XXII: Bad Day

461 16 9
                                    

Zaira's POV

"Zai, idaan muna natin yang paa mo sa clinic." sabi ni Wilson habang palabas kami sa room.

"Oo nga, Lu. Para mas matino kana maglakad." sabi ni Althea. I just raised my hands up as a sign of defeat.

On our way to the clinic, nakasalubong namin sila Rohan. Si Rohan ang nangunguna sa kanila, nakalagay sa bulsa ang mga kamay. Kung titgnan nyo, para silang F4. Yung tipong naglalakad lang, may patingin-tingin pa kunyari sa langit habang hinahawi ang buhok. Nakakainis.

"Hey there, my little devil." sabi nya nung nakasalubong namin sila, wearing that annoyingly irritating smirk na mas bagay pa kay Luhan.

"Ay, teka." narinig kong sabi nya. Napatigil kami nila Wilson, tapos lumingon kami sa kanya.

"Ano nanaman?" sabi ko. I was trying my best not to look too irritated sa kanya kasi baka mamaya mawala sa isip ko na I pretend as his girlfriend here sa school.

"Baka late nako makauwi mamaya so don't wait for me, ok babe?" sabi nya. Aishh. I can't stay nice even if I want to.

"Ok BABE." sabi ko tapos ngumiti sa kanya ng pang-asar, saka umirap. Lumapit sya sakin. Akala ko may ibubulong lang sya... but he kissed my cheek, tapos ngumiti rin ng pang-asar. Pero mas nakakaasar yung sa kanya! Aishhh.. He already ruined my day! He's making it even worse! Ngayon yung mga mata ng mga babae dito sa paligid, nakadikit na sakin. Nice.

I can feel my cheeks heat up. Hinampas ko nalang yung braso nya.

"You're so annoying." bulong ko bago pa man sya makalayo.

"I know." sabi nya tapos umalis na sila ng mga kaibigan nya.

"Yung totoo Luhan, namumula ka sa kilig o sa inis?" sabi ni Althea sakin. Nanggigigil ako sa INIS!!

"SA INIS! TINGIN MO KIKILIGIN AKO DUN SA DEMON NA YUN?!" sabi ko na pabulong pero may gigil, inis, at kung ano pa! Basta! Badtripp.... TSK!>_<

Dumiretso na kami sa clinic. Actually, hinilot lang nung nurse yung paa ko. Hindi man sya yung totally magaling na, pero mas maayos nako makapaglakad at tolerable na ang natitirang sakit.

Pag-labas namin ng clinic, napansin ko na nasa may gilid lang yung babae na nagtisod sakin. Tumalikod kagad ako sa kanya.

"Don't worry, girls. Magiging akin din si Rohan. All I have to do is get rid of her 'girlfriend'." sabi nya. Sa tono ng boses nya, you'll notice the sarcasm applied on the last word she said.

"Ano ka ba, Misty? Ayan lang sya oh.." sabi nung kasama nya.

Hay nako, ate, kung alam mo lang. Sus, iyong-iyo na sya mula ulo hanggang sakong, he's all yours. I don't give a damn, I don't care. That DEMON? Nako, sayo'ng sayo na teh. No no. Kahit na gwapo, ma-appeal, mabango at maporma yung demon na yun, di ko sya ipagdadamutan sayo. Kaso hindi eh. Ako ang girlf-- este, yaya na.. What the eff.. Basta yun na yun!

"Guys let's go." sabi ko kanila Althea after I shook my head.

Nagpunta kami sa mall.

"Ano ba? Cake o pizza?" sabi ni Wilson. Magkatabi kasi yung Hall Of Cake (cake shop) at pizza house.

"I want a cake. Cake. Cake!" sabi ko habang nakatingin sa kanilang dalawa. Tumabi sakin si Althea, tapos nakatingin kami kay Wilson.

"Ok. Cake. Kahit ano naman kakainin ko eh. Nakikiparty lang ako.." sabi nya, tapos bigla naman kumapit sa braso nya si Althea.

"I love you!" sabi ni Althea habang naka-pretty eyes kay Wilson. Ngumiti lang si Wilson.

"Hay nako. I love you too." sabi nya tapos tumawa silang dalawa.

"Alam nyo, nakakaumay talaga kayong dalawa. Nakakainis." sabi ko tapos nauna nakong pumasok sa cake shop.

Special tong cake shop na 'to para samin ni Althea kasi dito namin nakita ng personal si Xiumin at Luhan isang beses. Nag-shoot kasi sila dito para sa isang show, kasi si Luhan ang may-ari ng cake shop na 'to. Nun din narealize ni Althea na si Xiumin talaga ang gusto nya, hindi si Luhan. Yehet.

"Xiumin, look out ha? Baka alam mo na." sabi ko tapos ngumiti sa kanya.

Lagi din kami dito ni Althea bumibili ng cake kasi parang customized talaga yung cake. Pero yung nakasulat at yung designs, kami ang gagawa. Pag nagawa na namin (here or sa bahay) pipicture-an sya at pag nanalo sya sa monthly contest, ilalagay yung picture sa hall of cakes. Nananalo kami ni Althea as cake of the month every birthday month ng EXO. And this month, I hope we'll win again.

"Ikaw ang pipili ngayon, next month pako." sabi ko kay Althea. Ayun nga, sya ang pumili kung anong flavor ng cake, kung anong frosting at designs na ilalagay namin.

Nung nasa box na, kinuha na ni Wilson tapos ako ang naghawak ng paper bag na merong designs ng para sa cake.

"Xiumin, bili narin tayo ng para sa concert. Nakuha ko na yung sweldo ko eh. Lapit na ng concert." sabi ko habang sinisilip yung paper bag na hawak ko.

"Ok lang ba, babe?" sabi ni Althea kay Wilson.

"Sige lang, babe." sabi ni Wilson tapos umakbay kay Althea.

Dumiretso kami kaagad dun sa kpop merch shop. Nagsa-sparkle ulit ang aking paligid!

"Luhan, yung para lang sa concert ha?" sabi ni Althea sakin.

"Aww..." sabi ko tapos nagpout.

Kumuha ako ng Luhan lightstick, EXO Towel banner, yung sneakers na may glow in the dark EXO na logo. Pati yung wolf-like and panda-like headdress na binili ni Luhan sa EXO's Showtime binili ko din. Lahat lahat, P4,850.00. 3k+ nalang tuloy natitira kong pera :( Anyways may allowance pa naman ako from daddy so I still have money ^O^

"Ok kana Xiu?" sabi ko nung binigay sakin yung bag na may mga binili ko.

"Teka magbabayad nalang ako." sabi nya.

"Magkano sayo lahat lahat?" tanong ko sa kanya nung hawak nya narin yung bag nya.

"3k." sabi nya.

"Ako almost 5k." sabi ko tapos tumingin sa wallet ko.

"May allowance naman kayo diba? Aside sa sweldo?" sabi ni Wilson.

"Oo naman. Sana nga mag-grocery na yung Demon." sabi ko.

Sumakay kami sa kotse ni Wilson and he drove us papunta sa condo. Dinala ko muna sa kwarto ko yung mga binili ko, tapos tinuro ko sa kanila yung kusina para dun nila ilalagay yung cake.

"Kamusta na pala stay mo dito, Zai?" sabi ni Wilson habang nilalabas mula sa box yung cake.

"Ayos naman. Di naman ganun karami yung ginagawa." sabi ko habang kinukuha yung tool para sa icing.

"Pero infairness, ang ganda ng condo nyo." sabi ni Althea.

"Anong 'nyo'? Nya!" sabi ko tapos umirap nanaman.

"Luhan, stress reliever ang cake kaya wag mong i-istress ang sarili mo sa kung anumang related sa alaga mo. Just wait for--" biglang napatigil si Althea sa sinasabi nya nang biglang may kumatok.

"OMG, magtago kayo sa kwarto ko!" sabi ko habang hinihila sila papunta sa kwarto ko.

"Zaira, open up." narinig kong sabi ni Rohan mula sa pinto nung dumaan kami sa sala.

"Dali! Pasok!" sabi ko tapos pinapasok sila sa kwarto ko, tapos nagmadali ako papunta sa pinto para pagbuksan sya.

"Oh? Akala ko ba magkikita kayo ng kuya mo? Wala ka bang susi?" sabi ko sa kanya pagbukas ko ng pinto.

Be Who's Nanny?!Where stories live. Discover now