Part 29: I do

313 5 0
                                    

Part 29 (I do)

Another day has passed and it's already the last month of this school year. I'm officially going to college after this. I'm a bit thrilled and at the same time excited.

"May band practice kayo?" Tanong ko.

Kasalukuyan kaming naka-upo ngayon sa isa sa mga benches ng school ground habang nagpapahinga mula sa mahabang practice para sa graduation kanina.

"Mamaya. Pero pwede rin naman kaming mag-practice sa bahay ni Jeshua."

Tumango ako. Request kasi ng karamihang studyante na mag-play sila sa araw ng mismong graduation. Mami-miss daw nila kasi ang Banda de Corintos.

"Gusto mong pumunta sa practice namin?"

Umiling ako. "Hindi na. Uuwi daw kasi si Rhea ngayon kaya pupunta kami sa bahay nila."

"Yeah, I heard it too. Pupunta sya sa graduation?" Tanong ni Luis.

"Siguro. Ga-graduate din kasi si Jaxon diba?"

Sumandal ako sa balikat ni Luis habang nakatingala kami sa langit. Gawain na namin ito every after practice. Nagtuturo kami ng mga clouds na sa tingin namin ay may form na tao, hayop o bagay.

"Look, nag-form ng heart." Sabi ni Luis sabay turo sa may gilid nya.

"Saan?" Masigla kong tanong habang sinusundan ang kaniyang tinuturo.

It was on my left side at nasa left side din sya kaya paglingon ko ay sumalubong kaagad ang kaniyang halik. He kissed me on the tip of my nose.

"Gotcha." Sabi nya sabay tawa.

Ako naman ay bahagyang natulala.

"Luis!" Singhal ko sabay pabirong hampas sa kanya sa balikat.

"I'm just kidding. Wala talagang heart form na clouds akong nakita."

I pouted to stop myself from smiling. Humigpit ang kaniyang yakap sa akin.

"Are you excited to be a college student?" Tanong nya.

"Sort of. Mas nangingibabaw ang kaba e."

"Me too. I don't know what college has in stored for us."

Lumingon ako sa kaniya. "What do you mean?" Tanong ko.

"We will have our own priorities at that time. I'm afraid that our time for each other will not be as broad as what we have right now." He sighed.

"I know. But we will still have time for each other right?" I asked.

"Of course. You'll always be one of my priorities."

Practice time is over. It's already four in the afternoon. 5:00 pm daw dadating si Rhea kaya may oras pa ako para mag-ayos.

"Ano? Sabay ka na sakin?" Tanong ni Jaxon pagkatapos ng practice.

"Dala mo sasakyan mo?" Tanong ko.

"Oo. Para mas madali tayong maka-uwi."

Tumango ako. "Wait lang."

Hinanap ng mga mata ko si Luis at nakita ko kaagad sya palapit sa akin.

"Uuwi na ako." Sabi ko.

"Ihahatid na kita." Aya nya.

Umiling ako. "Sasabay na ako kay Jaxon. Dala naman nya sasakyan nya e."

"Hindi ka manonood sa practice nila?" Tanong ni Theresse na nasa gilid ni Tristan habang nakapulupot ang kaniyang kamay sa braso nito.

"Hindi na. Dadating si Rhea ngayon, pupunta kami sa bahay nila."

Unwavering (Montediragon Series #2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang