XXI: Fangirl Problems

468 16 2
                                    

Rohan's POV

"Zaira, masakit ba?" tanong ko habang inaalalayan namin sya ni Lawrence maglakad.

"Ano ba kayo. Natisod lang ako, di ako nasagasaan." sabi nya tapos ngumiti, pero nakakapit parin sya sa balikat namin. Nakakapantay sya kasi naka-heels sya.

"Naks, terno sila ng damit oh. Pinag-usapan nyo?" sabi ni Lawrence. Napatingin kami niZaira sa suot namin. Suot nya yung gray hanging blouse nya na may logo. Parang sign ng bluetooth? Ewan ko, basta nakita ko yan sa isang album nila kuya eh.

"Pare, asan pala sila Darwin?" tanong ko nalang kay Lawrence.

"Actually, nasa AVR na kami kanina pa. Buti nga naabutan ko kayo para may kasabay ako pabalik dun." sabi nya, tapos lumiko kami kasi sa AVR kami didiretso.

"Anong meron at sa AVR tayo?" tanong ni Zaira.

"Teka di tayo pupunta ng clinic?" Tanong din ni Lawrence.

"Hindi na, kaya ko." sabi ni Zaira habang nakangiti.

"So, bakit nga tayo nandito sa AVR ngayon? Para saan?" ako naman ang nagtanong nung tanong ni Zaira.

"Ewan ko ba kay sir. Basta sabi may elections blabla daw. Ewan." sabi ni Lawrence.

Tumayo kami sandali para hanapin kung saan nakaupo sila Harold.

"Zaira." narinig kong may lalaking tumawag kay Zaira. Napalingon ako.

"Wilson! Asan si Althea?" sabi nya.

"Nagpunta ng CR. Hintayin daw kita kaya di nagpasama." sabi nya tapos ngumiti kay Zaira, tapos natingin sya sakin.

"You must be Rohan." sabi ng 'Wilson' na yun. Tumango lang ako with my poker face.

"Pare ayun sila Harold oh." sabi ni Lawrence, tapos napalingon ako kung saan sya tumuro. Kumaway sila samin, tumango lang din ako. Si Lawrence nauna na magpunta doon.

"So, Zaira, are you going to sit with us?" tanong ko sa kanya. Napatingin sya kay Wilson, tapos sakin ulit.

"Kakausapin ko rin kasi si Althea eh." sabi nya.

"Then talk to her after this thing." sabi ko.

"But it's important."

"Ok. Sit with them then." sabi ko, tapos binitiwan ko sya, saka naglakad papunta kanila Harold.

Zaira's POV

"Anong problema dun? Anong nangyari sayo't di ka makatayo ng maayos?" tanong ni Wilson. Nakatingin lang ako sa isang demon na naglalakad palayo.

Mabait naman na'ko sayo, bakit suplado ka parin?

"Natisod ako kanina." sabi ko. Nagsigh lang si Wilson tapos tinulungan nako makaupo dun sa pwesto namin.

"Bakit di ka muna dumaan dun sa clinic?" sabi ni Wilson tapos umupo sa tabi ko.

"Kaya ko naman." sabi ko tapos ngumiti.

"Para saan pala at nandito tayo sa AVR?" tanong ko.

"May election daw ng student council last week tapos ngayon iaannounce yung mga nanalo. Surprise daw? Ewan." sabi nya.

"Luhan!!" narinig kong sabi ni Althea, tapos niyakap sya nung paglapit nya.

"Happy birthday Xiu!" sabi ko, tapos si Wilson nagfacepalm lang sa gilid.

"Mamaya ah? Cake." sabi nya tapos pinaalis si Wilson sa upuan tapos sya ang umupo doon. Nasa may aisle kasi ako.

"Pagalitan mo yang bestfriend mo. Ayaw magpunta ng clinic." sabi ni Wilson sa tabi.

Be Who's Nanny?!Where stories live. Discover now