Part 24: Christmas Eve

347 5 0
                                    

Part 24 (Christmas Eve)

Inalalayan ako ni Kuya Niel papasok sa kwarto ko. Walang awat pa rin ang pagdurugo ng kamay ko.

"Bakit mo pa kasi pinulot?" Tanong ni Kuya Niel.

"Favorite vase 'yun ni Mommy."

Umiling si Kuya Niel sa naging rason ko. Hindi ko din alam kung bakit ko iyon pinulot agad. Nataranta lang talaga ako.

Pagkarating sa kama ay inalalayan ako ni Kuya sa pag-upo.

"Stay there. Kukuha lang ako ng first aid."

Tumango ako sa sinabi ni Kuya.

Pagkatapos akong gamutin ni Kuya ay nakatulog ako dala na rin ng pagod. Pagka-gising ko ay saktong alas kwatro na ng hapon. Umalis ako mula sa pagkakahiga sa aking kama at dumiretso sa banyo. Gusto kong mag-ayos ng maaga para mamaya. May dinner daw kami ng mga kapatid ni Mommy dito sa bahay mamayang seven ng gabi kaya kailangan ko ng mag-ayos.

Pagkatapos maligo ay nagbihis na ako. Pinili ko ang aking kulay royal blue na high waist chiffon skirt with side split na abot hanggang paa ko habang ang slit sa gilid ay hanggang hita ko. Tinernuhan ko ito ng isang kulay royal blue din na bustier top. I paired them with my black pumps. Pagkatapos magbihis ay naglagay ako ng kaonting make-up at inayos ko na rin ang buhok ko.

While I was doing these things, my phone rang with a call. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag at nakitang si Luis iyon. I answered it immediately.

"Hello?"

"Are you alright?"

Kumunot ang noo ko sa naging pambungad niya.

"Yes, I'm okay. Why are you so concerned?"

I heard him mutter a soft curse. Ilang minuto rin siyang hindi nagsalita. Tanging paghinga lang niya ang narinig ko.

"I-I thought you're hurt. Sinabi kasi ni Niel sa akin na nasugatan ka daw kanina." Puno ng pag-aaala niyang sabi.

Natigilan ako sa kaniyang sinabi. Di kalaunan ay napa-ngiti ako. Si Kuya talaga. Sinabi pa nya kay Luis. Ano nanaman kayang ka-OA-han ang sinabi niya sa mokong na 'to?

"Ano ka ba. Maliit na sugat lang 'to. You don't need to worry."

"But your brother said it's severe."

"Naniwala ka naman?" Natatawa kong sabi.

"I was just worried, okay." Halatang frustrated sya sa tono ng kaniyang boses.

"Fine, fine." Sabi ko atsaka tumawa.

Nag-usap pa kami saglit bago ko binaba ang tawag. Bumalik ako sa ginagawa kong pag-ayos. Mga bandang alas siyete ay lumabas na ako sa kwarto. Hindi kasi ako kaagad lumabas sa kwarto at nag-stay muna sa loob ng kwarto ng ilang oras.

Pagka-baba ko sa hagdan ay narinig ko kaagad ang tawanan at boses ng mga nag-uusap na nagmumula sa dining area ng bahay. Pamilyar ang mga boses kaya alam ko na sina Tita Melanie at Tito Matthew na mga parents ni Rhea, Tita Elena at Tito Edgar na parents naman ni Addy ang nandoon.

"You're finally here, anak. Kanina pa kita tinatawag hindi ka naman sumasagot." Salubong ni Mommy sa akin.

"I'm sorry, Mom. Hindi ko kasi narinig e."

When Tita Elena and Tita Melanie saw me, kaagad silang tumayo at nakipag-beso beso sa akin. Tinugon ko naman iyon. Nagmano din ako kay Tito Edgar at Tito Matthew pagkatapos.

"I'm glad that you're finally here. You're very pretty as always, hija. Nagmana ka talaga sa mga Tita mo." Sabi ni Tita Melanie sabay tawa. Sumabay naman sa pagtawa sina Mommy at Tita Elena.

Unwavering (Montediragon Series #2)Where stories live. Discover now