Part 31: Revelation

364 10 0
                                    

Part 31 (Revelation)

"Here."

Nilahad ni Rhea sa akin ang isang coke in can na kinuha ko naman. Nandito kami ngayon sa Bais City Plaza, nagpapahangin. Pagkatapos ko kasing umiyak kanina, dinala ako ni Rhea dito para magpalamig muna.

"Ayos ka na?" Tanong nya.

"Thank you..." Sabi ko habang nakayuko at nilalaro ang can.

Bigla na namang namuo ang mga luha ko sa mata. Shit. Kung wala lang talaga si Rhea kanina doon, hindi ko alam kung saan pupunta.

"Kaya nga tayo nandito para hindi ka na umiyak. Please stop crying, Ria. Ayokong nakikita na umiiyak ka."

Tumulo ang luha ko sa aking pisngi. Pinahid ko ito gamit ng aking kamay pero hindi pa rin natatapos sa pagtulo ito. I am not weak like this before. I used to be a happy kiddo who would just ignore those negative thoughts. Pero pagdating kay Luis, hindi ko kaya na ibalewala lang ang sitwasyon namin ngayon.

"I-im sorry." Hikbi ko.

Biglang tumunog ang cellphone ko mula sa isang tawag at nakita na si Luis ang tumatawag. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago sinagot ito.

"Baby..."

Napakagat labi ako. I would miss the way he calls me baby. Ayokong saktan si Luis. Ayoko syang iwan. Just by hearing his voice right now, I wanted to stay by his side forever.

"L-luis." Nauutal kong sabi. I cleared the lump on my throat.

"Are you okay? Where are you? Hindi kita nakita kanina."

"Magkasama kami ni Rhea ngayon. I was there pero hindi kita nakita."

"I'm sorry. May pinagawa kasi si Mommy sa akin kanina."

"It's okay..."

"By the way, do you know Vincent?"

Nanlaki ang mga mata ko sa naging tanong ni Luis.

"W-why?"

Malakas ang pagtibok ng puso ko. Why did he know Vincent? Shit. Vincent, I'm gonna kill you!

"Hinahanap ka nya kanina. Tell me, do you know him?" Puno ng awtoridad nyang tanong.

Shit! Hinahanap? Is he in Bais right now? Shit. God, I hope not.

"Just... someone I know." I bit my lower lip.

"Really?"

"Uh-huh."

"I'll hang up now, okay? Tinatawag ako ni Mommy."

"Sure. Bye."

Bumuntong hininga ako. What do I need to do right now? What if Vincent would ruin the relationship I have with Luis? What if... what if Tita Iza would do everything just to make us break up? Hindi ko kakayanin 'yun.

"What really happened? Si Dexter din, parang hindi masaya na graduate na siya. Ano ba'ng problema niyo? Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa inyo." Nagpalabas si Rhea ng isang malalim na buntong hininga at sumandal sa sandalan ng bench.

Gabi na ng makauwi kami ni Rhea. Hinatid nya pa ako sa gate ng bahay bago siya pumasok sa bahay nila. As soon as I entered our house, bumungad sa akin si Ate Heather na nakahalukipkip.

"Where have you been?"

The moment I saw her, tears started to form at the side of my eyes. I missed Ate Heather so much and I just wanted to cry again.

Unwavering (Montediragon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon