XXXV: Coincidence

409 21 6
                                    

A/N: False alarm xD Next chapter pa po pala ang pa-private-in ko. xD Owemji Churi puuu~♥

Zaira's POV

Nilapag ko sa ibabaw nung binili kong pizza yung pizza na nadeliver tapos binuksan yun. Napatingin ako kay Rohan na tinitignan yung laman ng paperbag na inabot ko sa kanya.

"Ano to?" sabi nya tapos nilabas yung tatlong phone cases, tapos kinuha ko yung nag-iisang pink.

"Phone case yan. Bumili kasi ako kanina.. Tapos naisip ko na bilhan ka din. Tignan mo yung akin oh, ang ganda." sabi ko tapos pinakita ko yung likod ng cellphone ko na may pink halfheart na cellphone case.

"Uhmm.. kung ayaw mo nung heart, binili ko yung cassette design.." sabi ko. Nilabas nya yung cellphone nya, tapos bigla nalang hinablot yung cellphone ko. Nagulat nalang ako nung paglagay nya ng blue halfheart case sa phone nya, pinagdikit nya yung edge ng phone cases namin.. at yun yung kadugtong nung pink halfheart case na nakalagay sa phone ko. Nakita ko kung gano sya ngumiti ng pang-asar habang nakatingin sakin.

"H- hoy! D- di ko s- sinadya yan! W- wala akong kinalaman jan!" sabi ko.

He made a smirk tapos sabi nya, "Wala naman akong sinasabi eh." tapos binigay na sakin yung phone case.

"Wag mong tatanggalin yan.. lagot ka sakin pag tinanggal mo yan." sabi ni Rohan na masungit at nakakatakot ang expression.

"Oo na! Gutom nako!" sabi ko tapos kumuha ng slice ng pizza.

"Halata naman eh. Kaya ang taba taba mo eh." sabi nya bago kumuha ng slice.

"Ako? Mataba? Psshh.." sabi ko lang tapos kumain.

"May utos pako sayo ah. Yung sa dare." sabi nya sakin.

"Oo alam ko." sagot ko sa kanya.

Pagkatapos namin kainin ang dalawang box ng hawaiian pizza (amazing right?) nagligpit nako at natulog kaagad.

Kinabukasan, 9am ako nagising. Sakto lang yun, 11am naman ang pasok namin. Nagtali lang ako ng buhok saka lumabas ng kwarto.

"Rohan, gising na. May pasok pa tayo." sabi ko pagkakatok ko sa pinto nya.

"Oo." sabi nya lang.

Nagpunta nako sa kusina at tumingin kaagad sa loob ng ref kung anong pwedeng iluto. Maya-maya, lumitaw na si Rohan tapos umupo sya.

"Pancakes. I want pancakes. Please, pancakes." sabi nya nang nakapikit. Parang what he did was wake up, stand up and walk to the kitchen nang wala nang dilat dilat.

Yung messy hair nanaman ni Rohan talaga.. Nakaka-attract talaga yung buhok nya, lalo pa ngayon na nakapikit sya. Di ko mapigilang mapatitig sa kanya. Well.. nakapikit naman sya so di nyako mahuhuli na nalatingin sa kanya.

"Yes, sir." sabi ko nalang tapos kinuha ko na yung pancake flour na nilalagyan lang ng margarine at gatas tapos pwede na iluto.

Nilagay ko kaagad sa plato nya yung five layers ng pancake tapos nilagay sa tabi ng plato yung choco syrup, honey, margarine, strawberry jam,  at knife and fork. Sya na bahala pumili ng gusto nya ilagay, nagluto nako ng para sakin. Tatlong layer lang sakin.

Nagulat ako sa pancake nya kasi lahat ng hinain ko, nilagay nya sa pancake nya.

"Asan yung grape syrup?" sabi nya as he rubbed his eyes.

"Mag-ge-grape syrup kapa?" sabi ko sa kanya in disbelief.

"Wag ka nang mangialam." sabi nya tapos humikab sya. Tumayo nalang ako at inabot ang grape syrup tapos binigay sa kanya. Ako nilagay ko lang sakin margarine at honey.

Be Who's Nanny?!Where stories live. Discover now