XXIV: Lea / Photoshoot

489 16 5
                                    

Rohan's POV






"Where are you at?" sabi nya.


"Condo." sagot ko lang. Narinig kong nagpaalam sya sa mga kasama nya doon, tapos sumara yung pinto. Nakahiha lang ako sa sofa habang nakapikit. Hinihintay ko lang sya magsalita.



"Ok, I'm on my way." sabi nya.


"'Kay. Bye." sabi ko tapos binaba yung tawag. Pag-end, nagring kagad yung cellphone ko.



"Rohan?" narinig ko yung boses ni Lawrence.


"Pare, bakit? May naiwan kayo?" tanong ko.


"Hinde, wala. Diba sabi mo susunduin ka ng kuya mo? Magshower at magtoothbrush ka na. Baka maamoy ka ng kuya mo, mapagalitan ka pa nun, baka mag-away pa kayo." sabi nya.

Tsk oo nga pala..

Umupo ako mula sa sofa tapos pinilit na tumayo.



"Sige pare, salamat. Tawag nalang ako." sabi ko.


"Sige, pare. Ingat, baka mabubog ka." sabi nya tapos tumawa.


"Ge. Bye." sabi ko lang tapos binaba nya na yung tawag.

Nilapag ko sa sofa yung cellphone ko tapos tumayo. Kumakapit ako sa sofa para di ako matumba. Humahawak ako sa pader sa hallway papuntang kwarto so I won't fall down. Dati kasi ganto rin ang nangyari, kaso nabunggo ko yung vase sa tabi ng sofa, tapos natumba ako at nabubog. Ngayon, kahit pagewang-gewang ang paglakad ko, I managed to get to the bathroom. Muntik pako mapaupo sa sahig nung nadulas ako sa banyo, buti napakapit ako sa doorknob.

Binuksan ko yung shower, cold. Hinayaan ko lang sya tumulo, saka ako naghubad ng damit. Natumba tumba pako nung hinubad ko yung pants ko. Anyways, I went into the shower. I was sure, it woke up the hell out of me! Di ko akalaing ganto kalamig.. biglang sugod pa man din ang ginawa ko. -_-


Nagshower lang ako, tapos nagtapis at tumapat sa lababo. Nagtoothbrush ako at nagmouthwash rin pagkatapos. Napatingin ako sa salamin.


Sa gwapo kong to, DEMON padin ang tawag mo sakin?


You should thank this Demon, you little devil.


Without me, you wouldn't have a job.



Buti pa si Lea noon, masungit man, malambing at mabit padin at times..

"Rohan?" narinig kong sigaw ni kuya, kasunod yung pagbalibag ng pinto.


Lumabas nako sa CR, tapos humarap sa cabinet sabay sigaw, "I'm here!!"

"Ok, hurry up." I heard him say back. Pumili nako ng damit. Sinuot ko yung black t-shirt na binili ko nung nagpunta ako ng Singapore. Pinatong ko sa T-shirt na yun yung polo ko na checkered. Yung pants ko na sinuot, yung pants ko kanina.Wala nakong ibang makitang damit, masakit yung ulo ko -_-

Be Who's Nanny?!Where stories live. Discover now