Part 5: Coincidence

529 11 0
                                    

Part 5 (Coincidence)

Ilang oras rin kaming nagku-kwentuhan ni Ate Heather at Kuya Niel. Nakaka-inggit nga silang dalawa kasi naliligo sila sa pool. Ako lang ang hindi kasi hindi pa ako nakakapag-bihis ng aking swimsuit. Tinatamad akong bumalik sa kwarto e.

"Saan ka ba nanggaling?"

Tanong ni Ate Heather sa akin ng makita niya ang basket at kumot na dinala ko kanina sa mini-picnic 'kuno' ko. Nilapag ko ito sa isang tabi.

"Picnic." Sabi ko. Tumaas ang isang kilay niya.

"Ikaw lang mag-isa?" Tanong niya. Umiling ako.

"I'm with my cousin."

Tumango siya. "Oh."

Iniwan ko silang dalawa ni Kuya at kinuha ang kumot at basket na dala ko kanina. I need to change. Nanlalagkit na ako dahil sa pawis.

Pagkatapos kong mag-bihis ay napag-isipan kong bumaba na. It's already twelve noon at nagugutom na rin ako. Hindi kasi ako kumain ng chocolate cake na dala ni Ate Heather kanina.

Pagka-baba ko ay nakita ko sina Kuya at Ate Heather na naghahabulan sa sala.

"Ano ba, Heath! Ibigay mo na sa akin 'yan!" Pasigaw na sabi ni Kuya habang hinahabol pa rin ang tawang-tawa na si Ate Heather. He looked pissed pero pinipigilan lang niya ang sarili.

Napa-iling nalang ako. Napaka-isip bata din 'tong dalawang 'to.

"I won't! Unless you tell me kung bakit ayaw mong ipahiram sa akin itong laptop mo. Ang damot mo, Jecerniel!"

Sigaw naman pabalik ni Ate Heather. Napansin ko na hawak niya pala ang laptop ni Kuya. Oo nga. Bakit naman ayaw ipahiram ni Kuya ang laptop niya? Noon nga, ayos lang sa kaniya kung ano'ng gawin ni Ate Heather sa kaniyang laptop.

Nagkibit-balikat nalang ako at dumiretso ng kusina. Nakita ko si Manang Ysa na nagluluto doon.

"Hello, Manang Ysa! Ano'ng niluluto niyo?"

Masigla kong bati kay Manang Ysa. Napalingon naman siya sa akin saglit at itinuon ulit ang pansin sa kaniyang niluluto.

"Ikaw pala, Ma'am Ria. Nilagang manok po, ma'am. Malapit na po itong matapos. Gutom ka na po ba?" Sabi niya. Umiling naman ako.

"Hindi pa naman,"

Kumuha ako ng mga kubyertos sa kanilang lalagyan at inilapag ito sa lamesa. Kumuha ako ng tubig mula sa ref at ininom ito. Sakto namang pag-sarado ko sa ref ay inilapag na rin ni Manang Ysa ang bowl na naglalaman ng nilagang manok. Hindi ko maiwasang malanghap ang niluluto niya. Ang bango. Natatakam na ako.

"Kain ka na po, ma'am." Sabi niya.

Umupo naman ako sa lamesa at kumuha ng kanin.

"Kain na rin po kayo, Manang Ysa." Yaya ko sa kaniya. Kaagad naman siyang umiling.

"Mamaya nalang po pagkatapos ninyo."

"Sure ka, manang?"

Tumango lang ito atsaka iniwan ako.

"Kuya, Ate Heather! Kain na kayo!"

Sigaw ko para marinig nung dalawang nag-hahabulan. Ngunit, walang sumagot. Tahimik na rin ang sala. Saan kaya sila nag-punta?

Nagsimula na ako sa pag-kain ng biglang padabog na umupo si Ate Heather sa tabi ko. Napatigil ako sa pag-subo ko sana dahil sa gulat. Pasulpot-sulpot naman 'tong si Ate Heather. Nakakagulat.

Hinilamos niya ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang palad at paimpit na tumili. Tiningnan ko siya. Her cheeks are flushed. She is also pouting trying to cover the smile forming her lips.

Unwavering (Montediragon Series #2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant