Part 22: Tita Iza

360 5 0
                                    


Part 22 (Tita Iza)

Pagka-baba ko sa hagdan ay tunog kaagad ng musika ang narinig ko. Mula dito sa sala ng bahay, naririnig ko ang mga hiyawan at tawanan ng mga tao sa may pool area. Ang mga kasambahay namin ay sobrang busy sa paglalabas-pasok sa bahay para kumuha ng mga kung ano-anong pagkain.

"Good evening, Ma'am Ria. Happy birthday po!" Salubong sa akin ng isa sa mga kasambahay namin.

Ngumiti ako. "Thank you."

Pagka-alis nya sa harapan ko ay kaagad akong naglakad papunta sa main door ng bahay. Hindi pa ako nakarating doon ay may pumasok na. Ngumiti ako sa lalaking pumasok. He's wearing a floral polo shirt with three buttons open and a khaki shorts.

"Happy birthday, baby." He said then kissed my cheeks.

"Thank you."

Binigay niya sa akin ang dala niyang bouquet at sabay kaming naglakad palabas ng bahay.

"Ano'ng pinag-usapan niyo ni Mommy kanina?" Tanong ko.

A small curve forms his lips. Because of that, my curiosity grew even bigger.

"Ano nga?" Pagpipilit ko sa kaniya. Inalog ko pa ang kaniyang braso pero tumawa lang siya.

"The talk we had will remain on the both of us. Don't worry, it has nothing to do with break-ups."

I pouted. Ayaw niya talagang sabihin. Nakakainis!

Dumiretso kami sa table kung saan nandoon ang lahat naming kaibigan. I saw Jeshua with his phone on his hand typing something. Dexter and Tristan are laughing about something. Tyler and Jaxon are talking too. Rhea, Theresse and Ate Heather are chitchatting while holding a glass of wine.

"We're here!"

Lahat sila ay napatigil sa kanilang ginagawa dahil sa sigaw ni Luis. Pagka-kita nila sa akin ay kaagad silang ngumiti ng malapad.

"Happy birthday, Ria!"

Sabay-sabay nilang sabi pagkarating ko sa kanilang harapan.

"Thank you!"

The night turned out great. It's amazing how everyone lighten up the mood for my birthday. They keep on joking around and I can't help but to laugh with them. It is also my first time not drinking much beer. Pinagbawalan kasi ako ni Luis sa pag-inom ng marami. It's okay though.

"Ano? Nagawa mo na project mo sa Reading and Writing?"

Tanong sa akin ni Theresse habang kumakain kami sa school grounds. Napa-buntong hininga ako.

"Hindi pa e. But I'll finish it tonight. Sa ngayon kasi, 'yung survey sa Practical Research pa ang inuna ko."

Umiling si Theresse. "Bukas na ang submission nun."

Tumango ako. "I know."

Hindi ko lubos maisip na ganito pala ka stressful ang pagiging Grade 12 student. Although stressful din ang Grade 11, pero mas stressful ngayon dahil may emersion kami na gaganapin sa first week of January.

It's been two years since noong nanligaw si Luis sa akin. Hindi ko nakita sa kaniya na sumusuko na siya sa panliligaw. I think two years is enough. Gusto ko ng sagutin si Luis ngayong December. Christmas is fast approaching and I'm planning on saying yes this twenty-fifth of December.

"Huy. Tulala ka na naman. Is something bothering you?"

Theresse snap her fingers in front of my face. Napatingin ako sa kaniya.

Unwavering (Montediragon Series #2)Where stories live. Discover now