XXIX: Sasaengs

401 19 4
                                    

Zaira's POV

Kumuha nalang ako ng jacket, saka lumabas. May minimart naman sa labas ng building kaya di nako kailangan magdala ng kung-ano. Iniwan ko nadin yung cellphone ko kasi di ko naman mabuksan. Tsk. Magpapasama nga ako sa mall bukas para ipaunlock yun.

So ayun nga, lumabas ako ng building, tapos naglakad papunta sa minimart. Mga 5-10min walk lang ang layo. Di pa ako nakakalayo, may narinig akong clicks ng camera mula sa likod ko. Di ko nalang yun pinansin, kaso parang palapit nang palapit yung nagpipicture, syempre as of the click sounds got louder. Lumingon ako para tignan kung ano yun, tapos may nakita akong mga babae na nakalabas yung phone at nakatapat sakin yung camera.

"Sya nga yun!" narinig kong sabi ng isa sa mga nagpipicture habang nakatingin sakin.

"Miss, anong kailangan nyo?" tanong ko pagtigil ko sa paglalakad.

"Ikaw yung kasama ni Luhan sa stage sa concert kanina diba?" sabi nung isa pa sa kanila habang nakataas ang isang kilay.

"Uhmm..." sabi ko lang tapos tumakbo ako pabalik sa condo building. Narinig ko na hinabol nila ako, pero di na sila pinapasok nung guard sa building.

Sumakay ako kagad sa elevator at nagmadaling pumasok sa condo. Sinara ko kagad yung pinto.

Grabe yung tingin nung babae kanina...

Kung nakakamatay ang tingin nya, malamang nakalibing nako ngayon!

"Tsk.. Pano ako makakabili ng gamot at pagkain neto?" sabi ko sa sarili ko. Umupo ako sa sofa. Yung feeling na parang may bumbilya na nag-ding nung nakita ko yung yellow pages book? Kkaebsong~

Kinuha ko kagad yun, tapos naghanap ng pwedeng ipadeliver para makakain na si Rohan. Tsk.. Badtrip na yun.. Ngayon pa nagkasakit! Aishh... tapos may mga weirdo girls pa na nanghabol sakin. -_-

Nagdial nako sa isang Chinese Fastfood delivery service para sa isang soup. Sinabi din sakin nung nasa phone na may free two fortune cookies yun na kasama. Um-oo nalang ako. Nung binaba ko yung tawag, tumingin ako sa relo. Almost 12am na.

"Why are you still up?" narinig kong sabi nya. Nagulat ako kasi akala ko tulog na sya. Tsaka akala ko din galit sya sakin.

"Uhmm.. Ano.. Di ba sinabi ko na bibili ako ng gamot at pagkain?" sabi ko. Nakatayo lang sya sa palagitnaan ng hallway papunta sa kwarto at sala.

"Then, where are they? Where are my food and medicine?" sabi ni tapos he crossed his arms and leant his shoulder on the wall.

"Nagpadeliver ako.. Uhmm.. Ok naba pakiramdam mo? Di ka ba nahihilo?" tanong ko sa kanya. Patayo na sana ako para maglakad papunta sa kanya, kaso naglakad na sya papunta sa opposite couch ng inuupuan ko.

"I'm fine. I thought I already told you that I don't need anybody?" sabi nya habang nakahawak sa ulo nya, tapos biglang may nagdoorbell.

Binuksan ko yun, tapos nakita ko yung delivery boy na may dalang bag. Binigay nya sakin yung soup na nasa isang bag(?) tapos binayaran ko na sya.

"Halika na dito, kumain ka. Di pako nakakabili ng gamot mo." sabi ko habang dinadala yung pagkain nya sa dining room. Nilagay ko na sa isang bowl yung soup, tapos narinig kong dumating sya.

"I have my medicine." sabi nya pagsunod nya sakin. Nakita kong pinatong nya sa mesa yung isang capsule at isang tablet. Nilagay kona sa tapat nya yung bowl ng soup, tapos nagpatong nadin ako ng isang baso ng tubig.

"Tawagin mo lang ako pag kailangan moko ah. Nasa kwarto lang ako. Iwan mo nalang yan jan pagtapos mo." sabi ko. Palabas na sana ako nung nagsalita sya.

Be Who's Nanny?!حيث تعيش القصص. اكتشف الآن