I bit my lower lip. Bakit ako nagpadala? Bakit ko siya hinayaan?

Naiinis rin ako kay Luis! Paano niya nagawa 'yun ng hindi man lang nagpaliwanag? He just left me hanging thinking about what the hell did just happened!? Napamura ako ng marahan at madiin akong pumikit.

Lumipas ang mga araw at pilit kong iniiwasan si Luis. Napansin naman niya 'yun dahil ilang beses na rin siyang nagtangkang makipag-usap sa 'kin pero nagdadahilan naman ako kaagad na may gagawin.

Papauwi na ako ngayon at nagliligpit na ako ng gamit ko papasok sa bag.

"Ria, una na kami ah?" Paalam sa akin ni Theresse.

Tinanguan ko lang siya at sabay sila ni Tristan, Dexter at Jeshua sa paglabas ng classroom.

Aalis na sana ako ng tawagin ako ni Luis dahilan para mapatalon ako sa gulat.

"Ria."

Shit! Akala ko nakalabas na siya. Dahan dahan naman akong lumingon sa kaniya at ginawaran siya ng pilit na ngiti.

"B-bakit? Nandiyan na kasi ang driver ko atsaka nagmamadali ako kasi-"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil kaagad siyang nagsalita.

"Can I talk to you for awhile?"

Sabi niya. Nakita ko sa kaniyang mga mata ang pagsusumamo at kagustuhang maka-usap ako. Hindi ko mapigilang maawa sa kaniya. Ano kaya ang pag-uusapan namin? Tungkol nanaman ba ito sa nangyari sa party sa hacienda Montediragon? Kung maaari ay ayoko na munang pag-usapan iyon. Alam ko naman na balewala lang 'yun sa kaniya dahil hindi naman niya talaga ako gusto. Kumbaga, nagulat lang din siya na nagawa niya 'yun. Ayoko na munang masaktan sa bibitawan niyang salita kung sakali.

Handa na sana akong tumanggi pero nagsalita siya ulit.

"Please..."

This time, bumigay na ako.

"Fine." Sabi ko at napapikit nalamang.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Naistatwa ako sa tinatayuan ko dahil sa biglaan niyang paglapit. Hindi ko alam kung paano mag-react.

"I'm sorry about what happened noong party. I really didn't mean it, hindi ko alam kung bakit ko 'yun nagawa-"

"It's okay." Pagpuputol ko sa kaniyang paliwanag.

Ayoko ng makarinig pa. Ayoko ng marinig ang mga salitang makakapag-durog ng aking puso. I know that this day would come. Hindi ko naman pwedeng ipagpaliban ang araw na 'to. I know that he would apologize and tell me na si Rhea naman talaga ang gusto niya.

"But-"

Pinutol ko ulit ang sasabihin niya sana.

"Alam ko naman na hindi mo 'yun sinasadya at walang ibang kahulugan 'yun. Alam ko naman na si Rhea talaga ang gusto mo kaya 'wag kang mag-alala, wala lang din sa akin 'yun."

Sabi ko sabay ngiti. Nabigla siya sa sinabi ko at hindi agad nakapag-salita. I took that as an opportunity to turn my back on him. Nakaka-dalawang hakbang palang ako ng mapatigil ako sa kaniyang sinabi.

"I like you."

Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko dahil sa narinig. What did he say? G-gusto niya ako? Napatulala nalang ako sa kaniyang sinabi.

Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin ngayon. Naramdaman ko ang kaniyang presensiya sa likod ko. My body stiffened. My mind is travelling with so many thoughts. Totoo kaya ang kaniyang sinabi? Or is he only trying to console me with a lie?

Unwavering (Montediragon Series #2)Where stories live. Discover now