Part 39: Caught

418 7 0
                                    

Part 39 (Caught)

"You never told us about your past relationships. Ang alam lang namin ay ang present, about Vincent courting on you." Ani Christine.

Natigilan ako sa kaniyang sinabi. Vincent, he's a good friend of mine. Sa mga oras na wasak ako dahil sa paghihiwalay namin ni Luis ay siya ang laging nandiyan para pasayahin ako. How can I tell him about Luis? Ayokong saktan siya.

"Right. How about Vincent, Azariah? Ano ang gagawin mo?" Tanong ni Louisse.

Bumuntong hininga ako. "I don't know."

"Alam namin na may feelings sya para sa'yo. He would probably be hurting if he'll know about this." Dagdag ni Anna.

"I know. Sasabihin ko naman sa kaniya ang lahat. It's just that I want to tell him personally." Sabi ko.

"Does Vincent know about your past with Sir Luis?" Tanong ni Victor.

Tumango ako. Sabay na bumuntong hininga ang mga kasama ko. Alam ko na naguguluhan din sila sa sitwasyon ko. Even me, I don't know what to do.

"Diba may girlfriend na si Sir Luis? Ano nga ulit pangalan niya? Shizz? Shizzy?"

"Shizzle 'yun!"

Napalingon ako sa dalawang babae na dumaan sa harap namin. Halata na sinadya nilang lakasan ang kanilang boses para marinig ko. The two of them smiled at me with plasticity.

"Bwisit 'tong dalawang 'to." Naiinis na sabi ni Christine.

"Hayaan mo na." Sabi ko.

Shizzle. I know her. Siya 'yung babae na rumored girlfriend ni Luis noong college. We've met several times before. Nagkikita pa rin sila ni Luis hanggang ngayon?

"Alam niyo, uminom nalang tayo! Hindi ako sanay na tahimik kayo, e. Come on!" Aya ni Louisse sabay taas sa ere ng bote ng beer.

Bumalik naman kaagad ang sigla namin at nagsimula na ulit mag-ingay.

Kinaumagahan ay sakit ng ulo kaagad ang bumungad sa akin. Hindi naman kami required na gumising ng maaga ngayon dahil mamayang hapon pa naman ang balik namin sa Dumaguete. Today is a free day and we're allowed to do whatever we want to do.

Dahan-dahan akong naupo sa kama habang sapo-sapo pa rin ang ulo. It's very unusual kasi parang lumawak ang higaan namin ni Christine at lumambot. The scent is very manly too compared sa una nitong scent pagpasok namin kahapon.

"Good morning, breakfast in bed."

Kaagad akong napamulat ng mata ng marinig ko ang boses ni Luis na papalapit sa akin. Nanlaki ang mata ko ng mapagtantong wala ako sa kwarto namin ni Christine kundi nasa kwarto ako ni Luis! Oh my gosh! What happened last night?!

Nilapag ni Luis ang bed table na may lamang mga pagkain sa harapan ko. Hindi pa rin nawawala ang pagkagulat ko sa nakita. Talaga bang sobrang lasing ko kagabi at hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin?

"You passed out last night habang nag-iinuman kayo. Ang mga kasama mong babae ay halos hindi na makalakad dahil sa pagka-lasing. Good thing I passed by the spring para kumustahin kayo at nakita kitang nakahiga na. That's why I brought you here."

Napasapo ako sa aking noo. What the hell, Ria? Bakit ka nagpaka-lasing kagabi? Wala naman akong ginawang kakaiba kagabi diba?

Tumawa si Luis.

"You should look at your face right now!" He laughed. "Wala ka namang ginawa kagabi maliban lang sa pagsuka mo sa damit ko."

Oh crap! Sabi ko na nga ba e! Nakakahiya ka talaga, Ria!

Unwavering (Montediragon Series #2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang