Part 26: Doubts

330 4 0
                                    

Part 26 (Doubts)

Naka-upo ako sa gilid ng pool habang ang mga paa ay nakababad sa tubig. It's already six in the evening. I can't imagine I spent my one hour here in the pool. Habang hawak hawak ang strawberry juice na binigay ni Mommy kanina ay hindi ko namalayan na nakalapit na pala si Mommy sa akin.

"Honey, may bibilhin lang kami. Baka matagalan din kami ng Daddy mo. Just eat your dinner later, okay?" aniya.

"Sure, Mom. Ingat kayo." Sabi ko sabay halik sa kaniyang pisngi.

I don't feel like eating dinner. Kaka-kain ko lang din sa pagkain na binigay ni Mommy sa akin kanina kaya busog pa ako.

"Dinner na daw sabi ni Manang Ysa."

"Busog pa ako."

I sipped on my strawberry juice and sighed.

"Are you okay?" Tanong ni Kuya sa akin.

"I'm fine. May iniisip lang."

Hindi sumagot si Kuya sa likod ko. Hindi ko rin naman sya nililingon at mukhang bumalik na iyon sa hapagkainan para kumain.

Pagkalipas ng ilang minuto ay naramdaman kong may naglapag ng kung ano sa gilid ko. Nilingon ko ito at nakita ang isang bote ng Smirnoff at baso. I looked at my brother with confusion. Ano'ng nakain niya at binigay nya sakin 'to?

"Just for tonight. But make sure to eat afterwards okay? Isang bote lang."

Ngumiti ako ng malapad dahil sa sinabi niya. I can't believe he'll let me drink tonight. He's always on timing, huh?

"Thank you, Kuya!" I said with happiness.

Nginitian nya lang ako ng konti at umalis na. Sinalinan ko ang baso ko nito at uminom ng konti. Suddenly, it feels good. The heat from the liquor traveled to my throat and down to my belly leaving a burning sensation. Hindi ko namalayan ang oras at nakalahati ko na pala ang bote ng Smirnoff. I feel tipsy already pero kaya ko pa naman ang sarili.

My phone rang because of a call. Nasa gilid ko lang ito nakapatong sa towel ko kaya nakita ko kung sino ang tumatawag. It's Luis.

I sighed. I don't know what I'm feeling right now. This is so unfair for him, I think. Thinking that I am already doubting about his feelings for me makes me wanna punch myself. Ano ba itong mga iniisip ko? Hindi naman siguro ganoon si Luis diba? I can feel it. I can really feel his love for me. Why am I thinking this way? Ugh.

"Hello?" pambungad ko.

"Hey, baby. I missed you." He said huskily.

Napangiti ako. I missed you too, Luis. I'm sorry. A tear suddenly escaped my eyes. Pinahid ko ito at tumikhim.

"How was your day?"

I tried to sound happy and excited about the bonding with his family. This is right. I need to stop being jealous. I need to stop doubting about everything.

"Tiring."

Halata naman sa boses nya na pagod sya.

"You wanna sleep already?" Tanong ko.

I looked at the time on my phone and it's already seven thirty. Nag-dinner na ba 'to?

"Teka, nag-dinner ka na ba?" Tanong ko ulit.

This time, wala akong natanggap na sagot. Is he already asleep? Pagod ba talaga sya para matulog kaagad habang nag-uusap pa kami? Tiningnan ko ang phone ko para masigurado na hindi pa nga nya pinapatay ang tawag. Hindi pa nga. Binalik ko ulit ang phone sa tainga ko.

Unwavering (Montediragon Series #2)Where stories live. Discover now